Pinagmasdan ko ang suot na singsing, mula kaninang paggising ay para akong lumulutang sa saya. Akala ko sa panaginip lang nangyayari ang mga ganito.
It was just a simple gold ring with a large diamond in the center. Above it is the ring that Damon gave me years ago. It has lost its original color, but I will always admire it. He gave me this 7 years ago at hanggang ngayon hindi ko parin matanggal.
Hindi na ako nakaligo dahil noong nakita ko 'to habang naghahanap ng damit. Hanggang ngayon, hindi ko na natanggal ang tingin dito.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang may maalala. Nilakad ko ang drawer ko at kinuha na ang itim na velvet box.
Damon also deserves this, tinignan ko ang simpleng singsing na binili ko noong birthday ko.
Isa ring engagement ring. Nakakatawa na sa kakaantay ko sa kanya ay ako pa ata ang magbibigay o magpopropose.
Mabuti talaga't nauna siya.
Nilabas ko ang simpleng silver ring at pinagmasdan iyon, bagay na bagay sa simpleng lalaki kagaya niya. Nahawi ko ang buhok nang marinig ang sunod-sunod na katok.
Sobrang lakas kasi n'on na kahit nasa kwarto ako ay dinig na dinig.
May kalayuan ang lokasyon ni Damon, impossible namang siya 'yon, wala rin akong ibang inaasahang bisita.
I approached the door slowly and peered through the peephole to see two Matanguihans.
Wow, punyeta.
Ano na namang kayang kailangan ng mga ito? Nang pihitin ko ang pinto ay si Janine na ang tumulak n'on at agad akong sinugod.
Nanlaki pa ang mata ko nang hawakan niya ang kamay ko. Sinuri na ang singsing na suot. I was still processing their sudden appearance, but seeing her giddy over the ring startled me.
"Bilis ah?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.
Napatingin si Harold sa paligid. Nang hindi makita ang hinahanap ay binalingan niya ako.
"Fiancé mo?" Muntikan pa ako matumba sa gulat nang marinig 'yon.
"Malay ko," sagot ko nang makabawi. Bumaba ang tingin ko kay Janine na nakatingin pa rin sa kamay ko.
"Ang laki naman ng diamond nito," komento niya. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa kanya at inilahad na ang bahay.
"Anong meron?" tanong ko. Akmang isasara ko ang pinto ng may tumulak na naman n'on. Kunot noo kong tinignan ang labas at namataan ang taas kilay ng si Aye.
Ang bilis nga ng balita.
"Sinong nagsabi sa inyo?" Isa-isa ko silang pinasadahan nang tingin, kanya kanya silang iwas kaya ang mga bata ang binalingan ko.
Well, I found it stupid to ask. I already knew who was who.
Nagmano si Rene sa akin gano'n na rin si Faye, may pa bitbit silang whiteboard at marker.
Ano namang gagawin nila don?
"'Asan na si Fiancé mo?" tanong ni Dwayne. Nagkibit balikat ako bago tuluyang sinara ang pinto.
Ano? Wala na bang hahabol? Baka naman mamaya may kumatok na naman?!
"Walang ligo ligo a?" puna ni Aye. Sinamaan ko siya nang tingin at umupo na sa sofa.
"Share?" Inirapan niya ako kaya gano'n rin ang ginawa ko.
Bigla akong nailang nang makita silang ayos na ayos. Dumagdag pa ang nakakairitang titig nila na parang ngayon lang ulit nila ako nakita.