Daunted 12

593 20 13
                                    

Hindi ako mapakali, agad kong pinagsisihan ang pagpayag na sumama si Damon sa gathering. Hindi ko mabawi pero ayos na rin naman atang ganito.

Madaming games ang naganap, pinapangunahan 'yon nang active na active na si Aye. Habang ako'y nakabantay kay Faye at Rene.

Pabor pa 'yun sa'kin, atleast hindi ako gaanong makikihalubilo. Hindi rin naman ako magaling do'n eh at ayoko rin...

Nandoon siya...

"Ninang, who's this?" Nawala ang tingin ko sa mga tao nang biglang iharang ni Rene ang phone sa mukha ko. He's showing me something on his mama's phone. Nanliit ang mata ko at tinignan na ang laman non.

"It's me," plain kong sabi. Naguguluhan pa nang makita ang picture ko sa phone ni Aye. Anong kagagahan na naman 'to? Bakit may gano'n siya sa phone niya?

Tinanguan ako ni Rene bago ibinalik ang tingin niya sa phone. PinagpI find it entertaining, not untilatuloy niya rin ang pagtingin ng photos, pati tuloy ako ay nacurious na. Nakitingin na rin ako. 

I find it entertaining, but not until I saw a bunch of my own face. Nanlaki na ang mata ko at halos gusto nang agawin ang phone sa bata. It was a picture of us. Simula noong highschool kami hanggang ngayon, para siyang isang compilation.

Pasimple kong inabutan ng junkfoods si Rene, para makuha ang phone na hawak. Agad na nagningning ang mata niya. Minsan lang kasi siya payagan ni Aye, isa ang pagkakataon ito sa bihirang yun kaya...

Nabitawan ni Rene ang phone sa sobrang saya. Nginitian ko siya at inalong kumain ng junkfood. Tulog pa ang kapatid niyang si Faye kaya tahimik lang kami.

Kinuha ko ang agad phone nang mawala ang tingin ni Rene roon. Sobrang bilis ng galaw ng daliri ko, sobrang daming picture. Hayop na 'yon andami kong stolen shots. Mukha akong tanga. Okay sana kung photogenic ako pero hindi.

Natigil lang ang pags-swipe ko nang makita ang isang picture. Parang may mabigat na dumag-an sa dibdib ko. Tuluyan na akong hindi nakahinga nang maaayos. My eyes began to tear as I bit my lower lip, as if biting my lower lip would prevent me from crying.

Libo libong ala-ala ang bumalik sa'kin. It was a picture of me, noong graduation ni Damon. Nakasuot ang graduation cap niya sa 'kin. As I realized that day, I chucked. Pinilit niya ako noong suutin 'yon kahit iritang irita na ako.

Ang stiff namin tignan pero kapwa kami masaya. Nagkakahiyaan pa magdikit na lalong nakakatawa. Bakit ngayon ko lang ulit 'to nakita? I'm not even aware that Aye has this.

Sunod-sunod na picture ulit ang kuha ko hanggang sa marating na naman ang picture namin. Kapwa kaming nagtatawanan habang nakain ng siomai. 'Yon 'yong pagkakataon na niyaya ako ni Damon bago siya umalis pa-Manila.

"Ninang..." Rene fixed his gaze on me. I think terror crept into his mind when he saw my face. "Are you crying?!" biglang tanong niya. Nabitawan pa niya ang hawak na pagkain para lang icheck ako. Gulantang akong napatingin sa kanya kaya tuluyang  pumatak ang ilan sa mga luha ko. Hindi ko nalamayan, naiyak na pala ako.

Nalukot ang mukha ni Rene. Unti-unti ay bigla na rin siyang umiyak. Nabitawan ko tuloy ang phone at inalo na siya.

"I'm not crying!" reklamo ko. Jusko, bakit ganito?! "It's just a pool water. Natalsikan ang mata ko." Katwiran ko.

Gamit ang maliliit niyang kamay ay pinunasan niya ang luha sa mga mata niya at ngumiti na. Nalaglag pa ang panga ko sa bilis ng pangyayari. Ulul, mana sa nanay niya.

Hindi pa ako nakakarecover sa throwback moment, takot dahil umiyak siya, tapos ngingitian niya lang ako?

Buntong hininga na lang ang ginawa ko nang masigurong okay na si Rene. Natigil lang 'yon nang marinig ang lahat na palapit sa pwesto namin. 

Daunted | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon