they say don't fall too hard or you'll just lose it all.
— Permission, New Hope Club
Payton
"Payton gising na. Tara na sa canteen nagugutom na ako."
Nagising naman ako agad nang tawagin ako ni Kate. Wala ang prof namin ngayon kaya pinili kong matulog dito sa loob ng classroom. Masama kasi ang pakiramdam ko. Sobrang sakit ng ulo ko at para akong nasusuka.
"Tara."
"Ok kalang ba Payton? Parang namumutla ka." nag-alalang tanong nito sa akin.
"Masama lang pakiramdam ko. Pupunta nalang ako ng clinic mamaya pagkatapos nating kumain para humingi ng gamot."
Nang makarating kami sa canteen ay si Kate na ang nag order ng pagkain namin. Naupo nalang ako sa bakanteng upuan at tinitingnan ang mga tao sa loob ng canteen. Kaunti nalang ang mga tao ngayon dahil kanina pa nagsimula ang lunch break. Hindi rin kasi ako ginising agad ni Kate nang mag bell dahil tiyak na maraming tao ang magsisiksikan dito.
"Payton, ito na ang pagkain mo. Kain na tayo."
"Salamat Kate. "
Napangiti naman ang kaibigan ko. Siya si Kate Delavin. Isa sa mga close ko na kaibigan. Kami 'yong tipo ng kaibigan na close pero walang alam sa personal life ng isa't-isa. Mas mabuti na rin iyong ganun dahil ayoko rin namang pinapakialaman nila ang buhay ko. Matalino ito at maganda. Mabait rin kaya komportable akong kasama siya.
Tahimik kaming kumakain ngayon ni Kate nang bigla itong magsalita.
"Payton, sorry kung hindi kita masasamahan papuntang clinic. May pupuntahan kasi ako pagkatapos dito eh."
"Ok lang 'yon. Kaya ko naman maglakad mag-isa. Huwag mo na ako alalahanin."
Napangiti naman siya sa sagot ko at nagpatuloy na kami sa pagkain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang marinig namin ang malakas na tawanan sa loob ng canteen at nang tingnan ko kung saan iyon nanggaling ay nakita ko ang mga classmates ko sa pangunguna ni Dawson. Si Dawson Pangilinan, classmate namin siya ni Kate at sikat din siya sa dito sa school. Hindi siya iyong tipo ng mga lalaki na nababasa mo sa mga stories na hambog at gwapong-gwapo sa sarili. Mabait siya sa lahat, mayaman at matalino. Hindi mo rin maitatangging gwapo ito kaya marami talaga ang nagkakagusto dito.
"Ang gwapo talaga ni Dawson nuh?" napalingon naman ako kay Kate na nakatingin rin ngayon kay Dawson.
"Oo." sagot ko.
Gwapo naman talaga siya kaya bakit ko naman sasabihing hindi. Napansin ko rin ang kakaibang ngiti ni Kate. May gusto ba siya kay Dawson? Bagay naman sila kapag nagkataon.
"Payton, tingnan mo. Papalapit dito si Dawson." parang kinikilig na sabi sa akin ni Kate.
Tama nga siya. Papalapit nga dito si Dawson sa pwesto namin. Pansin kong hindi na niya kasama ang mga kaibigan niya.
"Hi Kate."
Tumingin naman si Dawson sa akin at ngumiti ito. Hindi naman kami close para batiin niya ako. Umupo na rin siya sa tabi ni Kate ngayon na parehong nakangiti. Close pala sila? Ano namang pakialam ko diba? Kaya tinuloy ko nalang ang pagkain ko at di na sila pinansin dalawa.
"Anong ginagawa mo dito Dawson?"
"Wala lang. Gusto ko lang batiin ka."
"Ang sweet mo naman."
Napangiti nalang si Dawson sa sinabi ni Kate at napaikot nalang ako sa mata dahil para silang mag jowa ngayon na pa simpleng naglalandian. Hays. Binilisan ko nalang ang pagkain para makaalis na dito.
"Kate, mauna na ako sayo. Pupunta na akong clinic."
Napahawak ako bigla sa lamesa nang maramdaman ko naman ang pagkahilo.
"Okay kalang ba Payton?"
Napatingin naman ako kay Dawson ngayon nang kausapin niya ako. Alam niya pala ang pangalan ko.
"Okay lang ako."
Inayos ko naman ang tayo ko at tumingin ulit kay Kate na bakas parin ang pag-alala sa mukha niya.
"Gusto mong ihatid kana namin ni Dawson sa clinic? Okay lang ba iyon sayo Dawson?"
"Oo naman."
"No.. Huwag na! Diba sabi mo may pupuntahan kapa ngayon? Ok lang talaga ako."
"Hays! Sige. Mag-iingat ka ha. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka."
"Sige. Salamat."
Tumayo naman si Kate sa inuupuan niya at lumapit sa akin para yakapin ako. Napangiti naman ako sa ginagawa niya at nang tingnan ko si Dawson ay napansin kong nakatingin na pala siya sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya at tuluyan na ring naglakad paalis.
---------
Sana po ay suportahan niyo rin po ang If Only. Maraming Salamat :)
#IfOnly
![](https://img.wattpad.com/cover/222904184-288-k449790.jpg)
BINABASA MO ANG
IF ONLY (A #MayDon Fanfiction)
FanfictionHe is the nicest guy I know. He is handsome and smart. He came from a very well-off and respected family. He is rich and everyone likes him. If Only I am pretty enough. Nice enough, smart enough and rich enough. Is there any chance that he will see...