Christen's P.O.V
Iniwanan ko muna siya at tumungo sa kusina. Nakita ko sila sa kusina na nagkwekwentuhan, ang saya nila kaya napangiti ako dahil dito.
"Hey" tawag ko sa kanila
"Hey, Christen" tawag sa akin ni Arkin
Tumungo muna ako sa lababo at nagsimulang maghugas ng pinagkainan. Magsisimula na sana ako ng may lumapit sa aking maid nila.
"Sir, ako na po" sabi niya
"Ako na po, magpahinga na lang po muna kayo" mahinahon kong sabi sa kanya
"Sir, gawain ko po yan" pilit niya sa akin
"Ako na po talaga" sabi ko sa kanya
Hindi naman na siya umangal dahil nararamdaman niya ata na hindi ako magpapatalo sa kanya. Sinimulan kong banlawan ito gamit ang tubigat sinabunan ito, habang nagsasabon ako ay nagsalita si Kieran.
"Kamusta siya?" tanong niya
"Uhmm, hindi pa siya okay" sabi ko
"Bakit pala siya nagkakaganyan?" tanong sa akin ni Arkin
"Siya dapat ata ang magsabi sa inyo, wala ako sa lugar para sabihin iyon" mahinahon kong sabi
"Nasaan na pala mama niya at papa niya?" tanong ulit ni Arkin
"Arkin, siya ata dapat ang tanungin mo dyan" sabi ko sa kanya
"Okay, puntahan ko na pala siya" sabi niya sa akin
"Pero huwag muna ngayon, nagpapahinga pa siya" maawtoridad kong sabi ko sa kanya
"Sabi ko nga sa susunod na lang" sabi niya at biglang nanahimik
Natapos na ako sa paghuhugas at kumuha ng tuwalya para punasan ang basa kong kamay. Humarap ako sa kanila at may sinabi na mahalagang bagay.
"Huwag niyo muna ibanggit sa kanya yung magulang niya o mga tita niya o kung anuman ang gusto niyong itanong tungkol kagabi. Understood?" tanong ko sa kanila
Tumango sila sa akin.
"Sa susunod malalaman niyo din kung bakit, nga pala dumating na ba mga gamit natin?" tanong ko sa kanila
"Nope pero tatanungin ko si Harold mamaya if anong oras darating" sabi niya sa akin
"Okay, maaga pa, bakit dito kayo tumatambay sa kusina?" tanong ko sa kanila
"May pagkain kasi dito" sabi ni Arkin
Napangiti ako sa sinabi niya pero bumalik ulit ako sa seryoso kong mukha.
"Uhm, okay. Maglaro kayo sa labas or manood, mamaya maubos niyo pagkain dito na para sa atin" sabi ko sa kanila at nagsimulang tumungo papuntang hagdanan.
"HINDI NAMAN KAMI MATAKAW!" sigaw ni Arkin
"Wala akong sinabi" mapang-asar kong sabi ko sa kanya at iniwan na sila sa kusina at tumungo sa kwarto niya. Sa pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko siya na nakaupo pa din sa kama at nanonood pa rin ng palabas. Nang maisarado ko ang pintuan ay doon niya lang ako napansin. Ngumiti siya sa akin at bumalik ulit ang kanyang paningin sa palabas. Tama lang na may pagkaabalahan siya kahit ganyan lang. Tumabi ako sa kanya at sabay kaming nanonood. Habang nanonood kami ay nagtanong siya sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi sa kanila?" tanong niya sa akin
"Ang alin?" takang tanong ko
BINABASA MO ANG
Assassin's Hymn: Extinction by Desire
FantasiaAll of us have a desire, but what if your desire leads to a war that will cause merely extinction of your clan. The first book of the Assassin Hymn Series. Start: May 30,2020