ALI'S POV
Kinailangan pa akong alalayan nila Rio para makatayo dahil hindi ko na kinaya yung sakit na makita siya.
Dinala muna nila ako sa salas para pakalmahin. Inabutan ako ng tubig ni Rio.
Silang dalawa ni Zane ang kasama ko dito habang yung dalawa si Cyan at Jasper naiwan sa kwarto para bantayan si Gavin.
'S-salamat' utal kong sagot ng matapos uminom at kumalma.
'You can talk to Gavin within 30minutes' malamig na anunsyo ni Zane na nakatingin lang sakin. Bakit ba ang cold nilang lahat. Kung si Jasper ang nag iisang cold sa kanila noon, ngayon lahat sila. Magbabarkada talaga.
'30 minutes lang' angal ko sa kanila
'May pasok bukas' sagot ni Rio na nakatingin lang sa mga tissue na nagamit ko
'Okay before anything else, What happen to Gavin? ' dahil hanggang ngayon wala pa silang sinasabi sakin tungkol sa nangyari kanya.
Nadatnan ko na lang itong nakahiga na natutulog na may nakakabit na dextrose sa kanya. Ilang araw siyang hindi nagparamdam tapos maabutan ko pa siyang ganun.
'Na-over fatigue lang si Gavin hindi malala ang case niya kaya wag kang mag aalala kailangan niya lang magpahinga ng magpahinga' si Zane ang sumagot sa tanong ko.
'Kung si Gavin na-over fatigue, Eh bakit kayo ang parang bangkay ang lamig ng presensiya at pakikitungo niyo sakin? ' hindi ko na naiwasang isatinig ang kaninang katanungan lang sa isip ko.
'Gavin is sick, we feel it also that's what friends do' emosyonal na sambit ni Rio.
'HAHAHAHHA ang OA mo este ang oa NIYO naman HAHAHAHA'
'Puntahan mo na lang siya doon at palabasin mo na lang yung dalawa sabihin mo pumunta dito sa salas.' utos Ni Rio 'May nakaset akong timer dito ' sabay pakita niya sa telepono niyang nakaset na sa 30mins. isang pindot na lang magsstart na 'Once na pumasok ka sa pintuan na yan magsisimula ang timer at oras na marinig mo ang katok ko ibig sabihin lang na kailangan mo ng lumabas' pagpapaliwanag pa niya.
Ang daming rules and regulation dito.
'Okaayyy' dali dali akong nagtungo sa kwarto kung saan naroon si Gavin.
Nadatnan kung nakaidlip na yung dalawa kaya marahan ko silang tinapik para gisingin.
'Cyan...Jasper... Wake up' nagising naman agad sila. 'Labas daw kayo sabi ni Rio punta daw kayo sa salas'
'Ok' sabay na sagot nila saka nilisan ang kwarto. Kaming dalawa na lang ni Gavin ang natitira dito pero ako gising ,siya naman mahimbing na natutulog. Makikita mo ang pagod at tamlay sa mukha niya kahit tulog. Kung bakit ano kasi inaatupag ng lalaki na ito pabida rin minsan ih. Suwail din sa lola at lolo niya, ano oras na din minsan kung umuwi. Ewan ko din ba sa kanya kung bakit siya ganyan.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
Teen FictionI love you because I do really love you but I hate you for destroying my life. IS LOVE will be enough to forget what he destroy?