Madaling araw pa lang ay nakatayo na si Anya sa labas ng gate ng kanilang bahay. Hawak niya sa kaliwang kamay ang coffee heater mug na halos kalahati na lamang ang laman, habang sukbit naman sa kaniyang likod ang travelling bag na dadalhin niya sa byahe. Kung saan siya pupunta, hindi niya alam.
Gising na gising na ang diwa niya dahil kay Andrius. Binulabog lang naman nito ang tulog niya dahil may pupuntahan daw silang important visit sa isang proposed project location ng bago nitong ipatatayong hotel sa labas ng Metro Manila.
Ayaw sana niyang sumama rito, pero dahil nagsabi ito ng salary increase at bonus, hindi na siya nakatanggi; kahit pa, kanina pa siya naiinis dito dahil pinapapak na siya ng lamok at tinatablan na rin ng ginaw dahil sa malamig na hangin. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi makapal na jacket ang sinuot.
“Asan na ba ’yon?” bulong niya. Tiningnan niya rin ang suot na relo. “Damn! Ten minutes na siyang late.” Luminga ulit siya sa paligid. Walang senyales na naroroon na ang sasakyan ni Andrius. Gusto na niyang bumalik na lang sa loob ng bahay ngunit pinigilan niya ang sarili.
Nang makita sa wakas ang headlight ng kotse nito, saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag. Gayunpaman, habang pasakay sa sasakyan, hindi niya itinago ang inis na nadarama. Padabog niyang isinarado ang pinto niyon. Hindi naman siya nabigo dahil naagaw niya ang atensiyon ni Andrius. Nakakunot ang noo nito nang balingan siya.
“What happened? You look mad,” anito.
“Akala ko, tutubuan na ako ng ugat sa kahihintay sa ’yo, Sir. You’re late, you know.” Ngumuso siya.
“Sorry. It’s still hard to travel early this time. Alam mo na, pandemic change everything.”
Hindi siya nagsalita.
“Am I forgiven? My reason is valid.”
Sinulyapan niya si Andrius. Muntik na siyang magbawi ng tingin nang makita itong may nagmamakaawang tingin habang nakanguso. Ibang-iba ang awra nito sa suot na puting V-neck shirt at cargo shorts. Maaliwalas: iba kapag nasa opisina ito at pormal na pormal ang anyo. Bumagay rin sa porma nito ang suot na dog tag necklace. Magulo ang hindi kahabaan nitong buhok, dumagdag sa mapaglaro nitong awra.
Ang guwapong aso, hiyaw ng maharot niyang utak.
“Miss De Vega?” Nagising siya sa tawag na iyon ni Andrius.
“Ah. . . Ano nga iyon, Sir?” Napakagat siya sa labi at nagbawi ng tingin. Napahiya siya sa harapan nito mismo. Huling-huli siyang nakatitig dito.
Andrius chuckled.
Confimed!
“Did I pass the test?” nanunudyong anito.
Nag-init ang kaniyang mukha. Para itago ang pagkapahiya, uminom na lamang siya ng kape. Ang kaso, hindi niya napaghandaan ang init niyon. Napaso’t naubo siya. Muntik pang tumilapon ang coffee mug, mabuti’t nasalo iyon ni Andrius. May pag-aalala ang tingin na dinaluhan siya nito.
“Hey, careful,” anito bago siya inabutan ng tissue. “Take this.”
Hindi niya malaman ang unang gagawin. Ang abutin ba ang tissue na ibinibigay nito o ang iwaksi ang kamay nitong humahaplos sa likod niya. Damn! Bakit naman kasi ang hirap mag-isip kapag tungkol kay Andrius? Nagugulo ang buong sistema niya, pati ang logic.
Tumikhim ito.
Napakurap siya
“I’m sorry. Did I startle you?”
“H-hindi. Wala. N-nasamid lang talaga ako, Sir. O-Oo, nasamid lang.”
“Okay.”
Nakahinga siya nang maluwag nang hindi na ito nagtanong pa. Pinaandar na rin nito ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
BS#1: THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR
Romance#Mature #Tinaguan ng anak #Office Affair You can't judge her. You just can't. Anya de Vega is a nerdy secretary. She plays with fire. With her dirty little secret.