Naihagis ko ang phone nang mabasa ang kalokohan ni Damon. Simula ata noong naging kami. Nasiraan na ako nang bait.
Tumayo na ako sa higaan at nag-unat-unat. Hinawi ko na rin ang kurtina ng kwarto ko kaya naman pumasok na ang sinag ng araw.
Nang makalabas ay napalingon ako sa pinto, sunod-sunod kasi ang katok n'on na nagpatigil sa akin.
Wala naman akong inaasahang bisita a?
Hindi na akong nag-abalang sumilip basta ko na lang binuksan ang pinto. Nanlaki pa ang mata ko nang bigla akong sinugod nang yakap ni Damon.
It was a long, hugging embrace. Napaatras pa ako ng ilang hakbang sa bigat niya.
"Ano bang ginagawa mo?" kunot noo kong tanong kahit hindi naman niya kita ang itsura ko.
Ang bigat na, ang tangkad pa. Hindi naman siya ganito dati.
"I'll be leaving the country in less than a week." I can feel the sadness in his voice. It made me smile and sad at the same time. Kahit na nakakainis siya minsan, I know namimiss ko rin siya nang sobra.
"Alam ko," alo ko. Tinapik ko pa ang likod niya na para bang may mai-a-ambag 'yon.
Dumukhang si Damon mula sa pagkaka-ub-ob niya sa leeg ko. "Bakit hindi ka malungkot?" bulgar na tanong niya. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ay halos maduling na ako.
"Anong gusto mo? Umiyak ako?!" Nagsalubong ang kilay niya at tinignan pa ako lalo.
"Hindi mo ako mamimiss?" parang batang tanong niya. Napairap ako bago nilayo ang mukha ni Damon sa akin.
"6 months lang e." Kinalas ko ang yakap niya para sana isara ang pinto.
"Seven years nga kinaya ko."
Natigilan ako nang may mapansin. Nanlaki ang mata ko nang bumungad ang anim na tao sa hallway ng condo. Lahat ay pinanliliitan ako ng mata, na parang may ginawa akong masama.
"Kaya sabi ko paka—" Narinig ko ang pagtigil ni Damon sa pagsasalita, mukhang nakita na rin ang nakikita ko.
Isa-isa ko silang pinasadahan nang tingin, mula kina Janine at Harold na ngingisi ngisi hanggang kay Aye at Dwayne na hawak na ang kanilang dalawang anak.
"Anong ginagawa niyo rito?" kunot noong tanong ko. Madramang sinapo ni Aye ang dibdib niya, dinuro pa ako.
"Porket nandiyan na si Damon, 'di na kami welcome?!"
Inirapan ko siya at niluwagan na ang bukas ng pinto. "Wala akong sinabi, ang drama mo."
Akmang papasok na sila nang humarang na naman si Damon.
"Doon kayo sa condo ko." Parang batang taboy ni Damon. Hinawi siya ni Aye na nagpatawa sa akin.
Para namang may tatalo kay Aye.
"Ano ka? 'Di pa kayo kasal." Ibinaba niya si Faye bago hinawi pabalik si Damon para makapasok siya. "Tabi-tabi!"
Sumunod na rin sina Janine na lalong nagpatawa sakin. Nang maisara ang pinto ay hindi na maipinta ang mukha ni Damon.
"Ano?" Tawag ko sa atensyon niya. Nakapasok na ang lahat at kami na lang ang naiwan sa pinto.
Bumaba ang tingin niya sa akin na salubong na ang kilay.
"Luging lug—" Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang pagdampi ng labi ni Damon sa labi ko. Ilang segundo pa ako napakurap sa nangyari.
Kusang nagkarera sa pagkabog ang puso ko, sumabay pa ang matinding pag-init ng tenga ko at pagtamihik ng paligid ko.