Christen's P.O.V
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Napadilat ako dahil dito, naalala ko na sinarado ko ang kurtina ko kagabi.
Napabangon ako at tinignan kung anong oras na. Mag aalas onse na, ang sakit ng ulo ko dahil sa puyat pero atleast may kasama ako kanina magpuyat.
Pumunta na ako sa banyo para maligo at mag-ayos. Pagkatapos ko maligo, nagsuot na lang ako ng isang swaet pants at isang tshirt. Hinayaan ko na magulo ang buhok ko dahil wala akong pake sa itsura ko.
Lumabas ako at nakita ko siya kakalabas niya lang sa kwarto niya pero hindi siya mag-isa. Parang nakita ko na siya dito pero hindi ko maalala ang pangalan niya.
Nagsimula na lang ako maglakad at nagkasalubong kaming tatlo sa may hagdanan.
"Gising ka na pala" bungad niya sa akin.
Tumango ako sa kanya at naunang bumaba sa kanila. Nakita ko ang tatlo sa may sala, nakaupo at nanonood ng tv.
Tinignan nila ako at binati ako.
"Good Morning sleepyhead" bungad ni Aloycius
"Good Morning Chris" sabi ni Arkin
"Good Morning" sabi ni Kieran
Tumango na lang ako sa kanila at tumungo sa kusina para uminom ng tubig ng may nararamdaman akong nasa likod ko kay lumingon ako.
Silang dalawa pa din, pati pa naman dito?
Kumuha na ako agad ng tubig at agad nilagok. Binaba ko ang aking baso sa may lababo at agad umalis.
"Hindi ka pa ba kakain?" tanong niya sa akin
Tumingin ako sa kanya at umiling. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng mapadpad ako sa tatlo.
"Tumawag pala sila Master, hindi ka kasi nila macontact dahil nakasilent ata phone mo" sabi sa akin ni Kieran
Tumango ako dito, silent ang phone ko kapag natutulog ako.
"Mamayang 3pm daw sila pupunta dito" dagdag niya
Tumango ako sa kanya ulit.
"Nga pala may sinabi si Lizzae sa amin" sabi ni Arkin
Tinignan ko siya na parang naghihintay ako ng sagot
"Gusto niya daw turuan tayo magviolin kapag hindi daw tayo nageensayo" pagpapatuloy niya
"Kayo na lang, alam niyo naman na kapag walang ensayo ay natutulog lang ako" sabi ko
"Chris naman, ayaw mo ba matuto ng bago?" tanong sa akin ni Kieran
Umiling ako.
"I'm fine, kayo na lang" tugon ko sa kanya
Babalik na lang ako sa kwarto at mamaya ako kakain dahil wala akong gana.
"Chris, di ka ba kakain?" tanong sa akin ni Arkin
Tinignan ko siya at umiling. Nagpatuloy ako maglakad papuntang kwarto ko. Sinarado ko agad ang pintuan at tumayo sa may bintana.
Hindi agad maaraw ngayon, baka umulan mamaya. Napangiti ako sa naisip ko.
Gusto ko palaging umuulan. Mas nakakaisip ako ng maayos kapag umuulan dahil hindi mainit.
Pinagmasdan ko lang ang buong paligid, kamusta na kaya ang lugar namin?
Pumunta ako sa may salamin at pinalitan ang piercing ko.
Pagkatapos ay humiga muli ako at tumingin sa kisame.
BINABASA MO ANG
Assassin's Hymn: Extinction by Desire
FantasyAll of us have a desire, but what if your desire leads to a war that will cause merely extinction of your clan. The first book of the Assassin Hymn Series. Start: May 30,2020