Daunted 06

699 19 9
                                    

"Good Day Miss Fauza. I just wanted to let you know that the products are on their way. 'Yong mga liptint bottle po. " 'Yon ang bumungad kay Fauza kinabukasan. Habang naghahanda para sa nalalapit na get together, ay sumabay ang pagdating ng bottles para sa mga products ng cosmetics.

Mas maaga sa nakasanayan kaya naging busy ang lahat. Maganda naman iyon, pero nabigla sila. Si Fau ang hands on sa production. Habang sina Janine at Harold sa distribution. Promotion naman ang kay Aye kaya si Fau ang busy ngayon.

Kasalukuyang nag-aayos si Fau nang sunod sunod na tawag ang natanggap niya. Mula 'yon sa team leader ng production kaya natigilan siya. Iniisip kung ano ang rason ng tawag.

"Si Ma'am Aye na raw po ang magbabantay ng production ngayon." Bungad ng Production leader. Bahagya pa siyang natigilan nung una, kalaunan ay napatango na lang si Fauza.

Ano na naman kayang kailangan ng babaeng 'yon?

Kakaisip ay tinawagan na niya si Aye. Matapos ang dalawang ring ay narinig din niya ang maingay na kaibigan.

"Anong meron? May kailangan ka na naman?" simpleng sabi ni Fauza. Mula sa kabilang linya, rinig na rinig ang hagalpak ng tawa ni Aye.

"Malapit na kasi ang pasukan, ninang." Nasapo agad ni Fau ang noo niya nang marinig ang tono ng kaibigan. Parang gusto niya tuloy magbihis para sugurin ang kaibigan. Knowing Aye, madalas may kapalit ang ginagawa nito, pero madalas ring hindi.

Umubo ubo pa si Aye na lalong nagpasakit sa ulo ni Fau, "School bag, ehem, school supplies, ehem, ninang, ehem."

"May ikakapal ka pa ba?" Hindi na napigilang tanong ni Fauza. Muling dumagundong ang tawa ni Aye sa kabilang linya, aliw na aliw na sa inaakto ng kaibigan.

"Biro lang, duh! may gamit na sila. Enrolled na rin sila." Tumigil iyon saglit at may sinaway sa kabilang linya.

"Oh eh, bakit nga?" Unti-unti nang nauubusan ng pasensya si Fau. Pero ang kaibigan niya? Tuwang tuwa pa sa inaakto niya.

"'Di pwedeng nagkukusang loob?"

Napairap si Fau. "Asa. Ikaw pa ba?"

"Totoo, dami mo nang naitulong sa pamilya ko 'no! Tama na ang pagiging stress. 'Yong outing na lang ang problemahin mo." Umiling pa si Fauza, hindi makapaniwala sa pinaggagawa ng kaibigan. Pabagsak siyang naupo sa sofa at napatulala.

"Sige, kunwari naniniwala ako."

"Bahala ka diyan, tsaka wala si Rene at Faye,"

"Nasaan?" tanong ni Fau. Unti unti ay natatanggap na kahit papaano ay bumait na si Aye sa kanya. 

"Kasama si Ninong Damon," natatawang sagot ni Aye. Biglang namula si Fau. Nakagat niya ang pang-ibabang labi habang nilalabanan ang hindi maipaliwanag na pagkabog ng didbib. Narinig niya lang naman ang pangalan ng lalaki pero parang hindi na siya makahinga.

Napaayos ng upo si Fauza. "Ang kapal m-mo, hindi n-naman nila n-ninong 'yon!" Kapansin pansin ang kaba sa boses ng dalaga kaya natawa na si Aye at ginaya siya.

"Ni-Ninang k-ka nila, s-so automatically, n-ninong ni-nila si Damon," putol putol na sabi ni Aye. Sa irita ni Fau ay pinatayan na lang niya ang kaibigan.

Mabilis ang paghinga niya. Naiinitan din siya kahit nakaaircon naman ang condo niya.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?! Paano na lang kung nakita ko siya?

Napahawak siya sa dibdib at dimana ang mabilis na kabog nito. Nakakapanibago, dati niya lang kasi nararamdaman iyon. Ngayon lang naulit.

Halos mapatalon siya ng marinig ang tunog ng phone niya. Napatingin siya roon at natigilan nang makitang unregistered number 'yon.

Daunted | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon