Hymn 08

4 1 3
                                    

Lizzae's P.O.V

"Ma" simula ko

"Anak, kamusta ka dyan?" tanong niya

"Okay lang po ako. Kayo po dyan? Kamusta po ang palasyo?" tanong ko

"Buhay pa kami at nakatayo pa rin ang palasyo" napatawa ng mahina si mama

"Kailan po kayo pupunta dito?" masaya kong tanong

"Anak, malapit na. May pagpupulong pa ulit kami ng mga tita mo sa susunod na linggo. Malapit ka na makauwi" sabi niya

Natuwa ako sa aking nabalitaan. Nagkwentuhan lang kami lalo na ako sa mga kasama ko dito sa bahay.

"Ma, si Arkin po, magkasing edad lang po ata kami pero sobrang isip bata" kwento ko

Napatawa naman si mama dito

"Si Aloycius naman po, mabait pero seryoso palagi. Si Kieran po, sinamahan niya ako nung kararating ko lang po dito sa may hardin po natin at yung isa po. Ay wag na lang pala" dagdag ko

"Sino yung huli anak? Si Christen ba?" tanong ni mama

Nanlaki ang mata ko sa aking narinig.

"Kilala mo sila ma?!" tanong ko

"Anak, kilala ko ang bawat tao na nandyan sa bahay natin. Bakit ayaw mo siya ikwento sa akin? May ginawa ba siya sayo?" nag aalalang tanong ni mama

"Ano kasi ma, siya lang po yung hindi ko masyadong kasundo" sabi ko

"Hayaan mo anak, makakasundo mo rin siya. Mas mabuting may nakikilala kang bago para mas lumawak ang circle of friends mo" paliwanag ni mama

"Ipakilala mo sila sa amin sa susunod na araw" sabi ni mama

Sumang-ayon naman ako dito. Tinanong niya pa ako sa kung ano-ano pati na ang pagluluto ko sa kanila.

Hindi niya inaasahan na magagamit ko ito dito.

"Ma, sige na po. May gagawin pa po ako" paalam ko

"Sige anak, mag-iingat kayo dyan" sabay patay ng tawag.

Tinignan ko muli si Alec at mukhang gumagaling na ang mga sugat niya.

Lumabas ako muna sa kwarto at yung kwarto ko nasa dulo ng kaliwa sa may pangalawang palapag.

Nagulat ako sa nakita ko.

"Bakit nandito ka?" tanong ko dito

"Hindi ako makatulog kaya naghahanap ako ng kausap" sabi niya

Napayuko siya pagkatapos niyang sabihin ito.

Mag aalas-kwatro palang.

"Doon tayo sa baba, ipagluluto na lang kita" sabay hawak sa pulso ng kanyang kamay at hinila siya.

Nagulat naman siya sa aking ginawa pero dahil ako din walang magawa. Luto na lang ako.

"Tulungan mo na lang ako magluto" pag aaya ko dito

"Kailanman hindi ko nasabukan na may kasama magluto" paliwanag niya

"Ngayon mararanasan mo na" napatawa ako ng mahina

Bago ako magsimula, tinanong ko muna siya.

"Ano gusto mo kainin?" tanong ko

"Kahit ano" sabi niya

"Walang pagkain na tawag ay kahit ano" paliwanag ko sa kanya

"Waffles na lang" tugon niya

Assassin's Hymn: Extinction by DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon