If only I could read the signs in front of me
I could find the way to who I'm meant to be....If Only, Dove Cameron
Dawson
Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yon kay Payton ay dali-dali akong lumabas ng room at pumunta ng CR. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang iyon. Nababaliw naba ako? Ano nalang ang mararamdaman ni Kate kapag nalaman niya ang mga pinaggagawa ko. Damn! I don't know why I'm acting like this. Gusto ko ba si Payton? Its impossible. I like Kate. I'm even courting her. But this feelings I have towards Payton is something I can't explain. She makes my heart beats so freaking fast and I even got jealous when I saw her yesterday with a guy. And you know what makes me even more jealous? Iyon ay 'nong makilala ko kung sino ang lalaking 'yon. Si Caleb Rivero, ang pinsan ko. Yes! I saw them yesterday. I was about to go to Payton's house pero nakita ko syang pumunta ng park. Sinundan ko siya but the heck! Nakita ko lang naman silang magkasama ng pinsan ko. We used to be so close but something happened to us that makes me hate him that much.
"Bro! Tara na sa canteen. Nagugutom na ako." tawag sa akin ni Drei na kabarkada ko.
"I'm sorry bro. Yayayain ko kasi si Kate ngayon na kumain sa labas."
"Naks ah! Laki ata ng tama mo kay Kate bro. Sige ingat kayo."
Natawa nalang ako sa sinabi ni Drei at lumabas na ng restroom. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko ngayon. I'm courting someone pero ibang tao naman ang lagi kong naiisip. Ayokong maging unfair kay Kate kaya gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi siya nagsisisi na pumayag siyang ligawan ko siya.
Pagpasok ko ng classroom ay nakita ko silang dalawa ni Payton na nag-uusap. Hindi ko alam kung anong pwede kong maramdam ngayon nang makita ko ang dalawang babaeng nagpapagulo ng puso't isip ko.
"Oy Dawson andiyan kalang pala. Kanina pa kita hinahanap." salubong sa akin ni Kate.
"Nag-cr lang ako saglit. Hindi ka ba busy ngayon?"
"Hindi naman. Bakit?"
"Yayayain sana kitang mag lunch sa labas."
"Talaga? Isama na natin si Payton please."
"Ha? Ah-ehh."
Ayoko. Ayokong kasama namin si Payton kasi mas lalo akong nagui-guilty. Sasagot na sana ako na kaming dalawa lang muna nang inunahan ako ni Payton.
"Huwag na Kate. Nag text rin kasi sa akin si Matt na ililibre niya ako ngayon ng lunch. Alam mo na makulit din 'yong lalaking 'yon."
Biglang uminit ang ulo ko nang marinig ko ang pangalan na 'yon. Iyon ang lalaki na kasama ni Payton nong inihatid ko siya sa kanila. Ano bang meron sa kanila? Are they dating? Bakit sobrang close ata nila.
"Ganun ba? Asus! Pa simple din 'yang si Matt. Hindi ko nga alam sa lalaking 'yon at di ka pa nililigawan. Matagal ka ng gusto ng mokong na 'yon. Bagay na bagay pa naman kayo."
Nang tingnan ko ang mukha ni Payton ay nakangiti lamang ito. Gusto niya rin ba ang Matt na 'yon ha? Fuck! Eh mukhang tomboy 'yon ah kahit lalaki. Tas panot pa. Shit! Parang bigla ko tuloy gustong suntukin ang lalaking 'yon. First, it's Caleb and now there's boy panot Matt in the scene.
"Kate! Tara na. Hayaan mo na si Payton sa Matt niya. Date natin 'to ngayon so I want it to be just us."
Tiningnan ko ang reaksyon ni Payton. Nakapoker face lamang ito. Hindi ko alam kung nagseselos ba siya or wala lang talaga siyang pakialam. Damn! This is making me crazy. Gustong-gusto kong makitang nagseselos siya.
"I'm sorry to interrupt you girls pero Kate kailangan na natin umalis."
"Sus! Kunwari kapa gusto mo lang naman akong makasama."
"Damn! Paano mo nalaman?"
Ngumiti nalang si Kate sa sinabi ko kaya inakbayan ko ito. Napansin kong tumingin sa aming dalawa si Payton at parang may sinabi pero hindi ko narinig.
"Bye na Payton. Date muna kami ni Dawson ah! Kayo rin ni Matt enjoy rin kayo sa date niyo."
"Ha? A--- Oo! Masaya din naman talaga kasama ang mokong na 'yon. Sige alis na ako."
Tumalikod na si Payton at naglakad na paalis. Gusto ko siyang pigilan at sabihing huwag siyang sumama kay Matt. Gusto kong sabihin na hindi sila bagay ng lalaking 'yon pero ano bang karapatan ko? At mas lalong bakit ko naman gagawin iyon?
Hinila na rin ako ni Kate papunta sa kotse ko at sa huling pagkakataon ay nilingon ko si Payton at laking gulat ko nang nakatingin rin ito sa akin.
Sheteee Payton. How can I stop this strange feelings I have towards you?
------
Dahil birthday ko ngayon, here's Chapter 7 for you :) Haha!
#IfOnly
BINABASA MO ANG
IF ONLY (A #MayDon Fanfiction)
FanfictionHe is the nicest guy I know. He is handsome and smart. He came from a very well-off and respected family. He is rich and everyone likes him. If Only I am pretty enough. Nice enough, smart enough and rich enough. Is there any chance that he will see...