Daunted 10

568 20 1
                                    

Aye Meñoza:
Daming issue.

Janine Matanguihan:
Sinabi mo pa.

Fauza Lesmar:
Anong issue?

Dwayne Meñoza:
"CEO ng F. cosmetics hindi pa rin nagpapakilala. Issue na kinahaharap ng brand nila, hindi pa rin nasosolusyonan."

Yan. Corns. Kala naman nila kinaganda nila yan.

Jusko.

Fauza Lesmar:
Di ba napatunayan na fake ang binili nung customer at hindi atin yon?

Janine Matanguihan:
Alam mo naman mga tao ngayon. Walang magawa sa buhay kaya pangbabash na lang ang inaatupag.

Ayesha Meñoza:
Agree.

Harold Matanguihan:
Fau?

Fauza Lesmar:
Oh?

Harold Matanguihan:
Punta ka sa page ng F. Cosmetics.

Fauza Lesmar:
Bakit?

Harold Matanguihan:
Nagkakagulo.

Binomba ng ibang cosmetic brand yung FC

Tapos pinagtatanggol ka ng mga tauhan natin.

Fauza Lesmar:
Ha?

Ayesha Meñoza:
OMG! Wait!

Send ko here.

"Mga paepal kayo? Nagbabagsakan na kasi ang mga brands niyo kaya FC ang tinitira niyo. Mabait ang CEO ng FC, may pa-incentives lagi. Inaalagaan din niya ang mga tauhan niya. Pinag-aaral pa ang mga anak ng mga distributors.

Hindi man namin siya kilala, at least siya tumutulong sa iba. Hindi kagaya niyo mga mukha lang ang panlaban. Puro paid feedbacks at kung ano ano pa. Ibash niyo na lahat wag lang ang CEO namin."

Fauza Lesmar:
Seryoso ba yan?

Ayesha Meñoza:
Lahat sila pinaglalaban ka, di ka man nila kilala. Ramdam ka nila.

I'm crying, I'm so proud of you Fauza.

Fauza Lesmar:
Pigilan niyo. Hayaan niyo na ang mga bashers, wala naman tayong ginagawang masama.

Mapapagod din ang mga yon. 

Yung nagsabi ng statement na yan. Ipabura niyo. Ayokong siya naman ang titirahin ng ibang grupo.

Ayesha Meñoza:
Madami sila! Lahat pinoprotektahan ka.

Hindi ko sila kayang pigilan isa-isa.

Mygad, naexcite ako lalong ipakilala ka!

Naiiyak ako sa saya, Fauza. I'm so proud for you.

Yes harsh ka pero palihim kang natulong sa iba, sa amin, never kang humingin ng kapalit. I'm so happy.

Mygad!

How to uncry?! huhuhuhuhuhu

Daunted | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon