Chapter 6

182 75 9
                                    

ALI'S POV

''Aling Aimee! ''

''TAO PO! ''

''ALING AIMEE DELIVERY PO! PANDESAL! ''

''Potek na 'yan oh! '' halos kakatulog ko lang. Inis akong bumangon at pumunta sa kwarto ni mama.

''Ma. . .'' pipikit pikit pa akong pumasok sa kwarto ni Mama dahil inaantok pa talaga ako

''Maaa.. . . ''

Ayaw pa magising.

''MAAAA MAY SUNOG GUMISING KANA DIYAN! '' agad naman bumangon. Sunog lang pala katapat ih.

''ASAN 'YONG SUNOG?! ''

''BAKIT MAY SUNOG! ''

''TUMAWAG KANA NG BUMBERO'' aligagang tumayo si Mama. Pinapanood ko lang siya habang nakasandal sa pintuan ng kwarto niya.

''Walang sunog Ma, pumunta ka na sa labas dahil andiyan na yung order mong pandesal'' sabay alis ko at bumalik na ng kwarto

Pasado alas sais na at 7:30 ang pasok ko. Hinanda ko na iyong mga dapat dalhin ngayon. At naligo na ako. Pagkatapos ng konting pag aayos. Bumaba na ako para kumain. Naabutan ko namang nagkakape si Mama.

'!Ma kasali po ako ng Lakambini sa school!' pamamalita ko habang kumukuha ng plato.

''ANO?'' muntik pa niyang maibuga ang iniinom na kape ''Lakambini? Diba 'yong rampa rampa 'yon''

''Oo Ma '' sagot ko habang kumukuha ng pagkain. Hotdog at itlog lang ang ulam. Keri na di naman ako masyado kumakain ng madami kapag umaga ih.

"Talaga nak!  Sa wakas makikita na din kita rumampa.  Manonood ako ha.  Teka anong gagamitin mo?  First time mo sumali kailangan paghandaan natin ito. Ano mga susuotin mo magpapatahi ako. Tapos bibili tayo ng sandal. Tapos 'wag kana magpuyat ha!  Para walang eyebags. Tapos tamang pagkain lang para hindi ka tumaba.  Papagawa ako ng tarpaulin mo niyan ha! '' hinayaan ko na lang magsalita ng magsalita si mama at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Bakit mas excited pa sila kesa sakin? Nothing special.



¤ ¤ ¤ ¤ ¤




''Goodmorning Ma'am'' napatingin kami sa may pinto ng biglang may sumingit na lalaki sa kasagsagan ng discussion ni Sir

''Yes Mr. Valdez what brings you here? '' nakikinig lang kami sa usapan nila.

''I-eexcuse ko lang po sana 'yong mga representative para sa Lakan at Lakambini ''

''Okay Sino ang representative niyo'' tumayo na din ako agad para lumabas ganun din si Lucas.

''Thank You Ma'am'' sabi nung lalaking medyo bakla siguro ito! Whatever! Sinundan na lang namin siya hanggang sa makarating kami sa Gym. May mga student na din doon iba ibang grade level may mga kanya kanyang mundo.

''ATTENTION PLEASE'' sabay palakpak nung lalaking kasama namin para maagaw ang atensyon ng iba.

"Before anything else I would like to introduce myself Im Caspian Valdez just Call me CAS I am the President of the MAPEH Department. So ako ang makakasama niyo hanggang matapos ang pageant. Kaya ko kayo pinatawag ngayon para magmeeting tayo. So I guess andito na lahat ng candidates . Let's start."

Umupo kami ng pabilog sa may stage at nakinig kami sa mga sinabi ni Cas . Nagbigay din siya ng mga tips para mas maging maganda ang performance namin. Kinuha niya 'yong names namin gagawa daw siya ng GC para sa mga announcement. Binigyan niya na rin kami ng number. Para alam na namin kung saan kami pwepwesto. Sixteen candidates sa babae at fifteen lang sa lalaki. At pang sixteen pa ako.

"So that's all see you later. 4pm start ng praktis natin today. Dito na rin ang meeting place. Makakabalik na kayo sa mga klase niyo" nagkanya kanya na kami at bumalik sa mga classroom namin.

Pagbalik namin sa Classroom malapit na matapos ang last subject. Kaya naman naglunch na kaming tatlo.

"Hindi ako makakasabay uuwi mamaya sa inyo may praktis na kasi kami" sambit ko habang naglalakad kami papunta sa may table, katatapos lang namin mag order.

''Edi sasabayan ka namin diba Belle'' sabi Jaz habang inaayos ang mga biniling pagkain.

''Yes namarn. We will wait for you. Remember tuturuan ka pa namin maglakad ng pambabae. Kaya bilisan mong kumain at tuturuan ka nanamin.'' belle the second the motion habang tinatanggal 'yong mga carrots sa ulam niya.

After naming kumain ganun nga ang ginawa nila. Tinuruan nila akong maglakad doon sa hallway malapit sa classroom namin. Nilagyan pa nila ng tatlong libro ang ulo ko para daw mas maganda.

''Ali Chin up, breast out and dont let the books fall'' pagpapaalala ni Belle.

''Ali dont forget to give your precious smile, look to the left and right then face the audience then fierce. Pak Ganern! Okay! '' pagpapaalala din ni Jaz habang hirap na hirap akong ibalance 'yong libre tapos ngingiti pa. Para tuloy akong natatae sa ngiti ko. Sinunod ko na lang lahat ng sinasabi nila. They Know what's best may experience ang mga bruha ih!

''Okay it's enough Ali, ang hirap mong turuan'' sabi ni Jaz habang nagpaypay ng kamay sa mukha niya

''Matuto rin 'yan. Basta Ali dont forget what we teach to you ha, I'll go to the Comfort room muna magreretouch lang ako nahaggard ako sa kakaturo sayo ih'' sabay alis ni Belle. Pumasok na lang din kami ni Jaz sa room dahil malapit na din magtime.




¤ ¤ ¤ ¤ ¤






''Ali dito lang kami ha! Galingan mo'' pagchecheer ni Jaz. Kakadadating lang namin sa Gym

''Just Focus Ali, remember what we taught to your earlier'' sambit ni Belle habang pinagpagaan ang uupuan niya.

''Go ka na doon Ali. Simula pa lang ng praktis magpasikat kana'' dugtong ni Jaz

''Isipin mong babae ka ha! Baka maging lalaki ang rampa mo!"Dugtong nito. At iniwan ko na sila doon dahil nagtawag na si Cas dahil magsisimula na.

''Isa isa munang rarampa and mamaya iaayos ko na kayom kailang ko muna makita ang pagrampa niyo'' panimula ni Cas

''So girls mauna na kayo. Start with candidate number 1'' at nagsimula ng rumampa si Can. #1. hanggang sa nagtuloy tuloy na para ng gusto ko magback-out dahil kahit ang babata pa lang ng iba ang gagaling na rumampa "And for the last candidate, CANDIDATE NUMBER 16'' bahala na basta binilisan ko na lang maglakad para matapos na. Tinignan ko naman sila Jaz at Belle na nakaupo nakangiti lang sila sakin kaya feeling ko okay naman.

''Okay Now Go to your designated place, Girls muna ang mauna. Then pag natapos boys na. And after sabay aakyat and then pupunta sa may partner okay! '' sinunod naman namin ang sinabi ni Cas. And ng matapos na nasa stage na kami lahat. Boys and girls magpartner ang magkaparehas ng number. And Ako lang walang partner dahil fifteen nga lang ang lalaki. Not until. . .

''Sorry Caspian nalate ako may tinapos pa kasi ako'' hingal na hingal na sabi ng lalaki.

''Oh Yeah I forgot'' sabay harap ni Cas samin ''Humabol siya kanina, He is Nicholas Gavin Lopez III from 10-gumamela'' nainis ako ng banggitin niya ang pangalan ng Mokong na 'yon Bakit kailangan niya pa sumali!

''Since nahuli siya. He will be candidate number 16'' pagkasabi ni Cas nun, nagkatinginan kami at nakangisi pa sakin ang loko , inirapan ko na lang.

After niyon nag isang pasada pa kami at umuwi na din. Since its already 5:30 pm na. Nakakapagud na nakakairita. I never expected na sasali 'yon sa pangit niyang 'yon and ang mas nakakainis kapareha ko pa. Tss!




___________________________________________________________________________

S T A Y H Y D R A T E D

Follow me on IG: @Claireswin

Follow me on Twitter: @WINClaires

Follow me on Facebook: @Claires WIN

 A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon