Excited si Anya na umuwi. Hindi dahil gusto niyang magpahinga kundi dahil mag-d-dinner sila ni Andrius. First time iyon mula nang opisyal silang maging magkarelasyon, ilang buwan na rin ang nakararaan.
“Are you ready?” ani Andrius nang makalabas sa opisina habang inaayos ang suite na suot.
“Yes, boss!” pilyang turan niya at lumapit dito. Siya na ang nagpatuloy sa pag-aayos ng necktie nito. “Saan tayo pupunta?” tanong niya, nakatingala rito.
Ngumiti si Andrius. “Anywhere you like. You’re the boss now.” Kinintalan siya nito ng halik sa labi. Nabitin pa siya dahil sobrang bilis lamang niyon.
“Sure ka ba? Baka magsisi ka kapag ako ang magdesisyon kung saan tayo kakain?” tukso niya rito. Nagsimula na rin silang maglakad.
“Try me, Ms. De Vega,” anito.
Lumawak ang pagkakangiti niya. Isang ngiti ng tagumpay.
Dinala niya si Andrius sa night market ng Baclaran. Gusto kasi niyang kumain ng street food kasama ito. Isa pa, mayaman ito, alam niyang hindi pa nakatitikim ng pagkain sa lansangan ang lalaki. Hindi naman ito nagreklamo. Bagkus, mas inaalala nito ang protocol sa quarantine. May curfew pa rin kasi.
“Gusto ko nito!” Excited niyang itinuro ang isang stall na nagtitinda ng kwek-kwek, itlog iyon na nilagyan ng harina at food color na orange.
“What is that?” Gusto niyang matawa sa itsura ni Andrius pero pinigilan niya. “Is that food?” Malakas ang boses nito kaya pinagtitinginan ito ng iba pang mamimili. May iba na kinikilig pa nga.
Hinawakan niya ito sa kamay. “Oo. Try mo. Masarap kaya,” wika niya. Isa kasi ang kwek-kwek sa paborito niyang street food. Ang pinakapaborito niya sa lahat, ang isaw na may maanghang na sauce.
“I will try. But I won’t promise,” anito, may alanganing ngiti.
Napakagat siya sa labi.
Ang cute nito kapag nahihiya!
Umalis din sila kaagad sa stall pagkatapos makuha ang order. Habang naglalakad sa mahabang kalye ng Baclaran, sabay nilang tinikman ang kwek-kwek. Napangiti siya nang hindi naman nagreklamo ang binata sa lasa niyon. Bagkus, nakadalawa ito habang siya ay isa pa lang ang nakakain.
“Masarap ba?” aniya. Tumigil muna sila sandali. Napapagod na rin sa paglalakad.
“Yes, it tastes just like a boiled egg,” anito.
Natawa siya. Itlog naman talaga ang kwek-kwek. Nag-level up lang.
“Itlog naman talaga—” Andrius sealed her lips with his. Nanlaki ang mga mata niya. Bakit ba ang hilig nitong manghalik?
“You’re making fun of me, naughty baby,” anito nang pakawalan ang labi niya.
“Halata ba?”
“I’m going to punish you for being naughty, hmm. . .” He trailed his hand on his thigh.
Naalerto siya bigla.
They are literally publicly displaying affection!
“Come on, let’s eat actual food before heading back home,” bulong ni Andrius sa kaniyang tainga.
MATAPOS maghapunan, tahimik nilang binaybay ang daan pauwi. Anya leaned on Andrius’ chest. Pakiramdam niya kasi, bigla siyang nahilo. They were so close to each other that she could smell his manly scent. It was intoxicating.
“You’re going to stay in my condo, baby. It’s late. GCQ is GCQ, we need to abide by the rules,” sabi nito habang seryoso sa pagmamaneho.
Tumango siya bilang pagsang-ayon dito. May tiwala naman siya sa lalaki. Nakapagpaalam na rin siya sa kaniyang Pappi kanina. Isa pa, late na rin. Pareho na silang pagod sa buong maghapon na trabaho. Gayunpaman, hindi niya maiwasan na isipin. Magkakasama sila ni Andrius. Matagal na rin nang huli nilang ginawa ang bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
BS#1: THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR
Romance#Mature #Tinaguan ng anak #Office Affair You can't judge her. You just can't. Anya de Vega is a nerdy secretary. She plays with fire. With her dirty little secret.