Chapter 1

699 98 72
                                    

ALI'S POV

''Alisha Ellaine Cruz Lacson, 16 years of age from Sitio Payapa'' nakakairita grabeeee! Paulit ulit na lang na pagpapakilala kada unang araw ng pasukan. Dapat kasi minsanan na lang na pumapasok ang teacher namin para isang beses lang magpapakilala ih.

''Okay nandito na sa blackboard lahat ang mga kakailanganin niyo sa subject ko, Isulat niyo na lang para 'di niyo malimutan. That's all for today. See you sa next meeting''

''Jaz picturan mo nga tinatamad ako isulat'' utos ko sa kaibigan ko na nasa left side ko bale tatlo kaming magkakaibigan as usual magkakatabi kami ako ang nasa gitna sa right side ko naman si Belle.

''Belle ikaw na lang mas malapit ka naman ih''

''Ako ba inutusan Jaz? Ikaw diba kaya ikaw gumawa'' sabay irap nito

''Makikinabang ka din naman ih''

''Ode wag makinabang saksak mo yang copy mo''

''AKO NA, AKO NA! kahiya sa inyo ih mag aaway pa kayo para picturan lang di niyo pa magawa'' kagigil din itong dalawa ih napakatamad ,pati pagpicture pinag aaway.

''Wow naman Alisha mas nakakahiya kaya sayo'' sabay na sabay pa ang dalawang bruha

''Whatever wag kayo magpapasend sakin mamaya ha!'' pambabanta ko sa kanila.

Ang mga tamad ko namang kaklase ayun at nagkukumpalan sa blackboard. Hay nakuuu iba talaga nagagawa ng kasipagan grabeee! Nakisingit na lang din ako at ayun sa wakas nakuhanan din. Tinitignan ko isa isa ang mga kailangang bilhin habang naglalakad ako pabalik sa upuan ko ng bigla na lang. . .

''Hoy! Bakit dika tumitingin sa dinadaanan mo ha!'' sigaw ko sa lalaking nakabunggo sakin

''I'm sorry , I didn't mean it'' sagot nito masyadong malambing ang boses para sigawan ko peroo hindi pwedeng maawa na lang ako duhhh nabunggo niya ako at tekaaa. . .

'yung SELPON ko!

''Kita mo ginawa mo sa selpon ko nabasag oh! Dahil malamang bumagsak kasi nga nabunggo mo ko at dika tumitingin sa dinadaanan mo!'' dahil sa inis ko diko na naiwasang magtaas ng boses at naagaw ko ang atensyon ng iba naming kaklase.

''Ano tutunga kana lang diyan ha! Look what you've done in my phone. I can't open it na paano na yung copy ko. . . '' grrrr! Kairita nabasag na selpon ko at di mabuksan dipa rin nagsasalita ang mukong umalis na lang ako dahil wala din ako mapapala sa kanya mapapagod lang ako kakasalita doon.

Kagigil talaga tinatamad nga ako magsulat, pero dahil sa nangyari andito ako ngayon sinusulat isa isa ang mga requirements. HAPPIEST MOMENT! grabee ang saya ng araw ko ngayon!

''Ali tara na uwian na'' pag aya ni Belle

''Tara meryenda muna tayo sa labas mga te bago tayo umuwi'' pag aya naman ni Jaz, gastuseraaa kapag siya talaga kasama mo butas ang bulsa. Makakatanggi ba naman kami ni Belle malamang oo, OO SASAMA KAMI SA KANYA

''Well tara na, I want some foods para naman may magandang mangyari ngayon'' sagot ko sa kanilang dalawa habang nililigpit ang gamit ko.

''Manong limang piso nga pong palamig!''

''Manong kwek kwek po Sampu!''

''Alle isa nga po dito''

''Dito din po''

''Tyaka po doon''

Nagiging palengke talaga sa labas ng school kada uwian ih ang iingay grabee! Habang kaming tatlo naman palapit kami sa suki namin kay Manong Bertz ng bigla nanamang may bumunggo sakin and guess what with sauce pa, ganda ng uniform ko ngayon may design na sauce. Di naman porket pader ako bubunggo bunguin na lang nila ako. Pagtingin ko sa nakabunggo sakin mas naiinis nanaman ako.

''Ikaw nanaman!" sino paba edi yung lalaking nakabunggo din sakin kanina

''Look! Wait Im sorry, I didn't mean it'' kinuha nito yung panyo niya para punasan yung sauce na natapon sa uniform ko.

''I didn't mean it nanaman, Sorry nanaman? Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo para wala kang nabubunggo. Kanina yung selpon ko nasira and Now my uniform is messy because of YOU again!'' Sigaw ko sa kanya sabay hampas ko sa kamay niyang sinusubukang alisin ang sauce sa uniform ko as if matanggal niya!

''And use your eyes, dalawa pa yan oh para naman may pakinabang!'' sabay hila ko sa dalawa para umalis. Nawalan na din ako ng gana para magmeryenda SANA. Napagpasyahan na lang namin umuwi para makapag pahinga.




¤¤¤¤¤¤¤


Mag-oopen sana ako ng Facebook account ko pero pagtingin ko sa selpon ko naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Nagpasya na lang akong bumaba para kulitin si mama na bilhan ako ng panibagong selpon.

Naabutan ko siyang nagluluto sa kusina kaya umupo ako sa lamesa para kumain ng orange.

''Ma ano yang niluluto mo''

''Kare-Kare Alisha nagrequest kasi ang kuya mo na ito daw ang iluto ko dahil namimiss niya na daw kumain ng kare-kare'' sagot ni mama habang naghahalo ng niluluto niya

''Ma may sasabihin ako'' panimula ko.

''Ano yun Ali, may boyfriend kana kabata bata mo pa lang atupagin mo yang pag aaral mo para makapunta ka sa pinapangarap mong lugar'' sagot naman ni mama masyadong OA magreact grabehaan ang level.

''Ma naman ih wala pa nga po''

''Ay wala pa ba, osige ano ba yang sasabihin mo''

''Ma kasi. . . ka. . . si. . . ''

''Kasi. . . ''

''Ma kasi nasira po yung kasi yung selpon ko, nabagsak po kanina ng aksidenteng nabunggo ako ng kaklase ko.'' pagbabalita ko

''Oh ano gusto mo palabasin ngayon Ali''

''Ikaw ma gusto kitang palabasin''

''ANONG SABI MO! ''

''Ikaw ma gusto kong palabasin para bumili po ng selpon ko yun po ang sabi ko'' pagpapalusot ko delikado na baka batuhin ako ng sandok sayang ganda

''Hay naku Ali bili nanaman wala pa ngang sahod ang papa mo gastos nanaman, hinintayin mo na lang ang kuya mo at sa kanya ka magpabili total mataas naman ang sahod niya'' sagot ni mama na nagpasimangot sakin, Kapag kay kuya kasi ako magpabili hindi niya ako bibilhan kung di naman kinakailangan kaya no choice. Magtitiis munang walang selpon.

Nang matapos kumain ako na ang pinaghugas ni mama dahil syempre masipag ako at wala din naman ako gagawin. Nang matapos ako maghugas naligo na muna ako bago natulog.





KINABUKASAN





Nagmamadali akong pumasok ng school dahil bumalik pa ako sa bahay para balikan ang ID ko sa dami ng pwede ko makalimutan ID pa, hindi kasi pinapasok ni Manong guard kapag walang ID, Takbo ako ng Takbo dahil late na nga ako at sa likod pa ang building namin.

Saktong pagbukas ko ng pintuan ang siya namang paglabas NIYA.




___________________________________________________________________________

S T A Y H Y D R A T E D

Follow me on IG: @Claireswin

Follow me on Twitter: @WINClaires

Follow me on Facebook: @Claires WIN

 A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon