Daunted 11

580 17 12
                                    

Nagising ako sa nakakasilaw na init ng araw. Tumatagos 'yon sa salaming bintana ng kwarto kaya mariin kong naipikit ang aking mga mata. Inabot ko ang phone at tamad na bumangon.

Aye:

Nasa Resort na ako, ganda ng napili mo ha? See ya!

Bigla akong napangiwi nang mapansin ang mesage niya. Kusang umangat ang tingin ko sa notification bar kung nasaan ang oras at lalong napasimangot.

Mabilis akong napabangon sa hinihigaan. Nagkalabugan ang mga gamit sa kong taranta. Almost 1 hour lang naman akong late!

Sa pagmamadali nahulog pa ako sa kama. I don't have time to be in pain. Nangingilo pa ang buong braso ko dahil tumama 'yon sa sahig ay tumakbo na ako pabanyo. Muling tumunog ang phone ko at bumungad na naman ang pangalan ni Aye.

Aye:

Alam kong tulog ka pa. Mauna na ako ha? Bayad mo na naman yung resort diba? Di talaga ako nagsisi na ninang ka ng mga anak ko. Salamat sa lahat.

Napairap na lang ako at binitawan na ang phone ko. Bumalik ako sa pagmadali Halos 30 minutes ang layo ng Cista Resort na nirentahan ko o mas malayo pa.Kailangan ko na talaga magmadali!

Ngayon nga pala 'yon. Masyado ata akong lutang nitong mga nakaaraang araw. Pati ang get together na 'to ay nakalimutan ko.

Habang nagpapatuyo ng buhok ay muling tumunog ang phone ko. Mula sa vanity table, mabilis kong nilakad ang papuntang kama. Kung nasaan ang phone na chinarge ko muna dahil miski 'yon ay nakalimutan kong icharge bago matulog.

Aye:

Nu na? Andami mo nang tauhan here. May-ari na lang kulang.

Inihagis ko ulit ang phone ko at mas dinoble ang bilis sa pag-aayos. Buti pala naayos ko na 'yong gamit ko 3 days ago. Kahit papaano may maganda namang nangyari. Maganda rin palang advance mag-isip 'no?

Kasasakay ko lang ng kotse at hindi pa 'yon nag-iinit ay muli na namang tumunog ang phone ko.

Aye is calling...

"Ano?" tamad kong tanong habang sinesettle ang mga gamit ko sa likod.

"Grabeng pagka-late na iyan, ne?"

Pinatunog ko ang kotse. "Share?"

"Faye! Come here! Tell ninang something!" dinig kong sabi sa kabilang linya. Natawa pa ako nang marinig ang pagbulong ni Aye, mukhang nanay na nanay na nangdedemonyo sa anak.

I'm sure she's telling Faye to say absurd things to me.

"Ninang!" As a little voice welcomed my ears, I grinned.

"Yes, baby?" Minaneobra ko ang kotse at tumingin sa rear mirror bago muling tumingin sa harap. Salamat at hindi naman traffic.

"Ingat po kayo." Kahit alam kong utos 'yon ni Aye, hindi ko mapigilang mapangiti lalo. Ang galing talaga mandemonyo. Ano na naman kayang kailangan nito?

"Thank you, baby..." malambing na sagot ko. Tinigil ko ang kotse at nginitian ang lumiliban na matanda. Bahagya siyang yumuko, gano'n din ako bago muling nagmaneho.

"Magkakaroon pa po kayo ng boyfriend.. Tumigil ang bata, mukhang nakikinig sa nanay niyang abno.

"Ingat po kayo sa pagdadrive. Inaantay ko pa po yung ninong kong mayaman." Hingal pang tapos ng bata. Napairap na lang ako.

"Sabihin mo sa nanay mo, ulol." I laughed.

"Mommy ulol daw. What's that?"

"Ulang love ong lola. Kulang sa boyfriend ang ninang kaya ganyan. Amin na nga!"

Daunted | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon