Hymn 15

2 0 0
                                    

Lizzae's P.O.V

Nagkwentuhan lang kami ni Christen tungkol sa binabasa namin ng hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa palasyo. Pinagbuksan kami ng mga butler at isa isa kaming bumaba.

"Wow, mas malaki pa palasyo niyo kaysa sa amin" sabi ni Arkin

"I'll take that as a compliment" nahihiya kong sabi

Nagsimula kaming maglakad at lahat ng madadaanan kong tao sa palasyo ay yumuyuko sila sa akin kaya tumango na lang ako sa kanila. Bago kami makapasok sa palasyo, may tumawag sa akin.

"Lady Lizzae" tawag sa akin kaya napalingon ako

"Harold" tawag ko sa kanya at lumapit sa kanya para siya'y mayakap

"Oh, namiss mo na talaga ako" sabi niya sa akin

"Halata ba?" sabi ko

"Hindi naman" sabi niya at bumitaw na ako sa pagyakap ko sa kanya

"On-time kayo" dagdag niya

Tumango ako sa kanya.

"Syempre naman, ayaw nila mama ng late" sabi ko

"Mauna na ako, papatayin na ata ako sa tingin ni Prince Christen" sabi niya

"Huh?" sabi ko at tumingin kay Christen at tama nga, ang sama ng tingin niya

"Sorry sa kanya, mauna na kami" sabi ko sa kanya

"No worries, kita na lang tayo sa loob" sabi niya at yumuko muna sa akin bago umalis

Lumapit ako sa kanila at nilapitan si Rahl.

"May nagseselos nanaman po" sabi ni Arkin

"I agree with that" sabi ni Kieran

"Me too" dagdag ni Aloycius

"Tsk" tanging sabi ni Rahl

"Rahl, Rahl, Rahl" tawag ko sa kanya

Nilingon naman niya ako.

"What?" tanong niya

"May problema?" tanong ko

"Wala" galit niyang sabi

"Wala daw pero galit" bulong ko

"Narinig kita" sabi niya sa akin

"Edi narinig mo" sabi ko

"Okay fine, naiirita ako sa inyo kanina. Bakit kasi may pagkayakap?" tanong niya

"Ganun din naman kami dati" sabi ko

"Ohh okay, iintindihin ko na lang" sabi niya

"Thank you" sabi ko sa kanya 

"Sorry sa inasal ko" sabi niya sa akin

"Wala yun" sabi ko

Matapos ang pag-uusap namin ni Rahl habang naglalakad kami sa pasilyo ng palasyo ay nakasalubong namin si Vincent. Halatang gustong lumabas ng pulang mata ko pero hindi ko ito hinayaan. Nang malagpasan namin siya, may sinabi siya na nakapagpalaki ng mata ko

"Goodluck, couz. Baka hindi mo kayanin ang mga mangyayari" bulong niya

Nilingon ko siya at nakatingin siya sa akin na nakangisi. Kinabahan ako bigla parang may mali pero hindi baka niloloko lang ako nito.

Assassin's Hymn: Extinction by DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon