Tamad na bumangon si Anya nang araw na ’yon. Nakasimangot na nagtungo siya sa banyo. Gusto pa sana niyang magpahinga dahil hindi pa rin nakababawi ang katawan niya sa pagod nang nagdaang araw. Isa pa, windang pa rin ang isip niya sa mga nangyayari sa pagitan nila ni Andrius. Ngunit, dahil kailangan niya ng pera, wala siyang choice kundi pumasok at magtrabaho.
Matapos mag-ayos ng sarili, dumeretso siya sa kusina ng kanilang bahay. Naabutan niya roon si Pappi, pakanta-kanta ito habang nagluluto. Hawak nito sa kaliwang kamay ang pan handle at sa kanan naman ay ang spatula. Umiindayog ang balakang nito; halatang masaya. Kung ano ang dahilan, wala siyang ideya.
“Pappi, mukhang good na good ang morning natin, ah,” komento niya.
Nilingon siya nito nang may ngiti sa labi. Nagwika, “Oo naman. Masaya talaga ako, anak.” Lumapit ito sa kaniya dala ang nilulutong fried rice. Umuusok pa iyon sa init.
Namilog ang mga mata niya.
Favorite niya ang inihahain nito!
“Wow! Mukhang mapaparami ako ng kain ngayon, ah! The best ka talaga, Pappi!” Tumayo siya para kumuha ng kubyertos. Excited na naupo siyang muli.
“Huy! Bakit dalawang plato lang iyan? Dagdagan mo ng isa!” galit na utos nito.
Kumunot ang noo niya.
May bisita ba sila na hindi niya alam?
Imposible. Wala naman silang kamag-anak. Itinakwil na ang tatay niya ng pamilya nito nang magladlad bilang binabae. Matagal na rin na hindi nagpaparamdam ang kaniyang ina. Wala ring kaibigan ang kaniyang ama sa trabaho nito. Hindi rin nagsabi si Carla na dadalawin siya. Para kanino kaya ang isang plato?
“Ahemm!” Isang tikhim mula sa likuran niya ang nagpabalik sa kaniyang diwa. “Good morning,” anito.
Hindi na niya kailangan na lumingon para malaman kung sino iyon. Sa boses at pabango pa lamang, alam na niya. Kilala na rin ng katawan niya ang presensiya nito. Her body responded abruptly when Andrius’ powerful physique stood beside her. Her core suddenly started pulsating, as if excited by something pleasurable. It became wet. The memories they shared the other night came flashing like crazy, including the feeling it brought to her. Kaliligo pa lamang niya, pero ramdam na niya ang lagkit sa pagitan ng kaniyang mga hita.
Shit! Bakit ba kasi ito naririto?
“Good morning, Anya,” ani Andrius.
Lumingon siya rito, nag-iwas ng tingin. “Ano’ng ginagawa ninyo sa bahay ko? Wala po rito ang opisina ninyo.”
Kinurot siya ni Pappi sa tagiliran, bumulong ito, “Wow, attitude? Mahiya ka naman kay Mr. Monterio. Kanina pa ’yan naghihintay sa ’yo.” Pagkatapos ay binalingan nito si Andrius. “Oh, maupo ka na, Mr. Monterio. Huwag kang mahiya. Huwag mo nang isipin itong anak ko.” At ngumiti rito.
Anya pouted. Marupok ang tatay niya, iyon ang sigurado. Malamang may ibinigay o sinabi rito si Andrius na hindi niya alam. Hindi naman kasi ito sweet kung makitungo sa mga lalaki, lalo na sa mga nanliligaw sa kaniya noon.
Nanliligaw. . .
Biglang nag-loading ang isip niya nang mapagtanto ang salita. She felt goosebumps.
Is she considering Andrius’ actions as his way of courting her?
Nababaliw na siya!
Saka, paano niya naisip na liligawan siya nito?
Hindi siya ang tipo nitong babae. Hindi ang tulad niya na parang manang kung manamit ang mga naging babae na nito. Isa pa, he was a playboy. Sure, pinaglalaruan lamang siya nito.
BINABASA MO ANG
BS#1: THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR
Romance#Mature #Tinaguan ng anak #Office Affair You can't judge her. You just can't. Anya de Vega is a nerdy secretary. She plays with fire. With her dirty little secret.