Seryoso si Andrius habang binabasa ang report mula sa accounting department ng kaniyang kompanya sa Germany. Nalugi sila ng ilang milyong Euro. Bumagsak ang sales ng pagmamay-ari niyang hotel doon. Hindi na siya nagtaka nang mabasa ang pangalan at dahilan kung bakit nagkaroon ng problema. He was expecting it as the man’s counterattack.
Damn Edward Dietrich. Binibigyan siya ng sakit sa ulo!
Marahas na ibinagsak niya ang hawak na papeles sa mesa. Napailing sabay buntonghininga. Hinilot niya rin ang sentido dahil sa biglaang pagkirot niyon. Ilang minuto siya sa ganoong posisyon nang may maalala. He abruptly raised his head and looked directly outside of his office. Nakita niya kaagad ang hinahanap dahil sa glass wall lamang ang pagitan nila. Surprisingly, his mood changed just by looking at Anya.
“Busy, huh,” he murmured. Nakangiti na pinindot niya ang intercom. Nagwika, “Miss De Vega, I want you inside the office, please.”
“Bakit, Sir?” Nakita niya ang pagsimangot nito nang sumagot sa kabilang linya.
Napailing siya.
Fierce! he thought.
Isa iyon sa dahilan kung bakit na-a-amaze siya sa sekretarya. She was tough. She was fearless. Kung ano ang nasa isip nito, sasabihin at gagawin nito nang hindi nagdadalawang-isip. She was good at her work, though she was hardheaded and sometimes bad mouthed. Mabait din ito, nagmamaldita nga lang kung minsan. She was beautiful too. Alam niyang sa likod ng makakapal nitong salamin ay nagtatago ang isang magandang mukha.
Napahawak siya sa labi nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila kanina. It was as sweet as honey, as soft as cotton candy. The experience was so intoxicating that, even though he didn’t want to end the kiss, he forced himself to do so. Kailangan niyang pigilan ang sarili dahil baka kung saan siya dalhin ng damdamin na pinupukaw nito sa kaniyang kaibuturan. Hindi maikakaila na kakaiba ang epekto nito sa kaniya.
Was he really into Anya?
Iyon ang tanong na matagal ng umuukilkil sa kaniyang isip na hanggang sa kasalukuyan ay hindi niya mahanap ang kasagutan. He had been asshole for tempting Anya and for acting weirdly towards her. Naninibago rin siya sa sarili. She was new to him. Gusto niyang mas makilala pa ito. It was his first time, treating a woman differently. His actions fuck the hell inside of him. It made him unsure.
Was he still lusting over his secretary? If not, then he didn’t know what to call it anymore. Damn him and his emotions! It was driving him nuts.
Tikhim mula kay Anya ang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Nang tingalain niya ito, nakataas ang kilay nito habang nakatanghod sa kaniya.
“Ano po ang kailangan niyo, Sir?” anito.
Napailing siya para palisin ang nasa isip. Umayos din ng upo bago nagsalita, “Could you make a coffee for me? Also, can I join you for lunch? I mean. . .” Nag-alangan siya bigla. He was at it again. Ano ba talaga ang gusto niya?
Napayuko siya’t napailing muli. Napabuntonghininga. Frustration took over him.
“Nevermind,” he said instead.
“If it’s about lunch, I can share it with you, Sir. Marami naman po ang ipinabaon ni Pappi sa akin.”
“Talaga?” Lumiwanag ang mukha niya nang balingan si Anya. Nakataas pa rin ang kilay nito. But in his eyes, she looked cute. Ngumiti siya. “So, you’ll share the food with me?” nahihiya na kumpirma niya sa sinabi nito.
“Opo. May iba pa po ba kayong sinabi na i-share ko maliban sa baon?”
Napailing siya.
Ang totoo, meron pa. Hindi nga lamang niya kayang sabihin dito.
BINABASA MO ANG
BS#1: THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR
Romance#Mature #Tinaguan ng anak #Office Affair You can't judge her. You just can't. Anya de Vega is a nerdy secretary. She plays with fire. With her dirty little secret.