What if we ruin it all, and we love like fools?
And all we have we lose?
I don't want you to go but I want you so
So tell me what
Tell me what we chooseFools, Lauren Aquilina
Payton
Nasa field ako ngayon ng school nakaupo sa isa sa mga bench dito habang nagbabasa ng libro. Hinihintay ko kasi ngayon si Kate kasi gusto niya daw ako makausap. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang pag-usapan naming dalawa pero hindi maganda ang kutob ko.
Isang oras na rin akong naghihintay sa kanya dito ngunit hanggang ngayon ay wala pa siya. Tatawagan ko na sana siya nang makita ko ito na naglalakad na papalapit sa akin. Kinawayan ko siya para makita niya ako agad."Payton, sorry at nalate ako. Nakalimutan kong may usapan pala tayo ngayon."
Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. Nakalimutan? Siya ang may kailangan sa akin tas sasabihin niyang nakalimutan?
"Okay lang. Ano ba ang gusto mong sabihin sa akin?"
"Hindi ko alam pero may gumugulo sa isipan ko lately."
"Bakit? May problema ba?"
"Si Dawson. Ayaw na ituloy ni Dawson ang panliligaw niya sa akin. Hindi ko alam pero ramdam kong may nagugustuhan na siyang iba."
Nakitingin lamang siya sa akin nang sabihin niya ang mga 'yon. Napapansin kong kakaiba ang awra ngayon ni Kate. Parang galit siya. Hindi ko alam kung sa akin ba siya galit o sa idea na tinapos na ni Dawson ang namamagitan sa kanilang dalawa.
"Papano nangyari 'yon? Papanong tinigil ni Dawson ang panliligaw sayo eh nakikita kong gustong-gusto ka 'non."
"Alam ko. Dahil wala ng ibang makikitang babae na nababagay kay Dawson kundi ako lang. May tiwala ako sa nararamdaman niya para sa akin pero wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sa aming dalawa."
"Anong ibig mong sabihin?"
Tumawa nalang siya sa tanong ko at napabuntong-hininga.
"Nararamdaman kong may iba pang nagkakagusto kay Dawson bukod sa akin. At alam ko na kasalanan niya 'tong nangyayari sa amin ngayon. Alam ko na sa kabaitang pinapakita niya ay may kalandian palang nakabalot sa pagkatao niya."
"Teka Kate. Sino ba ang tinutukoy mo?"
Napahawak ako sa mukha ko nang bigla niya akong sampalin. Teka ano bang problema ng babaeng ito?
"Ikaw. Ikaw ang tinutukoy ko Payton. Gusto mo rin si Dawso diba? Aminin mo bwiset kang malanding babae ka. Kaibigan pa naman kita. Bakit mo ako tinatraydor ha? Anong klaseng kaibigan ka Payton."
"Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo Kate. Hindi ko gusto si Dawson at mas lalong wala akong kinalaman sa nangyayari sa inyong dalawa. Hindi ko magagawang saktan ka. Kaibigan kita Kate. Sana sana pinagkatiwalaan mo ako bilang kaibigan mo bago mo ako pinagbibintangan ng ganito. "
"You fucking stop. Hindi ako naniniwala sayo. Kung sabagay, ang mga squatters at pangit na katulad mo ay mga desperado. Gagawin niyo ang lahat para makuha ang gusto niyo."
Hindi ko mapigilang maiyak sa mga sinasabi ngayon ni Kate. Bakit biglang nagbago siya? Ito ba ang totoong ugali niya? Hindi ako makapaniwala na kaya niyang bumitaw ng mga masasakit na salita. Mabait at hindi matapobre ang Kate na kilala ko.
"Kate anong nangyari sayo? Hindi ka naman ganito ah. Kate naman oh pakinggan mo naman ako. Pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan na meron tayo. Hindi ako gagawa gagawa ng bagay na ikakasira nito. "
"Kaibigan? Fuck you bitch. Wala akong kaibigan na traydor. Ito lang ang tatandaan mo Payton. Lahat ng akin ay akin lang. Hindi ko hinahayaan na makuha ng iba kung ano ang sa akin. Sa akin lang si Dawson kaya sa oras na malaman kong totoo lahat ng hinala ko ay humanda ka. Hindi mo gugustuhing makabangga ako."
Akmang sasampalin niya ulit ako nang biglang may humarang ngayon sa harap ko at hinawakan ang braso ni Kate para pigilan itong sampalin ako.
"Hey miss! Don't you dare lay your freaking hands on her pretty face or else you'll be dead meat."
Napatingin ako sa lalaking nakatayo ngayon sa harap ko at napangiti habang tumutulo parin an mga luha sa mata ko. Andito si Caleb. Niligtas niya ako. Andito siya.
"Who the fucking hell are you?"
Tumawa ngayon ng sobrang lakas si Caleb na parang baliw at tinuro-turo ang sarili niya.
"Damn! You don't know me? Really?"
"Paulit-ulit?"
Kita ko na ngayon ang sobrang pag-aalburuto ng mukha ni Kate dahil sa pinagsasabi ni Caleb.
"Well, I'm Caleb. Caleb Rivero. I'm Payton's friend and her saviour. I'm her superman, batman, ironman and lastikman. In short, I'm her man."
Tumingin sa akin si Caleb at kinindatan ako. Hindi ko alam pero kinikilig ako sa ginawa niya at sobrang lakas na rin ng tibok ng puso ko ngayon. I'm her man daw. My God Caleb wag ganyan baka mahulog ako sayo niyan.
"Her man? Patawa ka ba? That ugly bitch? Oh boy you're so funny."
"Oh girl I'm not joking and you're not funny as well. So will you fucking get out of our sight before I get mad and sue you're big face."
Galit na galit na si Kate ngayon at parang gusto na niya kaming patayin dalawa ni Caleb.
"Fuck you. Fuck you both of you. And you Payton you bitch. Maswerte ka ngayon dahil may baliw na lalaki na nagligtas sayo pero sa susunod ay hindi nalang sampal ang aabutin mo sa akin. So better watch your back."
Padabog na umalis si Kate at kinuha ang maliit na bato malapit sa kanya at hinagis niya 'yon sa amin. Agad naman kaming tumakbo ni Caleb at nagtago sa likod ng kahoy habang tumawa ng malakas.
"That girl is freaking childish and crazy."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Bumalik na ako sa bench na iniupuan ko kanina at napabuntong-hininga.
"Payton? Okay kalang?"
"Nakakalungkot lang kasi na sa isang iglap lang ay nagkasira kami ni Kate."
"Hey don't worry. I'm here. I got you. Kapag sasaktan ka niya ulit ay ako ang makakabangga niya. Remember? I'm your man."
Kumindat na naman ito sa akin at inakbayan ako.
"My man your face. Bakit maniwala 'yon sa mga kalokohan mo."
"So? Cheer up. I'm staying here with you ."
"Salamat Caleb."
Hindi ko maintindihan pero sobrang payapa ng pakiramdam ko ngayon na kasama ko si Caleb. Masaya ako. Masaya ako na nandito siya at masayang-masaya ako sa pagkakaibigan na nabuo naming dalawa.
--------
Heres Chapter 9 for you :)
Please don't forget to vote and leave some comments. Thank you <3#IfOnly
BINABASA MO ANG
IF ONLY (A #MayDon Fanfiction)
FanficHe is the nicest guy I know. He is handsome and smart. He came from a very well-off and respected family. He is rich and everyone likes him. If Only I am pretty enough. Nice enough, smart enough and rich enough. Is there any chance that he will see...