Tumango sila... Prinsipe?
May naramdaman akong kumakalabit sa akin.
"Lady Lizzae, Lady Lizzae" tawag sa akin ni Harold
Agad ko siyang nilingon at ngumiti.
"Prince Kieran" tawag ni Harold sa isa sa kanila.
May ngumiti sa kanya, ramdam ko ang kagaan ng kalooban niya
"Prince Arkin" sunod ni Harold
May nagtaas ng kamay at sabay pagtingin sa akin, ramdam ko ang kalakasan niya
"Prince Christen" sunod ni Harold
May tumingin na diretso sa akin. Galit ba siya?
"Prince Aloycius" huling tawag ni Harold
May agad na lumapit sa akin na niyakap ako na agad ko tinulak. Gulat ang nanaig sa kanyang mukha pero agad napalitan ng pag ngisi.
"Easy ka lang, hindi kita sasaktan" mapang-asar niyang tugon
Naasar ako sa kanya pero dapat hindi ako magpaapekto. Kailanman hindi ako naganyan ng ibang tao. Prinsipe lang naman siya, isang mababang uri na prinsipe.
"Easy lang ako, nagulat lang." tugon ko dito
Tumawa siya ng mahina, hininaan niya pa naririnig ko naman.
"Lady Lizzae, sila po ang naatasan na magbantay po sa inyo palagi, kami po nila Alec ang magbabantay ng mansyon at magmamanman sa paligid po dito" magalang na sabi ni Harold sa akin
Tumango na lang ako.
"Akyat mo na lang mga gamit ko sa kwarto ko, sa labas muna ako" paalam ko sa kanya
Lumabas na ako at pinagmasdan ang mga bulaklak sa labas. Umupo ako sa may duyan at nakinig ng musika sa cellphone ko.
Sana nandito na lang sila mama. Hindi ang mga weirdo na lalaki na nandito.
Bakit kaya sila?
Ano naman ang kaya nilang gawin para protektahan ako?
Speaking of protektahan, bakit ko kailangan iyon?
May problema ba sa palasyo?
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata, mamaya pa naman ang bukang liwayway, mamaya na lang ako papasok.
Sa aking pagpikit, may naramdaman akong may lumalapit sa akin.
Agad akong tumayo at pinakiramdaman ang paligid. Nasa bandang kaliwa ko. Agad akong tumingin doon at nakita si Kieran, hindi naman siya bampira, bakit hindi pa siya natutulog?
"Lady Lizzae, bakit nandito ka sa labas? Ayaw mo ba sa loob?" tanong niya sa akin habang nakangiti
"Hindi ako sanay sa madaming tao" pagdadahilan ko
"Hindi naman madaming tao sa loob. Lima lang tayo sa loob." sabi niya
"Hindi ko naman kayo kalahi eh, kaya hindi ako sanay." dahilan ko ulit.
Kailan ba titigil ito?
"Ah, kaya pala. Naalala mo ba pangalan ko? Ako si Kieran, prinsipe ng hangin" pagpapakila niya
"Kaya pala magaan ang ramdam ko sayo, kasi hangin pala ang kapangyarihan mo" sabi ko
Tumango siya.
"Totoo pala kayo?" tanong ko
"Oo, anong akala mo ba?" tugon niya sa akin
"Akala ko, tao at bampira lang ako nabubuhay" sabi ko
BINABASA MO ANG
Assassin's Hymn: Extinction by Desire
FantasyAll of us have a desire, but what if your desire leads to a war that will cause merely extinction of your clan. The first book of the Assassin Hymn Series. Start: May 30,2020