Daunted 08

634 23 8
                                    

Ilang beses kong nahampas ang manibela nang tumirik na naman ang kotse ko sa pangatlong pagkakataon.  I badly want to cry. Nakaka-stress ang aga-aga.

"May meeting ako! Makioperate ka naman!" sermon ko rito na parang sasagot 'yon. Muling umandar ang kotse at pagkatapos ng ilang segundo ay tumigil na naman. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa.

Padabog na akong bumaba bago malakas na sinara ang pinto. Pabalik balik pa ang lakad ko bago tuluyang umalis. 

Bahala na!

Ilang hakbang ang ginawa ko nang marealize na nakalimutan ko pala ang aking bag at wallet. Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ko at pikong ginulo ang buhok.

Kaunti na lang, kaunti na lang talaga iiyak na ako. Kung may nakakakita man sa 'kin ngayon. Malamang ay tuwang tuwa na.

Binuksan ko ang backseat at inabot ang mga gamit na kailanga ko. Mag-ji-jeep na lang ako. Malapit lang naman ang sakayan dito. 

Nilakad ko ang papuntang highway nang nakatingin sa pitaka, naghahanap ng barya. Oh kung may barya ba ako pangbayad. Normal na naman sa'kin ang jeep, hindi naman kami mayaman dati kaya basic na lang 'to.

Nang makahanap ng barya ay napatingin bigla ako sa suot ko. I am wearing a gray blazer na may white na sando na panloob, katerno iyon ng gray pants at puting heels.

Hindi naman ako mukhang naliligaw...

Nang tingalain ko ang lugar ay bahagya akong nasilo sa sinag ng araw. Hindi pa naman masakit sa balat ang init. Kabi kabila na rin ang mga nag-aantay ng masasakyan. Punuuan din dahil rush hour pa.

Para akong naliligaw na bata. I don't know kung saan ba pupwesto. It's not that I'm entirely unfamiliar with it. I am not just used to it.

Tinabihan ko ang kumpol ng mga tao. Lahat ay abang na abang sa bakanteng jeep na dadaan. Ilang  minuto pa lang ay agad akong nainitan. Hindi ko naman mahuhad ang blazer kasi sando ang loob no'n, hindi ako sanay.

Pinaypayan ko ang sarili gamit ang kamay. Nakitingin na rin sa nagdadaanang mga jeep.

May isang jeep ang tumigil sa harap namin. Nakalagay sa gilid no'n ang lugar na pupuntahan ko. Akmang hahakbang pa lang ako ay parang mga zombie na ang lahat. Nakanya-kanyang takbo, walang pakialam kung may mababangga basta makasakay lang.

Ilang beses pa akong napakurap sa gulat. Ganito nga pala ang labanan. Kung hindi pa ako napaubo sa usok ng buga ng jeep, kanina pa ako matutulala.

Hindi man lang ako nakahakbang. Bumaba tuloy ang tingin ko sa heels na suot. 

Mapapanindigan kaya kita?

Muling dumami ang kaninang kaunti na lang. Disappointment dawns on me. May makakaagaw na naman ako sa panibagong jeep na dadating. 

Paano na ako makakarating nito?

Muli na naman akong napaubo nang isang jeep na naman ang napuno. Unti unti na akong nawalan ng pag-asa. Hindi ko na mabilang ang jeep na nilagpasan ako. Parang gusto ko na lang manapatos nang babangga sa akin.

Inabot ko ang phone ko. Handang handa na akong magbook ng masasakyan, taxi man o kahit ano. Kung kailan buo na ang loob kong gumastos nang malaki ay may jeep na tumigil sa harap ko.  This time, maluwag na.

Napatingin pa ako sa mga kasama ko. Nabuhayan nang mapansing kaunti na lang kami! Hindi na kailangang makipagtulakan. 

Kahit kaunti na lang kami ay binilisan ko pa rin ang paglalakad. Ayoko nang maghintay ulit ng bago.

Natigilan lang ako ng mapansing may bata ang kasunod ko. Pinauna ko muna siya bago sumakay. Nang bumwelo ako para sumakay ay naiwan naman ang heels ko. Inside my head, ilang mura na ang napakawalan ko. I even closed my eyes to calm my nerves.

Daunted | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon