Chapter 7

303 15 0
                                    

We spent our Christmas with our family. Though, nagbatian naman kami ni Lucas ng Merry Christmas.

May binigay din siya sa aking regalo kanina, di ko pa binubuksan. Mayroon din naman akong binigay sa kanyang regalo. Simpleng relo lang yun.

"Sweetie, here," may inabot sa aking box si mom.

"Thank you!" sabi ko at niyakap siya. Kinuha ko rin yung regalo ko sa kanyang designer bag. Wala na kasi akong maiisip na ireregalo sa kanya kundi ganoon na lang.

"Sandra, eto regalo ko oh," nahihiya si dad na binigay sa akin yung maliit na box. Binigay ko din sa kanya yung regalo ko. Mga gamit yun sa pag-ba-bike, mahilig kasi mag-bike si dad sa free time niya.

"Ano ito?" I asked.

"Open it," utos niya.

Inuna kong buksan yung bigay ni mom. Mga make-up yun. Alam niya kaseng mahilig ako mag-make-up pero hindi yung makapal na make-up.

Sinunod ko namang buksan yung regalo ni dad. Nagulat ako nang makakita ng susi.

"Para saan 'to dad?" tanong ko, naguguluhan.

"Penthouse. Naiisipan ko na bigyan ka ng Penthouse. You're old enough. Nung una nga ayaw pumayag ng mom mo. Pero napilit ko siya," he explained.

"Really? But, I don't wanna leave," sagot ko.

"You don't have to leave. Kahit weekends ka lang dito. That's enough," sabi ni dad.

Di ako sanay na walang kasama sa isang bahay or penthouse man 'yun. I'll feel lonely for sure.

"Thank you dad," sabi ko at niyakap silang dalawa.

"Kaya walang regalo sa iyo ang dad mo nung birthday mo!" pang-aasar ni mom.

Natawa ako sa kanilang dalawa. After opening the gifts. We ate. Yung mga niluto ni mom na pagkain.

I washed the dishes, pagkatapos namin kumain. Ganoon lang kami lagi pag Christmas sobrang simple lang.

Pagkatapos ko mag-hugas, napag-isipan ko kumain ng cake. Nakita kong may mga message sa akin si Lucas. May sinend din siya sa akin na mga pictures. Ang dami nila.

Lucas: atm. Kakakain lang namin. Magbubukasan na ng regalo. How bout' you?

Me: tapos na kami.

Lucas: that fast?

Me: yup. Simple lang kami mag-celebrate. Actually, I'm eating a slice of chocolate cake.

Lucas: hmm, that's not healthy.

Me: cheat day.

Lucas: haha whatevs babe. Anyways, nabuksan mo na ba regalo ko?

Me: nope. Wait buksan ko.

Biglang siyang tumawag naka-video call kami.

"Hi," sabi ko pagka-sagot.

"Open it," sabi niya. Maingay yung paligid niya.

Napansin kong lumakad siya. Siguro tataas, nahalata niya sigurong maingay yung paligid.

Kinuha ko yung regalo niya at nakitang necklace yun. It was pretty. It was a butterfly. Ang cute.

"Aw, it's beautiful," sabi ko. Kahit di ako mahilig sa mga necklace. Nagistuhan ko siya dahil butterfly yung design. Dahil si Lilucas din ang nagbigay.

"Really?" tanong niya.

"Yup. Eh, yung regalo ko? Binuksan mo na ba?" tanong ko.

"Eto na bubuksan ko na," sabi niya at binuksan.

"Woah, di ba mahal ito?" tanong niya at sinuot yung relo.

"Eh, it's fine. Minsan lang naman ako gumastos," palusot ko.

"Feeling ko tuloy masyadong mura yung niregalo ko sayo," na-gi-guilty niyang sabi naka-nguso pa.

"Okay lang yun. It's the thought that counts," sagot ko.

"Anyways, tinatawag na ata ako sa baba," sabi niya.

"Alright, Merry Christmas babe! Love you," paalam ko.

"Love you too! Merry Christmas! Bye," sagot niya at binaba.

After I ate the cake. I washed the plate and fork. Then, I headed to bed.

---

Ipapakilala na raw ako ni Lucas sa pamilya niya. Kinakabahan tuloy ako. Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko.

"Dinner lang naman yun, Sandra," sabi sa akin bigla ni Lucas. Nahalata niya sigurong di ko alam kung ano ang susuotin ko.

"Kahit ano ba ang isuot ko?" tanong ko.

"Semi-formal lang naman yung dinner."

Hinatid niya ako pauwi para daw makapag-bihis na ako.

---

I decided to wear a light blue off-shoulder dress, I paired it with white pumps and a white purse. I applied a little bit of make-up. Sinuot ko rin yung bigay ni Lucas na butterfly necklace. Pinaresan ko na lang ito ng butterfly na earrings atsaka yung binili sa akin ni mom na butterfly ring. Kinulot ko din ang buhok ko at nilagay sa half-up half-down na hairstyle.

Nung narinig ko yung busina ng kotse ni Lucas, kinuha ko yung pabango ko at nag-spray sa katawan at damit ko.

Bumaba na ako at nakitang nakaabang si mom sa may hagdanan.

"Goodluck, sweetie. Wag ka masyadong kabahan. They'll like you for sure!" sabi ni mom at inayos yung buhok ko ng kaunti.

"Thanks mom," sabi ko at ki-niss siya sa cheeks at lumabas na ng mansion.

Paglabas nakatayo si Lucas sa may kotse niya. Nakasuot siya ng white dress shirt at black slacks. Nakabukas yung tatlong butones nun.

"Semi-formal lang daw," salubong ko sa kanya at sinuntok ng mahina yung dibdib niya.

"Si mom kase. Nagbalak pa atang mag-gown. Ma-mi-meet din niya yata kase yung boyfriend ni Leah at ininvite din niya yung girlfriend ni Kuya," pag-eexplain niya.

Kinabahan tuloy ako bigla. Nawala na yung kaba ko eh. Bumalik na naman.

"Hop in, hottie," pang-aasar niya.

Inirapan ko siya at sumakay sa loob ng kotse.

Umikot siya at pumasok na din sa loob ng kotse.

"Mukha kang matatae, babe," sabi niya bigla.

Really!?

"Weh? Yung totoo?" tanong ko nag-aalala.

"Yup, halatang kabado. Di ka naman kakainin nung mga magulang ko," natatawa niyang sabi.

Kinalma ko sarili ko, pero di ko magawa. Napatingin na lang ako kay Lucas dahil biglaan niyang hinawakan yung kamay ko.

"It will be alright. Promise. Pag di ka nila nagustuhan, ano naman diba? Di naman sila yung boyfriend mo, Sandra," pag-papakalma niya sa akin.

Huminga ako ng malalim, nagulat ako, he suddenly kissed me.

"Stop being nervous, my love."

Pag tinatawag niya akong love, alam kong seryoso na siya. Kaya tri-ny kong pakalmahin talaga ang sarili ko.

"Alright, I'm fine na. Let's go," lingon ko sa kanya at ngumiti.

"That's it Sandra," komento niya. Nakita niya sigurong bumalik na yung confidence ko.

Pinaandar niya yung sasakyan at papunta na kami sa mansion nila.

---
Please vote and comment! Thanks for reading!

Cursed Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon