Tanging ugong lang ng aircon ang maririnig sa opisina. Nakababa na rin ang mga blinders sa kadahilanang ayaw kong magpaabala.
Sa dami kong dapat tapusin, hindi ko na alam kung anong uunahin. Nang bumukas ang pinto ay hindi na ako nag-abalang tumingin.
"Sabi ko walang papasukin." Sermon ko nang nasa mga papeles pa rin ang mga mata. Muling sumara ang pinto kaya napatunghay ako.
"Hindi ba—"
Laking gulat ko nang makita si Damon. Napakurap pa ako nang marealize na matapos ang ilang araw ay ngayon ko lang siya ulit nakita. Naging busy siya sa ibang bagay na hinayaan ko lang.
I don't question his actions because I have faith in him. I miss him even more now that I see him. Nabitawan ko tuloy ang mga papel at tarantang napa-ayos ng upo.
"What are you doing here?" kunot noong tanong ko. Hindi naman sa ayokong nandito siya, nagulat lang. Imbis na sumagot ay napansin ko ang paglambot ng tingin niya. Para siyang nasaktan sa sinabi ko gayong wala naman akong maisip na nakakasakit do'n. Did I make another mistake? Was I too rude?
Anong mayroon? May nangyari ba?
"You need something?" naguguluhang bulong ko. Mas hininaan ko ang boses ko dahil hindi ko talaga alam kung anong nangyayari. Lalo pa iyong lumala nang walang imik siyang lumapit sa pwesto ko.
Pasimple ko siyang sinundan nang tingin hanggang sa tumayo siya sa harap ko. Nakaupo pa rin ako sa swivel chair kaya hindi ko napigilang tumingala.
"Anong nangyayari sa 'yo?"
Nang mapagmasdan ay doon ko napansin ang bahagyang pagiging stress nang ayos niya. From the dark circle around his eyes to his disheveled hair. My heart automatically beats so fast. Did something happen?
Napatayo ako at napahawak na sa mukha niya. "May nangyari ba? Bakit parang hindi ka natulog?!" tanong ko ulit.
Bakit ba ang ayaw niyang magsalita?!
Hindi pa rin siya umiimik. Mariin ding nakatikom ang labi niya habang nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan. Parang isang pitik na lang sa kanya ay biglang may mangyayari.
Kinulbit ko siya at sinamaan na ng tingin. "Ano bang nangyayari sa 'yo?" ulit ko. Akmang kukulbitin ulit siya nang bigla niya akong yakapin.
Nanigas ako at nanlalaking mata habang dinadama ang yakap niya.
Parang tumigil ang mundo ko nang magsimulang manginig ang balikat niya. Naramdaman ko rin ang pamamasa ng balikat ko na lalong nagpadagdag ng takot ko.
Ano ba? May nangyari ba? Aatakihin ako sa puso pagganito siya!
"Anong nangyari?" Marahan kong hinaplos ang likod niya na parang pinapatahan. Nilayo ko rin siya sa akin para sana makita ko ang mukha niya. Mas malakas siya kaya nanatili ang mukha niya sa leeg ko, ayaw magpakita.
Lalo akong nilalamon nang kaba nito. Bakit ba?!
"Sabihin mo naman oh." Paulit-ulit kong tinapik ang balikat niya. "Kinakabahan ako sa 'yo." Lalo siyang nanginig kaya nanlaki ang mata ko. Seryoso ba ito?!
"I'm sorry," basag na boses sabi niya. Parang may bumagsak sa dibdib ko nang marinig 'yon. Puno kasi nang sakit ang boses niya.
Parang may masamang nangyari. Bakit pati ako kinabahan na?
"I'm sorry for everything, Fauza..." dagdag niya. Naramdaman ko ang paghigpit nang yakap niya sa akin kaya biglang nanubig ang mata ko.
Wala akong maintindihan pero parang bumalik lahat ng sakit na matagal ko nang tinatago- na akala ko ay wala na.