GAVIN'S POV
Nagdaan ang weekend na boring lang. Sinusundo ko lang si Ali kung saan siya magpunta at kapag nagkikita kami umaasta akong parang walang nangyari.
Nang makarating ako sa room wala pa yung apat na bugok. Sabagay maaga pa naman. Iilan pa lang kami dito. Maaga akong pumasok dahil hindi ko nasusundo si Ali kaya deretso na agad ako sa school.
Nang uupo na ako. May nakita akong sulat.
Dali dali kong sinilid iyon sa bag ko. Ayaw kong basahin dito dahil mamaya biglang dumating yung apat. Asar asarin lang nila ako.
''Goodmorning Gavin'' pagbati ni Jasper na kadarating lang.
''Goodmorning'' tugon ko sa kanya na nakaupo at inilalabas na ang libro. Dahil hindi ko siya nakausap. Nagpasya na lang ako maglaro ng games sa selpon ko.
'Susungkitin mga bituin... '
'Para lang makahiling na sana'y maging akin... Puso mo at damdamin'
Bigla akong napatigil sa paglalaro sa pag awit na yun. Pagtingin ko si Rio, Zane at Cyan sabay sabay na pumasok.
'Kung pwede lang.... ' banat ni Zane
'Kung kaya lang.... ' malokong dugtong naman ni Rio.
'Kung akin ang mundo... ' pakukulot na pagkanta ni Cyan. At sasabay na lumapit sakin at nagpabilog pa.
'ANG LAHAT NG ITO.... IAALAY KO SAYOOO.... ' sabay sabay na pagkanta nila kaya naman napukaw nila ang atensyon ng mga kaklase namin maging si Jasper na kanina'y nagbabasa ngayon nakatingin na sa kanila.
''Anong trip niyo? " pagtataboy ko sa kanila.
''Alam mo Gavin nakakahalata na kami ih'' panimula ni Cyan ng mailapag ang bag niya.
''Nahahalata ang alin?'' nagtatakang tanong ko at itinango na ang selpon at hinarap sila.
''Na break na kayo ni Ali morena'' sunod na sabi ni Rio.
''AHHAHAHAH MGA MUNTANGA HINDI KO PA NGA NILILIGAWAN KAMI NA AGAD'' natatawang sagot ko sa kanila
''Hindi pa kayo ih ano yung pahatid sundo mo? " nalilitong tanong ni Zane.
''First move ko pa lang yun''
''Sabi mo HINDI PA so may balak kang ligawan siya? '' pag iintriga ni Cyan
''Sanaaa... Kasooo....''
''KASOOOO? " sabay sabay nilang sagot
''Andiyan na si Ma'am'' nagsipagbalikan naman ang mga mokong sa upuan nila..
Tahimik lang akong nakikinig dahil ang isip ko naglalakbay sa ibang dimensyon.
Sa ginawa ni Ali mas ginusto kong magplano para pormal ng manligaw sa kanya. Kaso hindi ko alam kung paano. Siya pa lang ang liligawan ko dahil babae ang mga nanliligaw sakin dati HAHAHAHA POGS ako ih. Oo yung pogs na nilalaro.
''Mr. Lopez''
''YES POGS.... este Yes Ma'am'' bigla akong napatayo sa biglaang pagtawag ni Ma'am maling mali pala ang ginagawa ko. Hehehe.
''Anong Pogs Mr. Lopez? '' mataray niyang tanong
''Wala po Ma'am''
''Take your seat and listen to my discussion dahil bukas may quiz kayo'' pagkatapos niyang sabihin yun umupo na lang ako kasabay naman ang pagrereklamo ng iba.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
Teen FictionI love you because I do really love you but I hate you for destroying my life. IS LOVE will be enough to forget what he destroy?