Daunted 44

632 18 14
                                    

"Sorry talaga," malungkot na sabi ni Fau sa kabilang linya. My shoulder fell as I sighed. I tried to smile as if Fauza could see me. I want to tell her everything is fine, but I can't.

I'm desperate to get a glimpse of her.

"Are you mad?" Ibinaba ko ang mga bagahe pagkatapos marinig ang boses ni Fau. I felt guilty because she sounded stressed and tired at the same time. I make a small movement, as if brushing away the negativity within me; I need to sound more cheerful.

"It's alright, baby." Ngumiti pa ako kahit hindi niya ako kita. "Surprise nga e. May surprise bang alam? Hindi mo naman alam," pag-aalo ko na sa kanya. Nakarinig ko ang mahina niyang pagtawa pero kasunod no'n ang malalim niyang pagbuntong hininga kaya agad kong pinagsisihan ang inakto kanina.

"I'm really sorry, Damon."

"I told you it's alright. Just take a rest. See you soon," sabi ko. Pinatay ko na rin ang tawag pagkatapos ng ilang minuto at tinaas na ang kamay nang matanaw sina Harold at Dwayne.

"Parang hindi ka masaya na kami ang nakita mo a?" Natatawang bungad ni Dwayne nang makalapit ako. Binati pa ako ni Harold at tanging pagtango lang ang ginawa ko.

"Busy lang si Miss CEO. Magkikita rin naman kayo bukas o sa isang araw," alo ni Dwayne.

Kahit na napakahyper ng dalawa. Hindi ko magawang makipagsabayan. Hindi naman nakakapagod ang byahe, may maalog pa nga sa barko pero hindi ko kasi nakita si Fauza!

Nauunang maglakad sina Dwayne at Harold habang nag-iisip ako sa likod. Hindi ko naman masisi si Fau kase hindi niya rin naman alam. I really should have double-checked her schedule. Edi sana, kasama niya ako ngayon kung nasaan man siya.

Natigilan ako sa pag-iisip nang mapansin ang magarang sasakyan. Doon pa tumigil sina Dwayne na lalong nagpamangha sa akin.

"Umaasenso na kami 'no?" Pagmamayabang pa ni Harold. Umikot si Dwayne papuntang driver's seat habang kami ay sa likod.

"Ganito pag-under ni Fau, kaya ikaw." Binalingan ako ni Dwayne. "Huwag mo nang papakawalan pa ang isang Fauza Lesmar."

"You don't need to remind me that," I said before I shut my eyes.

Suddenly, my body wants to sleep.

Naramdaman ko ang pag-andar ng kotse. Laking pasalamat ko pa nang hindi nagpatugtog o mag-ingay man lang sina Dwayne.

Tanging katahimikan lang, 'yon talaga ang kailangan ko ngayon.

Sinubukan kong matulog, ang kaso lang, lagi akong napapatingin sa phone. Umaasa na baka may chat o text si Fauza.

"Hindi 'yon makakachat," si Harold.

Napatingin ako sa labas, pinagmasdan na ang mabilis na pag-andar ng mga kotse.

"Malay mo naman," mabagal kong sagot. Napailing na lang si Harold at sumandal na rin. "Busy iyon."

"Nasaan ang mga asawa niyo?" tanong ko sa kalagitnaan ng katahimikan. Napatingin si Dwayne rear mirror habang si Harold ay umayos na ng upo.

"Ang mag-ina ko nasa bahay."

"Si Janine, kasama ng fiancée mo."

"Ang gabi naman kasi ng flight mo," puna na rin ni Dwayne. Naipilig ko na lang ang ulo at lalo na namang nadismaya.

Oo na, mali na nga ng tyempo.

"Ang gabi rin ng meeting ni Fau," sapaw ko. Natawa silang dalawa kaya napagdesisyonan kong matulog na lang.

Hating gabi na nang makarating kami. Nagtakha pa ako na sa bahay nina Aye sa Laguna ang pinuntahan namin.

'Yon daw kasi ang mas malapit. Malaki naman ang bahay pero hindi ako sanay na sa ibang bahay ako natutulog.

Daunted | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon