Hymn 01

32 1 0
                                    

Lizzae's P.O.V

I'm not like others.

Hindi ako kagaya ng iba kong kalahi.

Gusto ko na lang maging normal.

Pero paano ako magiging normal kung mismong katauhan ko kakaiba.

Vampire blood runs in my bloodstream.

Pero bakit ganto? 

May iba talaga, sobrang bilis ko sa lahat.

Parehas kami ni lolo pero mas makapangyarihan siya sa akin dahil hasang hasa siya.

Siguro dahil ganto ako, halos ng kapamilya ko, ayaw sa akin.

Ayaw nila sa akin na kahit may pagpupulong na nagaganap sa mansyon, iniiwasan nila ako.

Pero sabi ni Mama, mahal daw nila ako.

Hindi ko naman maramdaman.

Gusto ko na lang maging normal.

Normal para mahalin na nila ako.

"Lady Lizzae, tawag po kayo ni Madame Trista" habang nakayuko yung butler namin

"Okay, I will be right there" nakangiti kong sabi

Umalis na siya sabay ng pag-alis ng ngiti sa mukha ko. Kilala nila ako na masayahin at matalinong bata. They will never notice that there's something wrong with me.

Bumaba na ako. 

"Lizzae, nandito ka na pala" sa paglingon ni mama ay nakita niya ako

"Ma" yumuko ako bilang paggalang sa kanya.

"Lizzae, doon tayo sa kwarto namin ng papa mo mag-usap. Nandun din ang papa mo" sabi niya sa akin at tumungo na kami sa silid nila.

Nakarating na kami sa loob ng silid at agad nilang sinarado ang pinto. May kakaiba sa aura nila mama. May iba akong nararamdaman. Bakit ganto?

"Lizzae, anak, mapapahiwalay ka muna sa amin" sabi ni papa

"Lizzae, kailangan mong mapalayo dito. Delikado na dito" sabi ni mama

Parang naguguluhan ako. Delikado?

"Bakit po delikado?" takang tanong ko.

"Basta pero susunod kami kapag natapos na lahat. We will fix everything. May hindi lang pagkakaintindihan" paliwanag nila

"Ano po ba nangyari sa huling pagpupulong po ninyo?" tanong ko. 

Nararamdaman ko na nandun ang rason bakit nangyayari ito.

"Basta anak, may kasama ka naman sa titirhan mo at madami kang bantay doon" sabi ni mama

"Ma, bakit ba nangyayari ito?" tanong ko. 

Hindi ako titigil ng hindi ako nasasagot.

"Basta anak. Malalaman mo din, nasa sala na ang mga gamit mo. Pinaayos ko na sa mga bantay natin"sabi ni mama

"Bukas ka na aalis, para mas mabilis na namin maayos ito. Anak, we need to do this for you" sabi ni papa

"Nakasalalay din dito ang kaligtasan ng mga kalahi natin" dagdag ni mama

"Ma, bakit ba nangyayari ito?! Pa?"saby tingin ko sa kanilang dalawa

"Anak, hindi pa namin masabi sa iyo dahil baka hindi mo maintindihan" paliwanag ni mama

Assassin's Hymn: Extinction by DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon