Nang makita si Fauza suot ang simpleng puting gown. My thoughts are all over the place. I burst into tears in a matter of seconds when I heard her heartfelt vow.
"I never knew na 'yung crush ko, kachat ko." While I was crying, Fauza laughed at herself.. Narinig namin ang tawanan ng madla habang ako ay nagulat na. Sinusubukang iproseso ang mga sinasabi niya.
Natawa pa si Fauza bago pasimpleng pinunasan ang mga luha niya. I badly want to wipe it pero nabingi ata ako sa huli niyang sinabi.
Inayos niya ang hawak na papel at tiningala na ako. "Ikaw, alam ko kung paano mo ako nakilala." It's funny kung paano siya suminghot muna bago magpatuloy. "Ikaw ba? Alam mo kung paano kita nakilala?"
Hindi ko alam ang gagawin. Sobrang bilis nang kabog ng puso ko habang pinagmamasdan ang babaeng matagal ko nang hinihintay. Bukod do'n. Inaabangan ko rin ang tinutukoy niya. Kung paano niya ako nakilala.
Mula sa veil na nakaharang sa mukha niya, ngumiti siya sa akin at nagsalita.
"Makinig ka, ayokong ulitin." Tumawa siya saglit. "Minsan lang 'to lubus-lubosin mo na."
Hindi ko napigilang matawa. Kahit na nanunubig na naman ang kapwa mata namin ay nagawa pang magganito ni Fauza.
Nang nagtama ang mga mata namin, wala akong ibang mabasa kundi ang saya. Nawala ang pagod ko mula sa byahe, sa mga bagay, at magulong pangyayari.
Parang tumahimik ang paligid. Lahat nag-aabang sa susunod niyang sasabihin. Muli niyang itinapat ang mic sa labi niya na lalong nagpatahimik sa lahat.
"I was grade nine at that time. Excited maggrade ten kasi gusto ko nang maranasan ang CAT," natatawang panimula niya. Habang pinapakinggan ang boses niya, muli akong dinala ng ala-ala no'ng una ko siyang nakita.
"Bukod doon, gusto ko rin maging kagaya no'ng crush kong CAT commander." Iniangat niya ang tingin niya sa akin. Habang ako'y nanigas na ata sa kinatatayuan nang marinig 'yon. Fauza's laughter filled my ears, but I was too taken aback by what she had just told me. Who was that commander? Parang gusto kong sapakin ang commander na 'yon.
"Siya kase 'yong crush kong laging nag-b-basketball sa tapat ng bahay namin. Siya rin 'yong lagi kong ninanakawan ng tingin tuwing mag-c-command sa mga officers."
Para akong nabobo. Masyadong puno ang isip ko kung paano bubugbugin 'yong commander na 'yon— este pa'no siya hahanapin. Hindi ko maalala kung sino siya! Unti-unti ay parang gusto ko ring sapakin ang sarili sa katangahan.
Ako 'yon! Ako ang tinutukoy niya! Ako 'yong commander!
"Hanggang sa isang araw, during my grade 10 days." Tumawa siya at tumingin sa madla. "Spoiler! hindi ako naging commander, kagaya no'ng crush ko."
Kanya kanyang tawanan ang lahat. Mangha na sa panibagong Fauza na nakikita nila. Umayos ulit siya ng tayo at pinagpatuloy ang pagsasalita.
"Sa kalagitnaan nang tahimik kong buhay, may abnong nagchat sa akin ng kung ano." Muling napuno ang simbahan nang tawanan. Mula sa nakakakilala sa amin hanggang sa Pari na natatawa na rin.
"Sobrang kulit niya. Lahat ata ng banat nasabi niya na, makuha lang ang atensyon ko."
Nakayuko si Fau, binabasa ang sulat niya. Habang ako? Titig na titig na sa kanya, sinisilip siya kasi ayaw niyang tumingin.
Nang umangat ang tingin niya sa akin ay napansin ko ang pagkislap ng mga mata niya. "Lahat ginawa ko para tabuyin siya, pero ni isa walang gumana." Suddenly, her voice cracked dahil naka-mic siya. Rinig na namin ang sunod-sunod na pagsinghot niya.