Kabanata 2

47.4K 1.1K 114
                                    

Anya was the name of Andrius’ new secretary. Hindi niya maintindihan si Mrs. Alonzo kung bakit isang nerdy ang napili nitong maging sekretarya niya. Natatakot ba itong mawalan ulit siya ng sekretarya? Kung bakit naman kasi lahat ng mga nagiging sekretarya niya ay babae, hindi niya alam. Malapit tuloy siya sa tukso.

No to business and pleasure.

Iyon ang bilin nito sa kaniya.

Napaisip siya nang malalim. He was very sure that he wouldn’t be able to be attached to his new secretary. He shouldn’t be worried at all. But her presence was disturbing him. Isang bagay na hindi niya kayang ipaliwanag. May kakaiba kasi rito. Hindi nga lamang niya matukoy kung ano.

Kinuha na lamang niya ang cell phone sa ibabaw ng kaniyang mesa at tinawagan ang pinakaimportanteng tao sa kaniyang buhay. 

“Hello?” Napangiti kaagad siya pagkarinig pa lang sa boses nito.

“Hey, baby! How are you?”

“Kuya, I miss you!” masayang bati nito sa kabilang linya. 

Umayos siya ng upo sa swivel chair na gamit. Nag-iisa na lamang siya dahil tapos na ang office hours. Umuwi na rin ang bago niyang sekretarya kanina pa.

“I miss you, too, baby. How are the kids?” tanong niya. It was Sofia, his little sister. Nasa Hacienda Vergara ito kasama ang buong pamilya. He used to visit his sister’s place, but because of his hectic schedule, he just ended up calling them every day. Nasasanay na nga yata siya sa ganoong set up. Wala naman kasing ibang mag-m-manage ng business nila. Patay na ang daddy niya. He was the only heir. Wala rin namang interes si Sofia sa larangan ng pagnenegosyo. Mas gusto nitong mamuhay ng tahimik sa probinsya.

“We’re fine, Kuya. How about you? The kids miss you so much! Kailan ka raw bibisita uli?” malumanay na wika nito.

Napangiti siya sa paglalambing nito sa kaniya. However, he felt a bit of sadness. Hindi naman kasi puwedeng iwan na lang basta ang pamamahala sa hotel nila. He had a lot of work to do, especially now that their competitors wanted him down.

He sighed. He missed them too. 

“Soon, baby. I’m going to visit you soon.” Kung kailan, hindi niya alam.

“You should be. Ang tagal na kaya nang huli kang pumunta rito sa hacienda. At sana. . .” Hindi na ito nagsalita.

“What?” he asked in curiosity.

“Sana. . . makahanap ka na ng babae na para sa ’yo, Kuya.”

He chuckled before confessing, “That’s another story, baby. Wala pang babaeng nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Walang kakaiba. They are all the same. They love my money.” It was his truth: he enjoyed the fun, yet he was also in search of a woman with whom he could spend the rest of his life. Marami sa mga nagiging babae niya, siya at ang pera niya lang ang gusto.

Kailan kaya siya makahahanap ng babaeng para sa kaniya?

“Kuya, hindi ka talaga makakakita ng babae na para sa ’yo if you’re not serious. You only want to have fun with your women, so paano ka nila seseryosohin?” Nakikinita na niyang umiikot ang mga mata ng kapatid dahil sa kaniya.

“Hey, baby, don’t you think you’re being too harsh?” He chuckled. “I’m young and active, baby. It’s part of my routine.” Ngumuso siya.

“Yeah. Yeah. Whatever,” sagot naman nito.

Ilang sandali pa silang nag-usap bago ito nagpaalam. May aasikasuhin pa raw kasi ito sa kusina. Mas lalo tuloy niyang na-miss ang lutong-bahay ng kapatid.

BS#1: THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon