Hymn 03

11 0 0
                                    

Kieran's P.O.V

Nakarating kami dito sa mansyon kung saan namin babantayan ang isang bampira na prinsesa. Simpleng damit lang ang sinuot naming apat. Kaming apat ang prinsipe ng mga elemento na bumubuo sa daigdig. Magkakaibigan kami simula't sapul na kami ay isinilang.

Pinanganak kami sa angkan na kung saan sila ang namumuno ng bawat grupo. Pinapanatili namin ang balanse ng bawat elemento para hindi mahirapan ang mga tao. Hindi kami masyadong kilala dahil para kaming tao, minsan nakakahalubilo kami sa kanila. Dahil doon, para kaming tao kung mag-isip minsan.

Ako pala si Kieran Grey Rune,prinsipe ng hangin. Mahirap maging prinsipe. Ang ibang tao ay hinahangad na nasa posisyon ko, pero ako, ayoko sa posisyon ko. Bawat desisyon kasi na ginagawa ng mga namumuno ay makakaapekto sa pinaglilingkuran nitong grupo at sa buong daigdig.

Nagkwentuhan lang kami dito, kaninang hapon pa kami dito pero sabi ng mga magulang namin na mamaya pang hating gabi darating ang prinsesa. Iniisip ko kung anong ugali niya, kung kasing gaan ba yun ng hangin o kasing bagsik nito.

Ang sabi lang sa amin ng magulang namin ay tulungan namin siyang hasain ang kanyang talento. Yun ang pinakamisyon namin sa kanya. Sa aming apat, si Arkin ang mas pokus sa pakikipaglaban, si Christen magaling siya gumawa ng plano, si Aloycius magaling siya sa pagkontrol ng kanyang iniisip at ako magaling ako pagdating sa mahika.

Nagbabasa ako ng libro tungkol sa mga bagong mahika, gusto ko matutunan iyon pero napakaingay ng mga kasama ko lalo na si Aloycius.

"Bro, can you just shut up?" naiirita kong sabi

"Chill bro, mamaya ka na kasi magbasa. Pinag uusapan namin yung prinsesa na darating" sabi niya

"Ano naman pinag-uusapan niyo tungkol sa kanya?" tanong ko

"Kung anong itsura niya at kakayahan niya" sabi ni Arkin

"Nararamdaman ko na hindi magaling iyon" walang ganang sabi ni Christen

"Mamaya lunukin mo yang sinabi mo Chris" sabi ko

Nagkibit balikat na siya habang si Arkin at Aloycius patuloy pa rin sa pag-uusap. Maghahating gabi na, baka paalis na siya sa palasyo.

"Bakit kaya tayo ang pinapabantay?" agad kong tanong

"Sabi kasi ng mga magulang natin" tugon ni Arkin

Ayun ang pinagtataka ko. Hindi ko akalain na magkaibigan ang mga magulang namin at ang namumuno ng mga bampira. Natatakot ako na baka may mangyari na hindi inaasahan sa pagkakaibigan ng magkaibang nilalang.

"Ang lalim naman ng iniisip mo" pabiro ni Aloycius

"Gago, ako nanaman trip mo" sabi ko sabay bato ng libro sa kanya na bigla niyang binasa kaya bumagsak

"Shit, bat mo binasa?" pagmamaktol ko sa kanya

"Hindi mo ba nakita? Tatama sa napakaganda kong mukha kaya binasa ko na lang" sabi niya

Hindi ko pa tapos basahin iyon tapos binasa lang niya.

"F*ck you Yann" irita kong sabi

"And thank you for the compliment, Grey" pabiro niyang sabi

Pumunta na lang ako sa isa sa mga sofa na nandito at humiga, matagal pa ata ang byahe ng prinsesa kaya matutulog muna ako.

Sa kalaunan ng aking pagtulog, may naramdaman akong parating sa mansyon. Agad akong tumayo at sinabihan sila na baka nandyan na ang prinsesa.

Assassin's Hymn: Extinction by DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon