Kabanata 1

66.5K 1.3K 239
                                    

Dahan-dahan ang paglalakad ni Anya patungo sa kanilang pinto. Tumingkayad pa siya para hindi maging maingay ang kaniyang mga hakbang. Kinukubli niya rin ang sarili sa mga muwebles na madaraanan para hindi agad siya makita.  

“Saan ka pupunta?”

Nagulat siya kasabay ng isang buntonghininga. Nilingon niya rin ang kaniyang ama at nakitang titig na titig ito sa kaniya. Ngumuso kaagad siya para sana magpaawa rito ngunit ito na yata ang tatay na mahirap paamuhin. 

“Lalabas po, Pappi,” sabi niya sabay ngiti nang alanganin.  

“Ang bahay na ito, may batas. Kapag bawal lumabas, bawal lumabas!” litanya nito. 

Naiinis, napasimangot siya. Sawang-sawa na kasi siya sa dialogue na iyon ni Kim Chiu. Nag-viral kasi ito kamakailan sa social media at halos lahat ng tao sa Pilipinas ay memoryado iyon.  

“Akala ko ba sa classroom lang may batas?” pabalang na sagot niya.

Pinagtaasan siya ng kilay ng ama at pinameywangan, halatang inis na ito ngunit alam niyang nagpipigil lamang itong kurutin siya sa singit. 

Bakla ang tatay niya. Hindi normal para sa iba. Wala naman siyang pakialam doon dahil pinalaki siya nitong mag-isa na hindi alintana ang hirap ng buhay. Iniwan na kasi sila ng nanay niya nang matapos siyang iluwal.

Twenty-three na siya at nakapagtapos na rin sa pag-aaral sa kursong Education. Pasado na rin siya sa LET. Ngunit sabi ng kaniyang Pappi, huwag na raw siyang maghanap ng trabaho, kaya naman daw siya nitong buhayin. Nakakainis nga para sa kaniya. Ginawa pa kasi siyang batugan nito. Ngayon sana ang alis niya para maghanap ng trabaho ngunit ayaw naman siyang palabasin nito. 

“Pappi, ngayon lang,” pakiusap niya.

Dyeske ka talagang bata ka!” Napakamot ito sa ulo. “Hala! Pumasok ka sa kuwarto at mag-comply ka sa batas ko para payagan kitang lumabas!” sabi nito sabay palo sa kaniyang puwetan. 

Napasimangot si Anya dahil doon. Nakakainis kasi ito minsan dahil masyado itong istrikto. Para siyang bata na bantay sarado. Madalas siya nitong pagbawalang umalis nang mag-isa. Ngayon, ayaw naman nito sa suot niya kaya hindi siya pinapayagan lumabas. Mukha raw kasi siyang ipinanganak pa noong nineties. Mahabang palda at blouse na may mahabang manggas kasi ang suot niya.

Naiintindihan naman niya ito. Stylist ang trabaho ng Pappi niya, minsan kinukuha rin ito ng mga celebrity. Hindi niya ito masisi kung ganoon na lang ang pandidiri nito sa mga gusto niyang damit ngayon. Hindi pa rin talaga ito nasanay.  However, she could not do anything about it though, because it was her new fashion. She loved the way she wore them. She looked classy and timid. 

“Oh, ano? Mag-c-comply ka o hindi?” tanong ulit nito.

She sighed. Tinungo niya ang kaniyang silid na mabigat ang kalooban. Pagkakataon niya na sanang magkaroon ng trabaho. Hiring ang Monterio Empire kaya roon ang tungo niya. Sayang naman kung hindi siya makapupunta!  

Mag-comply ka sa batas! ulit ng kaniyang isip sa sinabi ng ama.

Mag-comply means baguhin ang pananamit niya. Mukhang hindi na nga yata siya makalalabas dahil sa nangyari. Kinuha na lamang niya ang cell phone sa tuktok ng tokador at tinawagan ang kaibigang si Carla. Nakailang ring pa ang aparato bago sinagot ang tawag niya sa kabilang linya.

“Hey, Carla.” Napakunot ang noo niya nang hindi ito nagsalita. Panay kaluskos lang ang naririnig niya mula sa kabilang linya.

“Ohhh! I’m cumming!”

“Fuck! Faster. . . Andrius. . . Ahh!”

Napakurap siya. Gulat sa kaniyang narinig. Mabilis pa sa alas-kuwatro na pinatay niya ang tawag. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang humiga siya sa kama. Sobrang lakas din ng tibok ng puso niya sa nangyari. Mukhang may ginagawang milagro ang kaniyang kaibigan ngunit naisipan pa talaga nitong sagutin ang tawag niya.  

BS#1: THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon