Hymn 13

3 0 0
                                    

Christen's P.O.V

Napamulat ako, medyo maliwanag na at wala na sa tabi ko si Blaire kaya agad akong bumangon.

Lumingon ako sa aking likuran, may ilaw sa may kusina. Baka nandun siya. Pumunta agad ako sa kanya kahit hindi ko alam ang itsura ko, bahala na basta makita ko siya. Okay na ako.

Nakarating na ako sa kusina at nakita ko siya, nag-aayos ng hapag. Hindi niya ata ako napansin kaya tumungo ako sa kanya.  

"Hey, goodmorning" bati ko sa kanya

Nagulat siya sa akin at pinipigilan niya atang tumawa. Agad siyang lumapit sa akin at inayos niya ang buhok. Ay potek, kakagising ko lang pala.

"Gusto mo ba makita agad ako at hindi mo inayos yang itsura mo ha?" pang aasar niya sa akin

Agad akong lumayo sa kanya at nagmadaling tumakbo sa kwarto ko. Nak ng, nakakahiya.

Lizzae's P.O.V

Natatawa ako sa kanya, sobrang gulo kasi ng buhok niya pero ayos lang naman sa akin.

Napangiti ako ng di oras dahil sa kanya. Inutusan ko ang mga butler ko dito at sinabi ko na gisingin na sila.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero parang ang saya ko. Minsan talaga hindi ko na makilala ang sarili ko. Siguro ganto ako dahil sa bagong tao na nasa paligid ko.

Habang nag-iisip ako, nakita ko silang tatlo na sabay-sabay na bumaba.

Kinawayan nila ako at kinawayan ko din sila pabalik. Nang makarating sila sa hapagkainan...

"Mamaya na diba yung pupunta tayo sa bahay niyo?" tanong ni Arkin

Tumango ako bilang sagot. Halatang excited sila, umupo na sila at nagsimulang kumain. Humabol naman si Christen na halatang nag-ayos pa.

"Ayos na ayos ha" pang-aasar ni Kieran kay Christen

"Tsk" tugon lang niya

Tinignan niya ako at nginitian ko siya. Umupo na ako at nagsimulang magbasa ng libro dahil hindi pa naman ako nauuhaw.

Hindi ko namalayan na sa tabi ko pala siya umupo.

"Hindi ka iinom?" tanong niya sa akin

Tinignan ko siya at umiling ako sa kanya. Napatango na lang siya at nagsimula kumain. Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagbabasa.

Pagkatapos nila kumain, sila na din ang naghugas. Hindi na nila inabala ang mga kasambahay namin.

Tumungo ako sa kwarto ko para mahiga at pinagpatuloy pa rin ang pagbabasa.

Tahimik akong nakafocus sa ginagawa ko na may biglang kumatok. Parang alam ko na kung sino ang nasa likod ng pagkatok na iyon.

Mabilis kong binuksan iyon at nakita ko si Rahl na may dalang bulaklak.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya

"ano.. Kasi.... Para sayo" sabi niya habang yung kamay niya nasa batok niya na halatang nahihiya siya.

Tinanggap ko ito at ngumiti sa kanya.

"Thank you dito" sabi ko

Natutuwa ako sa mga ginagawa niya. Sana magpatuloy pa ito.

"Halika sa loob, samahan mo ako magbasa" sabay hila ko sa kanya.

Halatang nagulat siya pero wala na siya magagawa.

"Ano bang binabasa mo?" tanong niya habang nakaupo siya sa sofa na nasa kwarto ko.

"tungkol ito sa inyo" sabi ko

Assassin's Hymn: Extinction by DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon