Hymn 21

2 0 0
                                    

Lizzae's P.O.V

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nabasa ko, nakatulala lang ako, yung violin ko may kapangyarihan? 

"Seryoso ba talaga?" tanong ko sa kawalan

Pero sabi ni mamam kaya papaniwalaan ko na lang pero paano ako mag-eensayo nito? 

Napahawak na lang ako sa noo ko dahil naiistress ako sa nangyayari at dahil doon hindi ko napansin na may kumakatok.

"Blaire?" tawag niya

Bumalik ako sa realidada nang marinig ko ang boses niya kaya sinigaw ko na bukas ang pintuan at binuksan niya ito. 

"Bakit ang gulo ng buhok mo? Naligo ka ulit?" tanong niya

"Sabi mo kasi ikaw magsusuklay sa akin" sabi ko sa kanya

"Ahh, okay. Upo ka na pala dito" sabay turo sa upuan na nasa vanity table ko kaya agad ako umupo doon.

Habang sinusuklayan niya ako ay nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang nilalaman ng sulat o hindi.

"Rahl?" tawag ko sa kanya

"Yes?" sabi niya

"Nabasa ko na" sabi ko sa kanya

"Anong nabasa mo na?" tanong niya

"AHH, anong nakasulat?" tanong niya muli

"May kapangyarihan daw violin ko" sabi ko sa kanya

"Huh?" gulat na tanong niya

"I know, ako din ganyan reaksyon ko pero ayon ang nakasulat" sabi ko

"Paano mo naman malalaman ang kapangyarihan ng violin mo?" tanong niya

"Hindi ko din alam pero sigurado ako na malakas ito" sabi ko sa kanya

"Paano mo kaya yun ipapraktis?" tanong niya muli

"May naisip akong idea" sabi ko sa kanya

Dahil tapos na niya suklayin ang buhok ko ay humarap ako sa kanya.

"Baka may mensahe si lolo dito, may gadget ako na ginawa niya para sa akin" sabi ko sa kanya

"Sige, alamin mo muna baka makatulong lolo mo diyan sayo" sabi niya sa akin

"Yeah" sabi ko

"Ready ka na ba talaga na maghiganti para sa magulang mo?" tanong niya sa akin

"I think so" tipid kong sabi

"Uuwi muna kami sa bawat lugar namin, sa susunod na linggo" paalam niya sa akin

Nalungkot ako sa sinabi niya, so mag-isa lang ako dito sa palasyo. Lizzae, matanda ka na kaya mabubuhay ka ng wala sila.

"Anong gagawin niyo?" tanong ko sa kanya

"We need to form an army, imposibleng hindi aatake ang tita mo" sabi niya sa akin

"Lahat ng lugar niyo, kakampi sa akin?" tanong ko sa kanya

Tumango siya at ako'y nagulat dito, deserve ko ba ito?

"Hindi naman kailangan" sabi ko sa kanya

"We insist, malapit sa mga magulang namin ang magulang mo kaya nagagalit din sila" paliwanag niya sa akin

"Okay, I will form an army din dito" sabi ko sa kanya

"Not you, sasabihan ko na lang si Harold about diyan" sabi niya sa akin

Assassin's Hymn: Extinction by DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon