Hymn 10

4 0 0
                                    

Lizzae's P.O.V

Humiwalay na sila sa amin ni Arkin. Kakaiba ang mga aura nila ngayon kaysa sa kanina.

Mas seryoso sila ngayon na parang may gusto silang patunayan sa mga taong pumunta dito. Dito kami sa garden, sa may likod ng bahay. Nakita ko may mga mannequins na nakaset up. 

Habang hindi pa kami nagsisimula at may inaayos pa ang mga gagamitin namin ay binalak ko siyang kausapin.

"Arkin?" bulong ko sa kanya

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Bakit?" tanong niya pabalik

"Ano unang gagawin natin ngayon?" tanong ko

"Tuturuan ka namin kung paano gamitin yung katawan mo panglaban" paliwanag niya sa akin

Tumango at naramdaman ko ang sakit ng ulo ko kaya agad akong napahawak at napaupo.

"Anong nangyari sayo? Masakit ulo mo?" pag-aalala ni Arkin

Napapikit ako sa sakit na dulot nito at narinig ko ang boses ng pulang mata ko.

"Huwag mong sabihin na hindi mo ako gagamitin?" tanong niya sa akin

"Gagamitin lang kita kapag may kalaban, ensayo lang ito" tugon ko sa kanya

"Mapapahiya ka lang sa kanila. Eto lang ang unang beses mong gagamitin ang normal mong katauhan" pang-aasar niya sa akin.

"Papatunayan ko sayong kaya ko din" at agad akong dumilat at tumayo.

"Okay ka na?" tanong ni Arkin

Tumango ako sa kanya.

"Ako nga pala ang master ni Arkin, Rainer" pagpapakilala niya sa akin

"Nice to meet you po" pagbibigay galang ko sa kanya

"Arkin, just continue kung anong natapos mo last time. Hasain mo ang paggamit ng armas. At ikaw naman" turo niya sa akin

"Let's break your bones" sabi niya sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman mababali buto ko dito. Tumango na lang ako sa kanya at lumapit ako sa kanya.

"Ang goal mo ngayon ay matalo ako" sabi niya

"Tuturuan kita paano ang mga basic na ginagamit at mamaya gagamitin mo sa akin ang matututunan mo" dagdag niya

Tumango ako dito nagsimula ang ensayo namin.

 Ilang beses ako sumipa sa hangin at hindi ako tumitigil hangga't hindi mapagod ang aking binti. Sumunod naman ang aking pagsuntok, ginamit ko ang mannequin para maging target ko.

Sinuntok ko ito ng sinuntok, ginabayan ako ni Rainer para mas epektibo daw ang suntok ko sa kalaban.

Kasunod nito ang pagsama ng aking natutunan para hindi ako maatake ng kalaban. Sa una, mahirap pero kalaunan ay nakayanan ko naman. Ininda ko ang uhaw ko, hindi dapat magpakita ng kahinaan sa kanila. 

"Magpahinga ka muna Lizzae, magtatatlong oras na diretso ka na nag eensayo" sabi sa akin ni Rainer

Tumigil ako at lumapit sa isang butler na nagbabantay sa akin at inabot ang isang baso na puno ng dugo. Agad kong nilagok iyon at umupo. Manunumbalik din ang lakas ko dahil nakainom na ako.

Pinagmasdan ko si Arkin, napakagaling niya gumamit ng espada. Hindi mo aakalain na sa edad niya ay ganyan na siya kagaling.

Tumigil siya sa pag pipiraso ng mannequin at tumingin sa akin at ngumiti. Ngumiti ako pabalik. 

Assassin's Hymn: Extinction by DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon