Lizzae's P.O.V
Flashback
Lizzae,nandito ako. Tulungan mo akong gisingin pa ang iba
Lizzae, nandito na ako
Lizzae, patayin mo na sila
Lizzae, patayin mo na ang angkan mo
Napatigil ako sa pagtugtog at agad binaba ang violin ko ata tinakpan ang tenga ko. Natatakot ako sa boses na balak akong lamunin.
Sino ka?
Ako ito, ang ikatlong katauhan. Ginising mo ako sa pagtugtog mo. Akala ko di na ako magigising
Pagkatapos non,tumawa siya. Napaupo ako sa sakit ng ulo ko. Imposibleng may ganto akong katauhan. Walang sinabi ang lolo ko.
Sobrang sakit ng ulo ko, parang pinupukpok. Hinihingal ako parang may pumipigil sa akin ng biglang....
Napangisi ako...
"Kamusta ka?" tanong ko sa ikatlong katauhan ko
"Hindi ka natatakot sa akin?" tanong niya pabalik
"Binalaan na ako ni lolo sayo, alam kong magigising ka pero hindi ako makapaniwala ka sa paggising mo sakit ang maidudulot sa akin" paliwanag ko sa kanya
"Magaling, kailan mo na ba ako gigisingin ng tuluyan? Natatakot sa akin ang iba mo pang katauhan" sabi niya sa akin
"Malapit na, kailangan ko munang paghandaan ang paggising mo at pwede ka naman lumabas sa sulok at makipag-usap sa kanila" sabi ko sa kanya
"Okay, I will try pero kapag sila natakot sa akin, sisisihin kita" sabi niya
"Subukan mo akong sisihin, hindi kita gigisingin" pananakot ko sa kanya
"Don't you dare to threaten me, sa lahat ng katauhan mo, ako na ang pinakamalakas" paliwanag niya
"Ako pa rin ang masusunod kasi katawan ko ito" paliwanag ko sa kanya
"Hihintayin ko ang paggising ko, paalam" at nawala ang boses niya sa utak ko
Napahingal ako ng dumilat ako, mabuti na lang at nagkasundo kami at dahil din doon lumabas ang lila kong kulay ng mata, ang ikaapat kong katauhan.
End of Flashback
Sa pagtayo ko, napangisi ako, kailangan ko na siyang gisingin. Sa pagharap ko sa kanila, gulat ang nakita ko sa kanilang mata.
"Kulay itim ang mata mo" sabi ni Tito Colin
"Tumakas na tayo dito" sabi ni Tita Laura sa kanila
Paalis na sana sila ng basement ng nilock ko ang pintuan dito.
"Oh, sorry kasi bawal kayo lumabas" natatawa kong sabi
"Anong akala niyo papalabasin ko kayo ng buhay?" dagdag ko
"And thank you dahil sa inyo, nagising ang isang katauhan" pasasalamat ko sa kanila
Ramdam ko ang lakas ko, napangiti ako dahil dito na parang nagmumukha na akong baliw. Nilapitan ko si Tito Colin at sinakal siya at binuhat pataas.
"Ikaw ang uunahin ko dahil ikaw ang pumatay sa kanila" sabi ko
"Pa-pa-patawarin mo a-ako" nauutal niyang sabi
"Too late" sabi ko
"Colin!" sigaw ni Tita Laura at nararamdaman kong susugurin niya ako para gamitin ang lakas niya pero inunahan ko na siya. May lumabas na itim na usok sa kamay ko at parang hindi siya makahinga dahil dito.
BINABASA MO ANG
Assassin's Hymn: Extinction by Desire
FantasyAll of us have a desire, but what if your desire leads to a war that will cause merely extinction of your clan. The first book of the Assassin Hymn Series. Start: May 30,2020