Daunted 21

539 21 5
                                    

Entourage.
(Wala dito si Fauza)

Janine Matanguihan:
Ang bilis mo masyado, Damon.

Ayesha Meñoza:
Luh, kontrabida.

Harold Matanguihan:
Janine.

Janine Matanguihan:
No, seryoso.

Binibigla mo yung tao.

Damon Creed:
Seen

Dwayne Meñoza:
Labas ako diyan.

Janine Matanguihan:
Kaya gano'n si Fauza...

Paano ko ba ipapaliwanag 'yon?

Yung kung umarte siya, parang wala lang.

Pansin mo? Kasi ako oo.

Alam mo kung bakit? Takot kasi siyang maiwan ulit pagtinarayan ka niya o ano. Parang bawat kilos niya binabantayan niya wag ka lang ulit mawala.

Yang ginawa mong pang-iiwan kay Fau? Kung sakin 'yan na ko iiyak ka ng dugo.

Pero siya? Tinanggap ka niya agad. Walang explain-explain, basta si Damon ka. Masaya na siya doon.

Ayesha Meñoza:
Seen

Janine Matanguihan:
Yes, mataray si Fau. Mabait minsan, pero alam mo yon?

Tipong ayos lang sa kanya lahat, pero hindi mo alam yung tumatakbo sa isip niya. Ni hindi mo manlang tinanong kung ayos lang siya.

Alam mo bang binago niya ang ugali niya kasi feeling niya kaya iniwan mo siya noon dahil doon? Dahil sa pakikitungo niya.

Damon Creed:
Seen

Janine Matanguihan:
Ngayon, kahit nahihirapan siya, pinipilit niyang makisama. Sobrang layo na sa Fauzang nakilala ko dati.

Malayo sa suplada, walang preno, iritable lagi, pranka, at mataray

Yes, ikakaganda niya naman yung improvements niya. Pero Damon. Kinalimutan niya 'yong totoong siya para ano? Para hindi mo siya ulit iwan.

Kinalimutan niya yung mga breakdown niya noong college, 'yong pag-ku-kwenstiyon niya sa pagkatao niya, yung hirap niya.

Mahal ka non, halata naman e.

Pero wag mo naman biglain, may trauma pa 'yon. Bigla mo ba namang iwan sa ere. Tapos ngayon susulpot ka ng parang walang nangyari.

Take it a little slower okay?

Hindi naman sa pinipigilan ko kayo. It's just that, give Fau time.

Ngayon aalis ka ulit. Tapos ano?

Damon Creed:
Aalis ako dahil sa kontrata ko.

I can't just ignore it, Janine.

Janine Matanguihan:
Oh Damon, I know what you did.

In 5 months pa dapat ang alis mo 'di ba? Bakit pinaaga mo?

Kasi ano?

Kasi ayos naman si Fau, nasigurado mo naman palang tatanggapin ka pa ulit nung tao.

Hindi porket malakas si Fau hindi na 'yon nasasaktan. Tao lang rin siya.

Ayesha Meñoza:
Teka, masyado akong pro-Damon, hindi ko man lang napansin 'yon. Omygod.

Janine Matanguihan:
Si Fauza naman ang piliin mo aba! Tama na ang paghahabol mo sa level niya. Hindi yaman ang kailangan niya.

Halata namang nagpupursigi ka para maabot ang level ni Fau pero sarili mo lang ang kalaban mo, ego lang ang pinapansin mo.

Tama na ang pakikipaglaban sa pwesto sa buhay ni Fau kasi sigurado namang iyo na 'yon. Hindi mo na kailangang makipagbanggaan.

Nakakalimutan mo na si Fau, yung pinaglalaban mo.

Huwag kang mabulag kakaipon, kakaisip na deserve ni Fauza nang ganito ganyan, hindi naman kailangan ni Fauza ng mayaman. Ikaw ang kailangan niya.

Stop being daunted, hindi matutuwa si Fau na nagiging busy ka kasi feeling mo hindi niya deserve 'yong mga simpleng bagay. Mas pipiliin ni Fau 'yong simple okay?

Hindi pagaraan dito. Walang silbi ang magagarang bagay na kaya mong ibigay kung wala ka naman sa tabi niya.

Masyado kang practical. Kalma ka lang. Medyo sumosobra ka sa pagiging takot.

You're doing good, okay? Maganda naman ang motivation niyo sa isa't isa. Sadyang kalma lang kayo, lalo ka na.

Umayos ka, Damon sinasabi ko sa 'yo.

Daunted | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon