It feels like my heart got too cold..
But sooner or later our hearts will rise just to fall....Broken, Marina Lin
Payton
Sobrang bilis ang pagdaan ng mga araw. Miyerkules na ngayon at nandito ako ngayon sa classroom namin. Maaga kasi akong pumunta ng school dahil mukhang uulan ngayon. Wala pa naman akong payong dahil gagamitin 'yon mamaya ni Lola. Wala pang masyadong tao sa school kaya nakaupo lang ako ngayon habang nakatingin sa bintana hanggang sa unti-unti ng bumagsak ang napakalakas na ulan. Nagsidatingan na rin ang mga kaklase ko. Wala pa sina Kate at Dawson. Siguro ay naabutan rin sila ng ulan pero may mga sasakyan naman ang mga 'yon.
"Good morning class."
Nabigla naman ako nang magsalita sa harap ang teacher namin. Di ko napansin na nandito na pala si Ms. A, ang P.E teacher namin.
"Okay class. Since malakas ang ulan ngayon. Postponed muna ang gagawin nating outdoor physical activity. So for today ay may pairings tayo. Makinig kayong mabuti para marinig niyo kung sino ang magiging kapares niyo. Magsasalita pa sana ulit is Miss A nang biglang pumasok ng room sina Dawson at Kate. Bitbit ni Dawson ang bag ni Kate habang magka holding hands ang mga ito. Nilibot ni Dawson ang tingin niya at nang makita niya ako ay bigla niyang binitawan ang kamay ni Kate.
"Good morning Miss A. I'm so sorry were late."
"It's okay Miss Delavin. Go to your seat na and for you Mr. Pangilinan, no PDA inside the classroom."
Napahiyaw naman ng malakas ang mga classmate namin at napakamot nalang si Dawson sa buhok niya. Samantalang si Kate ay di naman na maalis-alis ang mga ngiti sa labi niya.
"Stop it boys. Makinig na kayo. After kong tawagin ang pangalan niyo ay puntahan niyo na ang magiging partners niyo. Kate & Tom, Dori & Mifa, Sola & Tido."
Napasimangot nalang si Kate nang marinig niya na hindi si Dawson ang partner niya. Tsskk. Kanina ko pa hinihintay na tawagin ang pangalan ko. Halos magkapartners na ang lahat ng mga kaklase namin at apat nalang kami ang wala pa.
"And lastly, Chinchan & Soo and Dawson & Payton"
Natawa nalang ako sa huling sinabi ni Miss A. Talagang pinag partner niya pa talaga sina Chinchan at Soo. Mukha tuloy silang Chinchansoo haha. Napatigil naman ako sa pagtawa ko nang tawagin ako ni Dawson.
"Hey Payton. Were partners."
Nang sinabi niya 'yon ay doon lang nag sink in sa akin ang lahat. Kami ang mag partners? Shit. Bigla tuloy akong kinabahan. Ayoko siyang makapartner shetee. Kinabahan talaga ako kapag kausap ko siya buti nalang talaga hindi halata. Naman oh. Lupit mo talaga Lord.
"Ha? Ah oo. Partners nga tayo."
Ngumiti lamang siya sa sinabi ko at hinila ang upuan niya papalapit sa akin. Hoy bakit ang lapit niya.
"So class listen. Our activity today is all about trust dahil magagamit natin ito for our activity next week. Trust on your partner. So... I want you to face your partner. Hold each other's hands and look each other's eyes for 5 minutes. Naintindihan niyo ba? Ito ay para mawala ang awkwardness niyo sa isa't-isa.
Bigla akong nanghina sa sinabi ni Miss A. Bakit kailangan pang mag holding hands at magtitigan? Jusko. Ayoko na. Hindi ko 'to kaya. Hindi ko magawang tingnan si Dawson at mas lalong ayokong hawakan ang kamay niya. Nag reklamo naman ang iba kong classmates kaya natawa nalang si Miss A.
"Tumigil kayo. Bakit masyado kayong ma reklamo? Crush niyo siguro 'yang mga ka partners niyo kaya nahihiya kayong makipagtitigan sa kanila."
Tiningnan ko si Dawson nang sinabi 'yon si Miss A. Pero nagulat ako nang makita kong nakatingin na pala siya sa akin habang nakangiti kaya napayuko nalang ako dahil nag-iinit ang mukha ko ngayon at ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.
"Your 5 minutes starts now."
"Payton!"
Kasabay ng pagbanggit ni Dawson sa pangalan ko ay ang paghawak niya sa mga kamay ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon pero ang saya sa pakiramdam na magkahawak ang kamay naming dalawa. Natatakot ako sa pakiramdam na ito. Gusto ko ba si Dawson? Hindi pwede. Hindi ako pwedeng magkagusto sa isang tao na may gusto ng iba lalo na at kaibigan ko pa.
"Payton! Please look at me."
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ko na ngayon si Dawson na nakangiti. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Shit! Bakit sobrang gwapo niya? Napatitig naman ako sa mga mata niya. Ang ganda pala ng mga mata niya. Napangiti naman ako nang makita kong nakatitig na rin siya sa akin.
"You know what Payton? I like your eyes."
"Ha?"
"I said I like your eyes. Alam mo ba na ang mga mata mo ang pinaka gusto ko sa lahat? It's so beautiful and captivating."
"Well, thank you Mr. Pangilinan. I'm flattered."
Ngumiti naman na ulit siya. Shit! Bakit ba lagi nalang siyang ngumingiti? Alam niya ba na sobrang nakakabighani ang mga ngiti niya? Na sobrang kakaiba ang epekto ng mga ngiti niya? Na parang gusto ko nang mahulog sa kanya?
"Payton! I think.. I think I'm starting to l-----"
"Okay class! Time is over. So I hope na wala na ang awkwardness niyo sa isa't-isa . That's it for today. Goodbye."
Nagsigawan ang mga iba kong kaklase dahil tapos na ang kalokohan ni Miss A. Natawa nalang ako sa mga reaksyon nila. Hindi ko tuloy narinig ang huling sinabi sa akin ni Dawson.
"Ano nga ulit 'yong sinabi mo Dawson?"
"Ha? Wala. I said I like that were friends now. I wish, I wish I can hold your hands a little longer."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pero bakit may kasamang lungkot ang mga ngiti nito? At bakit nasasaktan ako ngayon para sa aming dalawa?
"Ako rin Dawson. Masaya rin ako na kaibigan kita."
Kaibigan. Kaibigan lang ang pwede tayo Dawson kaya sana mawala na itong kakaibang nararamdaman ko para sayo. Masaya na ako na nakakausap at nakikita ka. Masaya na ako na naging kaibigan ka. Dahil ayokong umasa at masaktan. Dahil sa simula palang ay 'yon na ang pinaka ayaw kong maranasan.
------
Thank you for reading If Only. A vote and comment from really means a lot. :)
#IfOnly
BINABASA MO ANG
IF ONLY (A #MayDon Fanfiction)
FanfictionHe is the nicest guy I know. He is handsome and smart. He came from a very well-off and respected family. He is rich and everyone likes him. If Only I am pretty enough. Nice enough, smart enough and rich enough. Is there any chance that he will see...