2

234 26 7
                                    

a thousand words are left unsaid,
'cause no one listens to the dead.

— Monster, Dodie

Payton

Andito parin ako sa clinic. Sinabi sa akin ng nurse na kailangan ko munang magpahinga kaya nag suggest siya na mag stay muna ako dito. Nakahiga ako ngayon sa isa sa mga maliliit na kama dito. Hindi naman na gaano kasama ang pakiramdam ko ngayon pagkatapos kong uminom ng gamot. Nag chat na rin ako kay Kate na okay lang ako kaya hindi na niya ako kailangan pang puntahan. Alas 2 na pala ng hapon at hindi na rin lang ako pumasok sa klase ko ngayon kaya naisipan kong matulog nalang muna.

..

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong parang may taong nakahiga sa kabilang kama. Nang tingnan ko ay nakita ko si Dawson na mahimbing na natutulog dito. Bakit siya nandito? Masama rin ba ang pakiramdam niya? Nang tingnan ko ang orasan ay alas 4 na pala kaya tumayo na ako at inayos ang ginamit na higaan. Kailangan ko nang umuwi kaya dahan dahan akong naglakad para hindi ito magising. Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla nalang bumangon si Dawson sa hinigaan niya at seryosong nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya ngumiti nalang ulit ako sa kanya at aalis na nang magsalita ito.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Napalingon naman ako sa kanya. Bakit niya ako tinatanong? Close ba kami?

"Oo. Maayos na ang pakiramdam ko. Bakit ka nga pala nandito? Masama rin ba ang pakiramdam mo?"

Napakamot naman siya ngayon sa ulo niya at nakangiting tumingin sa akin.

"Hindi. Inutusan lang ako ni Kate na puntahan ka dito para daw tingnan kung okay kalang talaga."

Napangiti naman ako sa ginagawa ni Kate pero sana hindi nalang niya inabala pa si Dawson.

"Hindi kana sana nag-abala pa. Nag chat naman na ako sa kanya kanina. Okay naman na ako pero maraming salamat parin Dawson."

"Walang anuman iyon. Uuwi kana ba? Gusto mo ihatid na kita?"

"Huwag na. Kaya ko naman nang umuwi mag-isa."

"Please? Just let me take you home."

Para siyang bata ngayon habang sinasabi niya iyon sa sa akin. Ayoko sana siyang abalahin pa pero parang matigas ata ang ulo ng isang ito.

"Sige na nga lang. Ayoko na rin mag-alala sa akin si Kate."

Napangiti naman siya sa sinabi ko at agad kinuha nito ang dala kong bag.

"Ako na ang magdadala dito."

Kukunin ko na ulit sana iyong bag ko nang buksan na niya ang pinto at nauna ng maglakad sa akin.

Bakit ba ang bait ng lalaking iyon? Hays. Ayoko sa masyadong mabait. Pakiramdam ko tuloy ay ang sama-sama kong tao.

Nandito na ako labas ng gate ng school at hinihintay si Dawson. Dito ko nalang daw siya hintayin dahil mas malayo ang parking lot kung doon pa ako sasama sa kanya. Andami ng nagdaanan na tricycle ngayon kaya kanina pa sana ako nakauwi kung hindi ako nakatayo dito at hinihintay na dumating ang lalaking iyon.

Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko si Manong na nagtitinda ng fishball. Lumapit ako dito para bumili dahil nagugutom na ako kakahintay sa kanya.

Habang sarap na sarap ako sa pagkain ay narinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Nang tingnan ko kung baka si Dawson na 'yon ay hindi pala. Si Matt pala ang tumawag sa akin. Isa sa mga kaibigan ko pero magkaiba kami ng section. Naglakad ito papalapit sa akin ngayon. Nasaan na ba si Dawson. Pagod na akong makipag-usap sa maraming tao. Gusto ko ng umuwi at magpahinga.

"Uy Payton pauwi kana?"

"Oo pauwi na ako."

"May hinihintay kaba?"

"Oo. Hinihintay ko lang iyong kaklase ko. Sasabay ako sa kanya ngayon pauwi."

"Ganun ba. Samahan nalang kitang hintayin siya. Si Kate ba ang maghahatid sayo?"

Bago paman ako makasagot ay narinig ko ang malakas na pagbusina ng sasakyan sa harap ko. Andito na pala si Dawson. Ang sama ng tingin nito sa aming dalawa ni Matt. Ano bang problema nito?

"Si Dawson pala ang maghahatid sayo? "

Bakit nag-iba yata ang tono ng boses nito? Kailangan ko bang magpaliwanag sa kanya? Baka kung anong isipin nito na isa ako sa mga babaeng nagkakagusto kay Dawson.

"Oo. Inutusan kasi siya ni Kate na ihatid ako. Hindi naman ako makatanggi kaya pumayag na rin ako."

"Talaga?"

"Oo"

Napangiti naman ulit si Matt sa sinabi ko. May mood swing ba itong lalaking ito? Bigla-bigla nalang nag-iiba ang mood.

Muntik naman na akong mapatalon sa gulat nang bumusina ulit si Dawson. Mas malakas na ngayon. Para bang galit na ito kaya dali-dali kong binuksan ang sasakyan niya at pumasok dito. Pinaandar naman niya agad ito at hindi man lang niya ako hinintay na makapagpaalam man lang kay Matt.

"Boyfriend mo ba iyong kausap mo kanina?"

Nagulat naman ako nang kausapin niya ako ngayon at mas lalo akong nagulat sa tanong niya. Akala niya boyfriend ko si Matt? Natawa nalang ako bigla at narinig naman niya ito at napailing nalang.

"Hindi. Kaibigan ko lang 'yon."

Hindi naman na siya nagsalita pa at tahimik na itong nag drive. Sinabi ko naman sa kanya ang daan papunta sa amin at mga ilang minuto rin ay nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Lumabas na rin ako ng sasakyan at ganun din si Dawson.

"Dito ka pala nakatira?"

"Oo. Pasensiya na dito sa lugar namin. Pangit talaga ang kalsada dito. Naabala pa talaga kita."

"Okay lang iyon. Malapit lang din naman ang bahay namin dito kaya makakauwi rin naman ako agad."

"Ganun ba? Gusto mo munang pumasok?"

"No. I'm good. Kailangan ko na ring umalis."

"Maraming salamat ulit Dawson. Sa susunod ililibre kita ng fishball."

Natawa naman siya bigla sa sinabi ko.

"Ibig bang sabin niyan ay friends na tayo?"

Ngumiti naman ako at tumango.

"Okay. Fishball ha. Bukas. "

"Oo na. Mag-iingat ka pauwi."

"Aye aye captain"

Natawa nalang ako sa ginawa niya at hinintay ko itong umalis bago ako pumasok sa loob ng bahay.

Nang gabi ding iyon ay nag text sa akin si Dawson. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang number ko. Ayoko namang tanungin si Kate. Hindi naman siguro masama na makipagkaibigan sa kanya diba? Nang basahin ko ang text niya na nangangamusta ay di ko na ito nireplyan at natulog nalang.

------

Here's chapter 2 for you. Huwag niya pong kalimutang mag vote at comment.  Maraming Slamat :)

#IfOnly

IF ONLY (A #MayDon Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon