“Bakit kailangan mo pa akong isama, Mr. Montreal? May mga trabaho pa ako sa office, ah. Sure ka ba na nagpaalam ka kay Mr. Monterio?” naiinis na wika ni Anya nang tumigil ang sasakyan ni Kraius sa harap ng isang mamahaling restaurant.
“Of course. Don’t you trust me, Anya?” sagot naman nito.
Napanguso siya. Gusto niyang sabihin sa abogado na hindi siya naniniwala rito. Hindi naman kasi kapani-paniwala ang sinabi nitong magpapasama sa isang restaurant dahil bibili ng pagkain. Gutom daw kasi ito. Hindi nga lamang niya iyon matanggihan, dahil ang sabi nito ay nagpaalam naman daw kay Andrius. Kaya kahit nagdadalawang-isip, wala na siyang nagawa.
“Puwede ba na dito na lang ako maghintay sa inyo? Bibili lang naman kayo ng pagkain, ’di ba?”
Umiling kaagad si Kraius. “Nope. Sasama ka sa akin sa loob.”
“Pero—”
“Come on, Anya. Hindi mo ba ako pagbibigyan?” nakanguso na sabi ng abogado. Nagpapa-cute.
“Fine! Pero kapag ako napagalitan ni Mr. Monterio, kayo ang ituturo ko. Bahala kayong mag-away,” aniya at umibis na ng sasakyan.
“Don’t worry. All is well.” Nakangising sumunod si Kraius sa kaniya.
Bad mood pa rin siya. Nakanguso habang nakayuko siyang naglakad patungo sa restaurant.
“What are you doing here?”
Bigla ang pagtaas ng tingin niya nang marinig ang baritonong tinig ni Andrius. Kaagad din na sumikdo ang puso niya. Nang magtama ang mga mata nila ng lalaki, alam na niyang galit ito. Kinabahan siya. Napatingin sa nakasunod na si Kraius. Maging ang ngiti sa mukha ng abogado ay nawala rin. Alam na niya kung bakit. Nagsinungaling ito. Tama ang hinala niya!
“Anya, I’m asking you. What are you doing here?” tanong muli ni Andrius.
Napabuntonghininga siya at napakagat sa labi. Walang saysay kung magsisinungaling siya kay Andrius. Wala rin saysay kung titikisin niya ang sarili para hindi ito kausapin. Dahil ang totoo, nang umalis ito sa opisina kanina, maging ang hindi pagsabay nito ng tanghalian sa kaniya, nakaramdam siya ng panghihinayang. At ngayon, sa hindi inaasahang pagkakataon, ito na naman siya. She was tongue tied. Pinipilit niyang umiwas, pero tadhana na mismo ang naglalapit sa kanila.
“I’m sorry. . .” Kung para saan ang mga salitang iyon, hindi niya alam. Ang mga mata niya’y nakatuon pa rin kay Andrius. Naghahanap ng isang bagay na maging siya ay hindi alam kung ano.
Tumango ito sa kaniya. Lumamlam ang bughaw nitong mga mata. “It’s fine. I’m sorry, too. Anyway, what are you doing here with. . .” Tiningnan nito si Kraius.
“Ah. . . Bibili ng pagkain—”
Kraius cut her off, “Nope. We’re eating here, Andrius. Want to join us?” anito.
Napabaling ang tingin niya rito. Kunot ang noo. “Ano’ng sinasabi mo? Akala ko ba, bibili ka ng pagkain—”
“Yeah, kasama ka. Bibili at kakain tayo,” agaw ni Kraius sa iba pang sasabihin niya.
Kinakabahan na tumingin siya kay Andrius. Nakatiim ang bagang nito. He was looking at Kraius with his deadly stare. Kung nakamamatay lamang ang tingin, kanina pa bumulagta ang abogado sa concrete na kinatatayuan nito. Tumingin din siya sa paligid. Nasa bungad sila ng restaurant. Nakakaagaw ng atensiyon sa ibang pumapasok at lumalabas. Some were looking at them; obviously gossiping. Naalarma siya roon.
BINABASA MO ANG
BS#1: THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR
Romance#Mature #Tinaguan ng anak #Office Affair You can't judge her. You just can't. Anya de Vega is a nerdy secretary. She plays with fire. With her dirty little secret.