3

205 25 6
                                        

she's got everything that i had to live without.

— Teardrops on my Guitar, Taylor Swift

Payton

Break time namin ngayon kaya nandito ako sa library. Mas gusto kong dito tumambay kapag may free time ako para malayo ako sa maraming tao. Ayoko ng maingay kaya ito ang pinakapaborito kong lugar sa school. Kinuha ko sa bag ang libro na kasalukuyan kong binabasa ngayon na may title na To All The Boys I've Loved Before by Jenny Han. Malapit ko na itong matapos basahin. Gustong-gusto ko ang character dito ni Lara Jean at sobrang kinikilig ako sa kanila ni Peter Kavinsky. Meron ng movie adaptation nito pero ayoko muna itong panuorin. Gusto ko munang tapusin ang libro dahil ayokong ma spoil.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang may narinig akong nag-uusap sa pinakadulong bahagi ng library. Walang pumupunta dito dahil maalikabok at dito halos nakatambak ang mga libro na hindi na nagagamit. Kaya na curious ako kung sino ang mga pasaway na pumupunta dito kaya dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila pero napatigil din ako ng nakita ko kung sino ang mga iyon. Sina Dawson at Kate pala. Nakaupo silang dalawa sa lapag habang nag-uusap. Nakasandal ang ulo ni Kate sa balikat ni Dawson habang magka holding hands ang mga ito. 

Tama pala talaga ang kutob ko noon na may kakaiba sa kanilang dalawa. Napangiti naman ako at dahan-dahan umalis papalayo. Masaya ako para kay Kate dahil alam kong mabait si Dawson kaya napaka swerte nila sa isa't-isa. Kinuha ko ang libro ko na nasa mesa at lumabas ng library. Parang nawalan na ako ng gana na magbasa ngayon.

....

Nasa classroom na ako ngayon dahil may klase ako. Wala kaming seating arrangement kaya dito ako sa pinakadulo umupo malapit sa bintana. Maya-maya ay dumating na rin si Kate na mag-isa. Bakit hindi niya ata kasama si Dawson? Sekreto lang ba ang relasyon nila?

Nang makita ako ni Kate ay agad siyang lumapit sa akin na nakangiti. Napangiti naman ako dahil alam kong masaya ang kaibigan ko ngayon.

"Payton, free ka ba mamaya?"

"Bakit ?"

"Gusto ko sanang magpasama sayo sa mall mamaya. May bibilhin kasi akong regalo para sa kapatid ko. Samahan mo naman ako please please."

"Magpapaalam muna ako kay mama."

"Sige. Babalik muna ako sa upuan ko ha?"

"Okay."

Tinext ko si mama at nagpaalam kung pwede ba akong sumama kay Kate sa mall. Pumayag naman siya basta daw hindi ako magpapagabi ng uwi kaya nang sinabi ko 'yon kay Kate ay napasigaw naman ito sa tuwa.

Dumating na rin ang teacher namin pero pansin kong wala parin si Dawson. Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Bakit ko siya hinahanap? Makalipas ang mga ilang minuto din ay dumating na rin ito. Humingi naman siya ng paumanhin sa teacher namin dahil na late siya at bago paman siya umupo ay nakita kong tumingin muna siya kay Kate at ngumiti. Hindi naman iyon napansin ng mga kaklase ko.

"Hi Payton."

"Hello Dawson."

Nakalimutan ko atang sabihin sa inyo na madalas ay magkatabi kami ni Dawson ng upuan noon pa man pero ngayon lang kami nagpapansinan. Kinakausap naman niya ako noon pero madalas ay tungkol lang sa lesson namin.

"Tuloy tayo sa pa fishball mo mamaya ah."

Oo nga pala. Nakalimutan kong pinangakoan ko pala siya na ililibre ko siya ng fishball. Pero nasabi ko na kay Kate na sasamahan ko siya mamaya. Hindi niya naman siguro ikagagalit ni Dawson kung hindi kami matutuloy.  Siguro nga mas gusto niyang mag lakwatsa mamaya kasama ang barkada niya kesa kumain ng fishball kasama ako.

"Ahmm Dawson pwede bang sa susunod nalang tayo kakain?"

"Bakit naman?"

"May pupuntahan kasi ako mamaya."

"Ganun ba? Okay lang 'yon. Inaya rin naman ako ng mga kaibigan ko na gumala mamaya. Next time nalang din siguro."

"Pasensiya na talaga Dawson."

"It's okay. "

Pagkatapos 'non ay di na niya ako kinausap pa. Hindi ko alam kong galit ba siya sa akin pero bakit naman siya magagalit diba?

......

Pagkatapos ng klase ay agad naman kaming pumunta ni Kate sa mall. Ang dami niyang pinamili at ginawa pa ata akong tagabitbit nito. Iba talaga kapag anak mayaman, nabibili nila lahat ng gusto nila. At sa awa ng Diyos ay naisipan na rin ni nito na magpahinga. Nandito kami ngayon sa isang cafe sa loob ng mall. Nilibre niya ako kaya hindi na ako tumanggi kasi libre na kaya 'to.

"Payton, punta muna akong restroom. "

"Ok. Hintayin nalang kita dito."

Bigla namang tumunog ang phone ko at nakita kong nag text sa akin si Dawson. Ano bang kailangan ng lalaking 'to?

Nang basahin ko ay "Hey" lang naman ang sinabi niya. Gago din itong lalaking ito. Alam niya na may girlfriend na siya kaya hindi siya dapat nagtetext ng kahit sinong babae. Kahit pa wala namang malisya 'yon sa kanya at sa akin na din pero hindi parin 'yon tama. Dinelete ko nalang ang message niya at nagpatuloy sa pagkain.

Bumalik naman na si Kate at busy ito ngayon sa phone niya. Nang tingnan ko ang oras ay 6:30 na pala. Baka hinahanap na ako ngayon nila Mama. Papayag naman siguro ito kung mauna akong umuwi sa kanya.

"Kate."

"Hmmm?"

Hindi parin ito tumingin sa akin dahil busy parin ito sa phone niya. Katext niya siguro si Dawson ngayon. Ayoko sa lahat ay kapag dinedeadma ako kapag kinakausap ko ang isang tao.

"Pwede bang mauna na akong umuwi? Baka kasi hinahanap na ako sa bahay. Hindi kasi ako pwede magpagabi ng uwi baka pagalitan ako."

Napatingin si Kate sa akin at ngumiti sa sinabi ko.

"Ganun ba? Ihahatid ka nalang namin pauwi."

Nagtataka naman ako sa sinabi niya. Anong namin eh kami lang dalawa dito.

"Namin?"

"Yes, namin. Ihahatid kana namin ni Dawson pauwi."

Napansin ko naman na nakatingin si Kate sa likod ko at paglingon ko ay nakita ko si Dawson naglalakad papalapit sa amin.

"Hi Kate."

Lumapit si Dawson dito at hinalikan ito sa pisngi. Ngumiti naman ang kaibigan ko at hinawakan ang kamay ni Dawson. Tumingin rin si Dawson sa akin at ngumiti.

"Hi Payton."

"Hi."

Iyon nalang ang nasabi ko dahil bigla akong nanghina. Hindi ko alam kong bakit pero pakiramdam ko ay magkakasakit na naman ako.

"Hey Payton. I'm pretty sure na nagtataka kana kung bakit magka holding hands kami ngayon ni Dawson. I know na hindi tayo nagsasabihan ng mga secrets sa isat-isa pero gusto ko na ikaw ang unang makakaalam tungkol sa aming dalawa. Dawson is courting me."

Napangiti naman ako. Kung alam lang niya na alam ko na. Natatawa kong sabi sa sarili ko.

"Masaya ako para sa inyo kaya Dawson wag' na wag mong sasaktan ang kaibigan ko ha."

Ngumiti lang naman si Dawson at di na nagsalita pa.

....

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin at buong biyahe ay hindi man lang nag-uusap sina Kate at Dawson. Naiilang siguro sila dahil andon ako. Lumbas na ako ng sasakyan at nagpasalamat sa kanilang dalawa. Pumasok na rin ako agad sa loob ng bahay pagkaalis nila.

At sa pangalawang beses ay nag text ulit sa akin si Dawson ng "Good night" at gaya nga ng palagi kong ginagawa ko ay hindi ko ito ni replyan at ipinikit ang mga mata hanggang sa nakatulog na ako ng tuluyan.

-------

Chapter 3. Sana po ay nagustuhan niyoHuwag niyo pong kalimutang mag vote at comment.  Salamat :)

#IfOnly

IF ONLY (A #MayDon Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon