Kabanata 6

35.5K 934 77
                                    

“Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ni Anya.

Nilingon siya ni Andrius. Pagkatapos ay bumalik na naman ito sa pagmamaneho. Kanina pa siya naiinis dito dahil sa ginawa nitong pagkaladkad sa kaniya galing sa mall. Hindi man lamang niya alam kung saan siya dadalhin nito.

Hinampas niya ito sa balikat dahilan ng pagkakatigil nito sa pagmamaneho. Pinandilatan niya rin ito ng mga mata at tinitigang mabuti.

“Kung kidnapping ito, bababa ako! Walang pera si Pappi para sa ransom!”

“What?!” Napakunot ang noo ni Andrius nang balingan siyang muli, halatang naguguluhan.

“K-in-i-kidnap mo ako, hindi ba? Kanina pa kita kinakausap! Para na akong sirang-plaka rito!” aniya. 

Natawa si Andrius sa kaniyang sinabi.

Nagulat siya. Hindi niya inaasahan iyon!

Kaiba ang naging epekto ng tawa nito sa kaniya. She never thought that he could laugh as if there were no tomorrow, unlike how he acted whenever they were at work. He always appeared dark and unapproachable. Seeing him laugh like this was inexplicable to her.

“You’re crazy, Anya,” Andrius said, shaking his head.

“Siraulo ka rin! Kinakausap, hindi sumasagot. Ano’ng gusto mong isipin ko, Sir?” wika niya nang makahuma mula sa pagkatulala rito. Inayos niya ang sarili sa pagkakaupo. Tumikhim.

Napailing si Andrius. “Well, I just want to ask for a favor, Anya. I don’t know anyone who would fit the job, but your imagination is just too much.”

“Ano namang trabaho iyon? Double pay dapat. May pinag-iipunan ako,” she answered without restraint. Somehow, she was interested in the job.

Andrius smiled before clearing his throat. “I will tell you later. Please, will you shut up. Your curses are turning me on,” he said with a blatant honesty.

Nagulat siya. “Ay, putang*na! Ang libog mo, Sir!”

“Talaga?” In one swift move, Andrius leaned closer to her. Before she could utter a word again, he claimed her lips with his. Nanlaki ang mga mata niya sa nangyari habang mabilis naman nitong pinakawalan ang mga labi niya. “One word from you, one kiss from me. I mean it, Anya,” usal nito habang titig na titig sa kaniyang mga mata.

“Ah. . . eh. . .”

Bakit parang natakot siya bigla na magmura?

Bakit nawala ang tapang niya?

NANG nasa biyahe, pareho na silang tahimik ni Andrius. Ang stereo lamang na may alternative rock music ang nagsisilbing ingay sa loob ng sasakyan. Wala rin siyang maisip na sabihin, baka magkamali siya at makapagmura. Masyadong okupado ang isip niya sa mga bagay na nangyari mula nang magtrabaho sa Monterio Empire, lalo na sa mga kilos ng kaniyang boss. Isa pa, iniisip niya kung bakit siya nito hinalikan. Wala naman silang relasyon!

Ilang oras na byahe, narating na nila ang bahay na tinutukoy nito. Hindi lang ito basta bahay kundi isang mansion. Nang makapasok ang sasakyan sa loob ng property, mas namangha siya sa lawak ng espasyo niyon. May malaking hardin doon na may fountain sa gitna at iba’t ibang uri ng mga bulaklak na siyang mas lalong nagpaganda sa buong tanawin. 

“Ang ganda!” naibulalas niya habang animo’y nahihipnotismo. May ngiti sa kaniyang mga labi.

“Good thing you liked my house,” ani Andrius, nasa kaniya ang tingin.

“House? Eh, mansion na po ito,” komento niya bago nagpasaring, “Iba talaga ang mayayaman, kung maka-house, wagas!”

Andrius chuckled. Naiiling.

BS#1: THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon