hold my heart. it's beating for you anyway.
— Caraphernalia, Pierce The Viel
Payton
Sabado ngayon kaya't wala kaming pasok. Naisipan kong maglinis muna ng bahay. Kami lang kasing dalawa ng lola ko ang nakatira dito. Ang mama ko naman ay nasa Japan nagtatrabaho kasama ang Kuya ko. Ang Papa ko naman ay wag na nating pag-usapan ang taong wala.
"Payton! Nasaan ka? Tulungan mo ako dito sa mga pinamili ko."
Nang marinig ko ang boses ni Lola Lucia ay dali-dali akong lumabas ng bahay at tinulungan ang lola ko na nahihirapan sa mga dala niya.
"La naman kasi. Diba sabi ko sayo ay ako na ang mamamalengke? Sana ginising niyo po ako. Ayan tuloy nahirapan pa kayo."
"Naku 'tong batang ito. Maliit na bagay lang ito. Sobrang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising."
"Lola! Matanda na po kayo kaya hayaan niyo po na ako ang gumawa ng mga gawaing bahay. Relax lang kayo at manuod nalang kayo ng paborito mong K-Drama."
"Anong K-Drama? Wala naman akong naiintindihan diyan sa mga palabas na 'yan. Mas lalong sumakit ang ulo ko sa mga linguahe nila."
Natawa nalang ako sa sinabi ni Lola. Alam ko naman kasing nagsisinungaling lang ito. Madalas ko kasi siyang marinig sa kwarto niya na tumatawang mag-isa at nang silipin ko ito ay kinikilig lang naman ang lola ko sa pinapanuod niyang K-drama. Minsan nga kapag nagluluto siya ay para siyang teenager na sumamayaw kapag nagpapatugtog ako ng kpop songs. Naku matanda man 'yang lola ko na 'yan pero mas hyper pa 'yan sa akin mag fangirl.
...
Pagkatapos kong maglinis ay nagluto na rin ako ng pananghalian namin at sinumulan nang maglaba ng mga damit. Plano ko sanang umalis mamayang hapon para mag-apply ulit ng part time job. Hindi pa kasi nag text sa akin 'yong huling cafe na inapplyan ko. Sana talaga makahanap na ako ng trabaho. Hindi na kasi nagkakasya ang pinapadala na pera ni mama kasi may maintenance na gamot si Lola kaya para hindi na mahirapan si mama ay naghahanap na ako ng pwedeng pagkakakitaan. Mas mahalaga para sa akin ang kalusugan ng lola ko kaya't kahit ano mang trabaho basta legal ay susubukan ko.
...
Alas 2 na nang matapos akong maglaba kaya't naisipan kong huwag nalang tumuloy sa lakad ko. Hapon na rin kasi at baka hindi rin naman ako makasakay agad kaya sayang lang ang oras. Nanuod muna ako ng kdrama pampalipas ng oras. Hospital Ship ang pinapanuod ko ngayon, isang medical drama. Alam niyo ba na pangarap kong maging doctor? Simula pagka bata ay ito na talaga ang pangarap ko pero hanggang pangarap nalang siguro 'yon. Mag kokolehiyo na ako sa susunod na taon at hindi pa namin napag-usapan ni mama kung mag-aaral pa ba ako. Ayoko muna siyang tanungin kasi marami pang iniisip na mas importanteng bagay 'yon ngayon.
Hindi ko na namalayan ang oras at mag-aalas 4 na pala. Pinatay ko na ang luma kong laptop at tumayo na para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagpaalam ako kay lola na pumunta muna ako ng park na malapit lang sa amin. Gustong-gusto kong pumunta ng park tuwing hapon dahil hindi mainit at sobrang lamig ng hangin. Isa ang park sa mga paborito kong puntahan magmula noong bata pa ako. Marami kaming memories ng Kuya ko dito. Dito kasi kami madalas maglaro noon. Nakakamiss pala talaga ang maging bata.
Naupo ngayon sa isa sa mga bench dito sa park habang pinapanuod ko ang mga batang naglalaro sa di kalayuan. Sobrang saya nila at makikita mo talaga na wala silang dinadala na problema. Napakatotoo ng mga ngiti at tawa nila. Sana paglaki nila ay ganon parin sila kasaya. Sana hindi nila maranasan kung gano kalupit ang mundo. Kinuha ko ang cellphone at headset sa bulsa ko at nilagay ito sa tenga ko. Ito ang isa sa mga paborito kong ginagawa kapag nasa park ako. Ang umupo at nakikinig ng mga paborito kong kanta habang pinapanuod ang naglalarong mga bata.
Ipinikit ko ang mga mata ko habang mahinang sinasabayan ang kanta nang mapansin kong parang may umupo sa tabi ko. Nang tingnan ko ito ay isa itong lalaki na siguro ay kasing dead ko rin lang. Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay lumingon ito sa akin at ngumiti.
"Sorry miss. Na disturbo ba kita?"
Umiling naman ako dahilan para napangiti siya.
"Ito kasi ang favorite spot ko sa park eh. Dito ako madalas umupo kapag pumupunta ako dito."
"Ganun ba? Ito rin ang favorite place ko sa park. Bakit ngayon lang yata kita nakita?"
Ngumiti lamang ito sa tanong ko at tumingin sa mga batang naglalaro.
"Madalang nalang kasi akong pumupunta ngayon dito."
Parehas pala kami. Kahit gaano pala ka importante sayo ang isang lugar ay darating din ang araw na hindi nalang ito ang bagay na iniisip mo.
"Teka miss! Ano nga pala ang pangalan mo?"
Nagdadalawang-isip naman ako kung sasabihin ko sa kanya ang pangalan ko. Baka mamaya kidnapper pala itong kausap ko o kaya con artist. Naku naman.
"Hey! Don't worry. I'm a nice guy." natatawa niyang sabi sa akin.
Hindi ko alam kung nababasa ba niya ang nasa isip ko ngayon pero langya ang gwapo niya pala.
"And well, I'm not a kidnapper or even a con artist if 'yan ang naiisip mo."
"Paano mo nalaman na 'yon nga ang naiisip ko?"
"Nah! It's so obvious. But it's fine tho if you don't want to say your name. I'm Caleb by the way."
Inilahad ang kamay sa harap ko para makipag shake hands. Kahit pangalan ang gwapo din. Caleb. Ang gwapo niya talaga haha.
"Payton! Payton ang pangalan ko."
"Nice to meet you Payton."
"Ako rin Caleb."
Natawa nalang kaming dalawa sa itsura namin ngayon. Ang awkward kasi namin noong una pero ang bait pala niya. Andami niyang kinwento sa akin at masaya naman akong nakikinig sa kanya. Alas 6 na nong naisipan naming umalis sa park. Gusto niya pa sana akong ihatid pero tumanggi na ako. Sobrang kilig na kilig ako nang hingin niya 'yong phone number ko. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at binigay ko na agad.
Noong gabi ding 'yon ay nag text siya sa akin. Sobrang nai-enjoy akong kausap siya. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtatype ng message para kay Caleb ay biglang nag pop up sa screen ko ang pangalan ni Dawson. May text na naman siya sa akin.
Goodnight Payton
Hay naku Dawson Pangilinan. Please lang. Sinubukan ko nang alisin ka sa isip ko pero bakit sa tuwing ginagawa ko ito ay lagi ka namang nagpaparamdam sa akin ng ganito. Napabuntong hininga na lamang ako at nag decide akong replyan siya Goodnight Dawson! Sleep well. Pagkatapos kong maisend yon ay natulog na ako at nakalimutan ko nang replyan ang message ng isang Caleb Rivero.
------
This one's a pretty boring chapter but I hope you still like it. Thank you :)#IfOnly
BINABASA MO ANG
IF ONLY (A #MayDon Fanfiction)
FanfictionHe is the nicest guy I know. He is handsome and smart. He came from a very well-off and respected family. He is rich and everyone likes him. If Only I am pretty enough. Nice enough, smart enough and rich enough. Is there any chance that he will see...