Chapter 14

102 44 16
                                    

ALI'S POV

In love na ako

In love na sa iyo

Sana'y malaman mo

Ang damdamin ko

Tinamaan ako

Tinamaan sa iyo

Sana'y sabihin mo

Sayo ay may pag-asa ako
oh wohoh...

Iyon ang bumungad sakin ng makauwi ako sa bahay.

''Papa! ''   excited kong bati ng madatnan ko siyang nasa speaker.

Siya pala ang nagpaptugtog.  Inlove ba siya!

''Oh anak Ali''  tumayo ito para salubungin ako.


Nang makalapit siya nagmano ako bilang paggalang.

''Kelan kapa  umuwi pa? ''   tanong ko ng ibaba ko ang gamit ko sa sofa.

''Kanina lang''  sagot nito ng makaupo sa tabi ko.

''Diba po sa katapusan pa ang uwi niyo? ''  napaaga kasi ng ilang araw ang dating niya. Nakakapagtaka lang.

''Oo nak kaso birthday na ng kuya mo sa sabado.  Kaya nagrequest ako sa boss ko ayun pinayagan naman ako''  pagpapaliwanag naman niya.   ''Kamusta pag aaral Ali, malapit kana magmoving up ha''  dugtong ni papa at akmang yayakapin ako pero umatras ako.

''Pa amoy pawis pa po ako kagagaling ko lang sa school ih''   sambit ko sa  kanya dahil alam kung gusto lang niya manlambing.

Papa's girl ako.  At sobrang close namin ni papa.  Kaya kapag wala siya medyo malungkot pero okay naman kasi naiitindihan ko naman kung bakit siya wala madalas.

''Ali ngayon kapa ba mahihiya ih lagi nga kita niyayakap noong bata ka kahit kagagaling mo lang sa laro''  may bahid ng lungkot niyang pagkasabi.

''Pa noong bata ako yun ih''  pagmamaktol ko sa kanya.

''Dalaga na talaga ang baby ko''  bumuntong hininga siya ng matapos sabihin iyon ''Oh siya umakyat kana sa taas at maligo bumaba ka din dito at sabay sabay tayo magdidinner'' dugtong niya sabay gulo sa buhok ko.

Sa biglaang pagdating ni papa hindi ko na naisip ang kaninang gumugulo sa isipan ko. 

Nagpahinga ako saglit sa kwarto ko at naligo na din. Nagsuot ako ng pajama na black at sando na puti tyaka ko pinusod ang buhok ko.  Ng matapos bumaba na din ako para kumain.

Saktong pagbaba ko naman ang pagdating ni kuya. 

''Oh nandiyan na pala kayong dalawa, halina kayo at ng makakain na tayo'' sambit ni mama ng mailapag ang ulam.

Umupo ako sa tabi ni kuya at sa harapan ko si mama magkatabi naman sila ni papa. Ang daming niluto ni mama ngayon palibhasa andito si papa.

''AMEN''  sabay sabay naming sabi ng matapos magdasal si mama.

Pinagsandok naman ako ni kuya.

Masyado akong ginagawang baby kaya ko naman.

Pero okay na din para kakain na lang gagawin ko. HAHAHA

 A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon