Hymn 17

3 0 0
                                    

Lizzae's P.O.V

Sa aking pagtulog muli at katabi ko ang gusto kong tao ay ramdam ko na ligtas ako. Ngunit bakit nandito ako, napakadilim ng paligid pero may resemblance ito ng palasyo. Luminga-linga para pagmasdan ang paligid pero may sumigaw.

Anak..

My princess, ako ito si mama

Lizzae, iligtas mo kami!

Mga boses nila mama at papa iyon. Kailangan ko silang iligtas ayaw ko sila masaktan. Tumakbo ako ng tumakbo dito sa madilim na lugar dito kahit ako mismo natatakot ay nasa isip ko na iligtas sila mama.

"MA!PA!" sigaw ko ng paulit-ulit ngunit paulit-ulit din na ganun pa din ang sinasabi nila.

Anak..

My princess, ako ito si mama

Lizzae, iligtas mo kami!

Hanggang sa mapagod ako tumakbo at naramdaman ko na may nakatingin sa akin sa likod. Sa aking paglingon nakita ko si Tito Ivor na may hawak na lubid at nagulat ako na nakatali sa paa ko ito, paano ito natali sa akin ng hindi ko napapansin? Pinagmasdan ko ang paligid at nakita ko din si Tita Camilla at sila Jane at Vincent na may hawak ding lubid at nakatali sa kamay, sa tiyan, sa leeg ko. Pinilit kong tanggalin pero bago ko tanggalin ay nahila na nila ako kaya napabagsak ako bigla. Sobrang sakit ang naramdaman ko sa pagkabagsak ko, gusto ko palabasin angitim kong mata pero ayaw niya lumabas. Nagulat ako kasi unang beses lang ito.

"Wala ka ng kapangyarihan, pamangkin" natatawang sabi ni Tita

"Sa amin na ang palasyo" dagdag ni Tito na tumatawa din

Halatang naiirita ako pero wala akong magawa, ayaw makisama ng katawan ko. Nilapitan ako ni Jane na may hawak na kutsilyo, sasaksakin ba ako nito?

"Wag" sabi ko sa kanya

"Couz, I feel so sorry to you, ganto ka pa mamamatay. Walang kalaban laban" sabi niya at ngumisi at biglang sinaksak ito sa may bandang puso ko.

Sisigaw sana ako sa sakit ngunit biglang....

Napabalikwas ako ng bangon, hingal na hingal ako at ramdam ko na basa ang pisngi ko. Sumigaw ako sa sakit, at naramdaman ko na nagpalit ng kulay yung mata ko.

"Maaaaaaa!!!" sigaw ko habang umiiyak

Biglang nagising si Christen dahil sa sigaw ko at tinignan ako at inayos ang itsura ko. Tinignan ko siya at agad niyakap, wala na talaga sila mama. Sila mama na pinatay nila Tito Colin. Napahagulgol ako sa balikat niya at hinaplos niya ang buhok ko ng maigi.

"Andito pa kami, andito pa ako. Hindi ka namin iiwan" sabi niya sa akin

"Rahl, sila mama" sabi ko sa kanya

"I'm so sorry kasi wala kami doon pero nangyari na ang nangyari. Binabantayan ka na nila" sabi niya sa akin

"Gusto kong maghiganti, Rahl" sabi ko sa kanya na may halong galit sa tono ko

"Ipaghihiganti natin ang pagkamatay ng magulang mo pero magpahinga ka muna, kapag maayos na ang lagay mo, magsisimula ka ulit magensayo" sabi niya sa akin

Lumayo ako sa kanya at tinignan ko siya sa mata. Tumango ako sa kanya. Tinanggal niya ang mga buhok na nasa mukha ko at kumuha ng panyo para punasan ang luha ko.

"Magiging maayos din ang lahat, hindi man ngayon pero maniwala ka" nakangiti niyang sabi

Pinahiga niya muli ako pero sa kanyang balikat na at hinahaplos niya muli ang aking buhok. Madalim pa rin pero may umuusbong na liwanag na sa kalangitan.

Assassin's Hymn: Extinction by DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon