GAVIN'S POV
Pasado alas diyes na ng magising ako. Kaya nagmadali akong naligo dahil pupunta kami kila Jasper ngayon para gumawa.
Sakto namang paglabas ko ng CR tumunog ang Selpon ko.
May tumatawag na unknown number kaya sinagot ko naman.
Me: hello?
Unknown Caller: Hi?
Me: Hi?
Unknown: Higher
Me: Sino ba ito!?
Inis kong sambit dahil nakakabwisit siya sa totoo lang
Unknown Caller: HOY GAVIN SI RIO ITO. BILISAN MO DAHIL KANINA PA KAMI DITO SA LABAS. PAPASUKIN NA TALGA KITA DIYAN NAPAKAKUPAD MO! agad kong nilayo sa tenga ko ang selpon sa lakas ng boses ni Rio.
"Okay 5 minutes" pinatay ko na ang tawag at nagmadaling nagbihis. Nagsuot lang ako ng maong short at shirt na sky blue.
Nag iwan ako ng notes sa ref. Dahil paglabas ko walang tao.
"Sorry napasarap kasi tulog ko" bungad ko sa kanila pagpasok ko ng kotse.
"Okay lang basta masaya ka" sambit Ni Rio.
"Kinakabahan kana ba Gavin?" Biglang tanong ni Cyan.
"Hindi pa naman" tugon ko.
Makalipas ang ilang minuto nakarating kami sa napakagandang bahay. Pero sa likod kami dumeretso may mini house doon na gawa sa kahoy may pool din sa gilid kasya kami dito actually maluwang pa para saming lima.
Pagpasok ko andoon na agad ang mga pinamili namin. May maluwang na space sa salas para pag gagawaan namin.
Ang tatlo nagkanya kanya ng pwesto sa sofa sabay taas ng paa. Mga feel at home!
Dumeretso naman ako sa mga materials na gagamitin para magsimula na.
"Hoy kayong tatlo diyan ano hihiga lang gagawin niyo diyan?" paninita ni Jasper sa tatlo
"Sabi ko Nga gagawa na" sambit ni Zane
Nagkanya kanya sila ng kuha ng gagamitin at pumunta sa pwestong kumportable sila. Planado ang mga gagawin. Ako gliters gliters lang ginagawa ko ang pangit pa.
Si Zane may mga dalang cartolina at isa isang pinpintahan ng pangalan ni ali.
Si Jasper at Cyan naman pinagdugtong dugtong ang mga puting cartolina. Si Rio nagmimix ng mga paint.
"Ano pwede kong maitulong?" tanong ko sa kanila habang pinapanood silang abala sa mga ginagawa.
"Bili kayo ng bulaklak ni Rio" sambit ni Cyan
"Nagmimix ako ng paint mga chong" reklamo ni Rio.
"Mamaya pa gagamitin yan Rio magooutline pa kami ni Cyan" tugon muli ni Jasper. Walang nagawa si Rio kundi sumunod.
"Anong bibilihin? Plastic or fresh?" tanong ko sa kanila.
"Fresh malamang, bili ka ng 20 pirasong rose na red, 20 na kulay puti at 20 na kulay pink, tapos magpagawa kayo ng boquet sabihin niyo dadaanan ko na lang, bumili ka din ng Chocolate Gavin" dirediretsong sambit ni Jasper na patuloy pa din sa ginagawa.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
JugendliteraturI love you because I do really love you but I hate you for destroying my life. IS LOVE will be enough to forget what he destroy?