Chapter 4

210 90 20
                                    

ALI'S POV



''Hey Ali stop!  My bag! ''  pagrereklamo ni Belle

''Uyyy Ali bitawan mo na nga kami''  pagrereklamo din ni Jaz.

''ALISHAAAA!" sabay na sigaw ng bruha ano paba choice ko edi bitawan sila

''Okay fine, mauuna na akong umuwi ha.  See you tommorrow.  Bye'' sabay halik ko sa pisngi nila bago umalis. Hindi naman talaga masakit ang tiyan ko ih.  Umiiwas lang ako sa mokong na 'yon.  Baka kung ano nanaman ang matapon sakin.  Ewan ko kung trip niya ako O clumsy lang talaga siya.  



¤ ¤ ¤ ¤ ¤



''Maaaa.  . .? '' pagtawag ko kay mama habang nagbubukas ng pintuan ''Ma.  . . . Wahhhh!   Kuyyaaaaa! '' tuwang tuwa kong pagbati kay kuya sabay yakap bihira ko lang kasi siya maabutan kapag uuwi ako ng hapon sa dinner lang kami nagsasabay sabay tapos matutulog na siya para magpahinga wala na kaming oras para magkwentuhan pero masaya akong nandito siya ngayon ng ganito kaaga. 

'' Oh Ali miss na miss mo ko masyado sa reaksyon mo ah'' sabi ni kuya sabay gulo ng buhok ko

''Syempre kuya bihira lang kita maabutan ng ganito kaaga . Mas maaga ka ngayon ibig sabihin may oras tayo para magkwentuhan''  para akong bata na sabik na sabik na makalaro siya

''Miss mo nga ako 'no'' sabay tusok niya sa tagiliran ko

''Hindi naman sa ganun kuya''

''Nahiya pa ih,  'di mo na lang sabihin na OO KUYA NAMISS KITA pero okay lang kahit hindi magpapahinga na lang ako''

''Kuya naman ih!  Oo na miss na kita''  tampo agad si kuya ih.

''Ode inamin mo din,  wag kang mag alala namiss ko din kakulitan mo''

''Whatever kuya, maliligo lang ako saglit tapos maglaro tayo ng scrubble after.  Wait for me kuya ha! ''  sabay takbo ko paakyat para maligo.  After 15 mins.  Natapos na din ako. Half-bath lang naman ang ginawa ko.  Nagsuot lang ako ng maong short at white shirt na malaki at nakamessy bun lang ang buhok mas bagay sa suot at nasa bahay lang din naman ako.

Naabutan ko naman na nagseselpon sa sofa si kuya. Sana all may selpon huhu. . . Anyways,  nakaset na sa table yung scrubble , ako na lang kulang.

''Game na kuya,  start na'' pang aagaw ko ng atensyon niya sabay upo sa sahig.  May carpet naman kaya okay lang

''Game kung sino ang manalo may premyo ha, syempre kung sino ang talo siya ang magbibigay sa nanalo''

''Hindi ako ready kuya,  wala ako pang premyo''

''Okay lang yan kahit sa susunod mo na ibigay basta 'yon ang deal natin ah''

'' okay deal!  ''  nagtoss-coin lang kami kung sino ang mauuna. At ako ang nanalo so ako ang mauuna. HAHAHAHA!  di ako papatalo kay kuya 'no. Maganda ang naging daloy ng laro hanggang minsan nakikisearch pa ako sa selpon ni kuya para makita kung may ganun bang word.  Ang hirap din magbuo minsan kung limited lang yung letter tapos karamihan consonant pa.  Pero kahit ganun HAHAHAHA syempre ako ang nagwagi. 

''Paano ba yan kuya ako ang nanalo , so ikaw ang magbibigay ng premyo sakin''

''Oo na Ali, 'di naman ako paasa 'no''  may hugot pang kasama ih.  ''Pikit ka muna''

 A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon