" Cover my eyes
Cover my ears
Tell me these words are a lie
It can't be true
That I'm losing you
The sun cannot fall from the sky "Tears of an Angel, Amy Guess
Kate
Nandito kami ngayon sa isang restaurant na pagmamay-ari ng Tita ni Dawson. Sobrang bait at ganda ng Tita niya kaya masaya ako na makilala siya. Ang saya niya rin kausap.
"You know what hija? Wala pang naging girlfriend 'yang si Dawson kaya I'm happy na he is finally courting someone na."
"Talaga po? Sa gwapong 'yan ni Dawson ay wala pa po siyang naging girlfriend?"
"Yes! Totoo 'yon. Minsan nga binibiro namin 'yan na baka hindi girlfriend ang gusto niya kundi boyfriend pero tinatawanan lamang niya kami."
"Masaya nga po ako Tita na sa lahat ng pwedeng ligawan ni Dawson ay ako ang nagustuhan niya."
"Kaya sagutin mo na 'yang pamangkin ko na 'yan at baka maagaw pa ng iba." natatawang biro sa akin ni Tita Angelique.
Tiningnan ko ngayon si Dawson na nasa counter nag-oorder ng food namin. Sobrang gwapo talaga nito. Hindi niya alam na matagal ko na rin siyang gusto pero nahihiya akong aminin sa kanya 'yon. Kaya sobrang saya ko na nililigawan niya ako ngayon. I'm confident na ako ang babaeng magugustuhan ni Donny dahil ramdam ko na ako ang ideal girl niya. I'm beautiful. I'm smart and I'm rich. Wala na siyang ibang makikitang babae na kagaya ko.
"O siya hija, iiwan muna kita at nang magkaroon kayo ng privacy ng pamangkin ko."
"Thank you po Tita."
Umalis na si Tita Angelique kaya natuwa naman ako. Honestly, masaya naman talaga siya kausap pero masyado siyang madaldal. Hindi tuloy kami magkakamoment ng matagal ni Dawson kasi kailangan pa naming bumalik ng school mamaya.
"Hey Kate. Bakit ka nakasimangot?"
"Me? Wala lang 'to. Naisip ko kasi na konti lang ang time na meron tayo ngayon. Gusto pa sana kitang makasama."
Napangiti naman si Dawson sa sinabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"It's okay. Kapag sinagot mo na ako. Araw-araw tayong magkasama at araw-raw din tayong mag-didate. "
Kinikilig naman ako ng sobra sa sinabi niya. Bakit ba kasi sobrang ganda ko? Hulog na hulog tuloy sa akin si Dawson ngayon.
"At the right time Dawson. At the right time."
Kung alam lang niya na gustong-gusto ko na siyang sagutin pero kailangan ko munang magpa hard to get. Ang magaganda na kagaya ko ay dapat pinaghihirapan na sungkitin ang aming matamis na oo.
Kumain na kami habang magkahawak ang kamay. Ang sweet namin ngayon. Mainggit kayong mga may gusto kay Dawson na ubod ng pangit.
"Kate, May itatanong sana ako sayo."
"Ano 'yon?"
Parang nagdadalawang-isip siya sa itatanong sa akin.
"Tell me Dawson."
"Matagal niyo na bang kilala ni Payton ang Matt na 'yon?"
Nagulat naman ako sa tanong niya? Bakit bigla atang pumasok sa usapan namin sina Payton at Matt?
"Yes. Matt is a family friend. Pinakilala ko siya kay Payton noong freshmen years natin."
"Talaga? Bakit ngayon ko lang nakita 'yong lokong 'yon?"
"Loko? May galit ka ba kay Matt? Siguro nagseselos ka kasi close kami nuh?" biro ko sa kanya.
Hindi naman siya umimik sa sinabi ko. Seloso pala itong si Dawson ko. Wala naman siyang dapat na pagselosan kasi sa kanya lang naman ako.
"Uy Dawson nagseselos kaba? Huwag kana magselos. Hindi ko naman gusto 'yon."
Tumingin naman siya sa akin at tiyaka ngumiti.
"Alam ko pero please huwag kayong lumapit ni Payton sa lalaking 'yon. Wala akong tiwala sa Matt na 'yon."
Tumaas bigla ang kilay ko nang banggitin niya ulit ang pangalan ni Payton. Lately, lagi nalang niyang sinasali si Payton sa usapan naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero naiimbyerna ako sa tuwing ginagawa niya 'yon.
"Teka lang Dawson ha? Pansin ko lang lately na lagi mo nalang binabanggit ang pangalan ni Payton. May hindi ba ako nalalaman sa inyong dalawa?"
Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"No! I'm just protecting the two of you. She is your friend so it's my responsibility to look after her too."
"No. You shouldn't do it Dawson.. Matanda na si Payton and she's not your responsibility. I'm starting to get jealous of her sa mga actions mo."
Kaibigan ko si Payton pero handa akong kalimutan ang pagkakaibigan namin sa oras na humadlang siya sa aming dalawa ni Dawson. Napapansin ko rin ang mga palitan ng tingin nilang dalawa pero binabalewala ko lang 'yon kasi ano naman ang panama sa akin ni Payton diba? Walang ibang pwedeng magustuhan si Dawson kundi ako lang.
"I'm sorry. I'm sorry kung 'yon ang nararamdaman mo Kate. Hindi ko 'yon sinasadya pero may gusto sana akong sabihin sayo ngayon."
"Ano 'yon Dawson? "
Kinabahan bigla ako sa sinabi niya.
Ano ba ang gusto niyang sabihin sa akin?"I think. I think we should stop this."
"Stop what?"
"Stop this set up. Me courting you and you getting jealous of the idea that I might hurt you."
"What? You can't do that Dawson. You can't just stop liking and courting me. I already invested my feelings for you at ito lang ang gagawin mo? How dare you."
Hindi. Hindi niya pwedeng gawin sa akin ito. Siya ang unang lumapit sa akin at umamin ng nararamdaman niya kaya wala siyang karapatan na i reject ako ng ganito. Akin lang siya. Sa akin lang siya. Ayoko ng may kahati. Pinalaki ako ng parents ko na nakukuha ang lahat ng gusto ko. Si Payton ba ang dahilan? May gusto ba siya sa Payton na 'yon. That bitch. She's my friend. My freaking friend kaya hindi niya ako pwedeng traydurin.
"Bakit Dawson? May iba kana bang nagugustuhan ha? Tell me. Si Payton ba 'yon ha?"
Hindi ko na mapigilang sumigaw kaya nakatingin sa amin ngayon ang mga tao sa loob ng restaurant pati narin si Tita Angelique.
"Hindi. Please Kate. I know it's my fault. I'm sorry. Yes. I like you pero hindi ko pa kayang ipagpatuloy ito. I know you will hate me for this pero ayoko ng saktan ka kung patatagalan ko pa ito."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Shit! Bakit ang sakit? Bakit ang sakit sakit? Gustong-gusto ko si Dawson. Akin lang siya. Sa akin lang siya.
Umiiyak na ako ngayon sa sobrang galit at sakit. Gustong-gusto ko nang magwala.
"Ito lang ang tatandaan mo Dawson. Sa oras na malaman ko na kaya mo ako sinaktan ng ganito ay dahil may gusto ka na palang iba ay humanda ka. Hindi ko hahayaang maging masaya kayong dalawa. Akin ka lang. Una kang naging akin. Ang akin ay akin Dawson. Akin. "
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay dali-dali akong lumabas ng restaurant. Humanda kayo. Pagsisisihan niyo at ako pa ang binangga niyo. Pinunasan ko ang luha ko at naglakad palayo. I'm Kate Delavin. I'm an angel but I can be worst than a devil.
--------
Don't forget to vote and leave some comments. Thank you po.
#IfOnly
BINABASA MO ANG
IF ONLY (A #MayDon Fanfiction)
FanfictionHe is the nicest guy I know. He is handsome and smart. He came from a very well-off and respected family. He is rich and everyone likes him. If Only I am pretty enough. Nice enough, smart enough and rich enough. Is there any chance that he will see...