Aloycius' P.O.V
Nakatingin ako sa kawalan dahil nag-aalala ako kay Lizzae, pinipilit ko na kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya.
"Yann, stop na. Wala ka ng pag-asa" sabi ko sa sarili ko at agad napabuntong hininga.
Tinignan ko ang orasan at mag aalas singko na pala at papikit na sana ako ng may narinig akong sigaw sa may kabilang dulo ng pasilyo. Lahat kaming tatlo dito kami sa pangalawang palapag pinatulog dahil andito ang mga guest rooms nila. Naalala ko sila Lizzae pala ang nasa kabila kaya dali-dali akong tumayo at binuksan ang pintuan. Nanlaki ang mata ko ng makita ko silang dalawa at nagkatinginan pa kami.
"Hey, Aloy" bati sa akin ni Arkin
"Narinig mo rin ba?" tanong ni Kieran
"Malamang kaya nga lumabas ako" walang gana kong sagot
"Baka kasi pumunta ka sa kung saan" paliwanag ni Kieran
"Ahh, okay. Halika na, puntahan na natin" sabi ko sa kanila.
Tumungo kami at ginamit ang kapangyarihan ko, may pumalibot na tubig sa buong pintuan at parang naging invisible ito para makita ang nangyayari sa kabilang bahagi ng pinto.
"Wag muna tayo pumasok" sabi ko sa kanila
"Anong nakita mo?" tanong ni Kieran
"Nag-uusap pa silang dalawa" sagot ko sa kanila
Tumango na lang sila sa sinabi ko at umupo muna kami sa sahig at nanahimik ng biglang nagtanong sa akin si Kieran.
"Aloy, sigurado ka bang gusto mo si Lizzae?" tanong niya sa akin
Napatango ako dito, binalik pa ng gagong ito yung usapan, sinisimulan ko na ngang kalimutan.
"Okay lang sayo na si Christen ang kasama ni Lizzae at hindi ikaw?" tanong niya muli
"Masaya naman siya, nararamdaman ko din na mas sasaya siya kay Christen" sabi ko sa kanya
"Okay lang yan, Aloy. Makakahanap din tayo ng para sa atin" sabi ni Arkin sa akin sabay akbay.
"Huh? Bakit tayo lang? Eh, tong si Kieran na ito akala mo nahanap niya na yung babaeng nakita niya" sabay turo ko kay Kieran
"Nahanap na siya ni Lim, ibibigay niya sa akin sa lalong madaling panahon yung mga tungkol sa kanya" sabi sa akin ni Kieran
"Nawa'y lahat" tipid kong sabi
Nanahimik na lang kami dahil baka naririnig nila kami ng biglang bumukas ang pintuan at nakita namin si Christen na parang lalabas. Nagulat siya na nandito kami at ipinaliwanag namin kung bakit. Inutusan pa kami kaya ngayon patungo kami sa baba, gusto ko sana siya makita pero tulog pa daw kaya magluluto na lang kami.
Sa pagbaba namin, pinauna ko na sila sa kusina dahil hinabol ko yung nasalubong naming maid kaya pinasabi ko ang pinapasabi ni Christen at agad itong tumango at nagbigay galang sa akin kaya ako'y ngumiti na lang sa kanya. Pumunta na ako sa kusina at sa pagpunta ko sa kanina, nakadaan ako sa sala nila at nakita ko ang family picture nila, ang saya nila tignan pero ngayon, anak na lang nila ang natitira. Pagkatapos ko pagmasdan ang family picture nila ay pinuntahan ko sila Kieran at halatang ang sipag nila magluto kaya tumulong na ako sa kanila.
Christen's P.O.V
Habang pinagmamasdan ko ang kalangitan ay may narinig akong boses.
"Rahl, nasisilaw ako" sabi niya sa akin
BINABASA MO ANG
Assassin's Hymn: Extinction by Desire
FantasyAll of us have a desire, but what if your desire leads to a war that will cause merely extinction of your clan. The first book of the Assassin Hymn Series. Start: May 30,2020