Chapter 10

273 17 0
                                    

Nasa mall kami ngayon ni Lucas. Ngayon na daw kami bibili ng furniture dahil baka maging busy na daw siya. Malapit lang actually yung penthouse ko sa kompanya nila at kompanya namin pati na rin sa condo niya.

"Babe, eto na lang kaya?" turo ni Lucas doon sa couch na gray, habang umiinom siya ng milktea.

"Pwede. Di ganoon kalaki, tama lang," sabi ko. Maganda siya mukhang komportable din.

Binili na namin yung couch, i-pa-padeliver na lang namin sa penthouse.

Bumili rin kami ng unan at punda para dun sa couch. Nagtingin pa kami ng tables and chairs.

"Para sa bedroom naman," sabi niya.

Pumili kami ng matress, nakakita ako ng cute na bedsheet kaya binili ko na rin.

Madami pa kaming binili. Kumain na muna kami ng dinner bago mag-decide na umuwi na.

---

It's already January 3! It's a big day for Lucas. Pupunta ako mamaya dahil may pa party daw sila. Nandoon ata lahat ng business partner ng dad niya at yung nga board members nila. Isasama daw niya ako para na rin ipakilala.

Pumunta ako sa condo niya since wala siya doon, dahil maghahanda daw sila para mamaya at mag-ste-stay muna siya sa mansion.

Naglagay lang ako ng kaunting design. May ginawa akong banner na nakalagay 'Congratulations Babe! I'm proud of you!', tapos  nagsabit ako ng gold balloons. May kinalat din akong balloons sa sahig, sana hindi pumutok.

Nagpagawa ako ng cake para kay Lucas. Nilagay ko yun sa refrigerator para mamaya sa surprise.

I finished decorating when it was 3 PM and the party is at 7 PM. I headed back home to prepare.

---

When I got home I took a shower.

I applied some make-up, not to heavy. I put on some fake eyelashes. Kinulot ko ang aking buhok at inayos.

"Sweetie, do you need help?" kumatok si mom at tinanong ako.

"Actually, yes. I was about to call you."

Pumasok si mom at kinuha yung dress ko. It was a champagne colored dress. Long dress siya, backless and fit siya sa may baba. Kung baga parang mermaid dress.

"Oh, you'll look ravishing in this dress!" komento ni mom.

Hinubad ko yung robe ko and slipped in the dress. Tinulungan ako ni mom para masara yung sa likod.

Kinuha ko yung gold purse at bababa na sana pero pinigilan ako ni mom.

"How could you forget to wear jewelries, sweetie?" sabi ni mom at pumunta sa walk-in closet ko at kumuha ng alahas.

Sinuotan niya ako ng hikaw at kwintas. Kinuha niya yung sapatos ko at nilagay sa may paanan ko. Oh right I forgot to put on some shoes.

"Mukhang excited ka sobra ah. Nakalimutan mong magsapatos. Wala pa naman si Lucas," pang-aasar ni mom.

Sinuot ko yung heels ko at narinig na may bumusina na sa baba.

"Well nasa baba na siya mom. Got to go," paalam ko at hinalikan siya sa pisnge.

Bumaba ako sa hagdan at nakasalubing ko si dad.

"Aw, my princess. You look dead gorgeous," sabi ni dad at niyakap ako. Parang naiiyak si dad.

"Honey! Why are you crying?" humahalakhak na sabi ni mom.

"It's just that my princess it too beautiful," sagot niya.

"Oh come on! She's gonna be late!" tinapik ni mom yung kamay ni dad dahilan para mabitawan ako ni dad.

"Enjoy your night, sweetie!" sigaw ni mom at sinara yung pinto.

Lumakad ako papunta sa kotse ni Lucas. Medyo maaga pa naman siguro di pa magsisimula yung party.

"Woah! Sino itong magandang binibini na nasa aking harapan?" pang-aasar niya.

"He! Wag ka nga. Tara na," aya ko.

Naka-tuxedo si Lucas. He looks dashing!

"No seriously, ang ganda mo nga," komento niya.

"Ikaw din ang pogi mo."

"As always."

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay ako.

Nag-drive na siya papunta sa isang hotel doon ata gaganapin yung party.

Pumasok kami sa loob nung venue. Madami nang tao. Madami din ang bumabati kay Lucas.

Naglalakad kami para puntahan yung table na naka-assign sa amin habang hawak ako ni Lucas sa bewang.

Naupo kami doon dahil mukhang mag-i-istart na yung event.

"Good evening ladies and gentlemen. First I want to thank all of you, because you made time to attend to this wonderful evening," paninimula nung dad ni Lucas.

"I just want to introduce to you the new CEO of LS Corporation, my son Lucas Sanchez!" pag-iintroduce ng dad ni Lucas sa bagong CEO ng kumpanya.

Tumayo si Lucas at nagpasalamat sa mga dumalo at nagbigay ng maigsing speech.

Pinakilala ako ni Lucas sa ibang mga business partner nila.

Pagkatapos nung event ay napagdesisyunan namin na pumunta muna sa condo ni Lucas, more likely pinilit ko siya.

Bago kami pumasok sa loob ng condo piniringan ko muna si Lucas.

"What are you doing, babe?" natatawa niyang tanong.

"Just wait," ginabayan ko siya papasok sa loob ng condo para hindi siya madapa.

"Stay there," utos ko at kinuha sa loob ng refrigerator yung cake na pinagawa ko.

"Okay, tanggalin mo na yung panyo!" sabi ko.

"Congrats, babe!" sigaw ko pagkatanggal niya nung panyo.

"Aww.. You're too sweet! Thanks love," sabi niya sa akin at kinuha sa kamay ko yung cake at niyakap ako ng mahigpit.

"Anything for my love," sabi ko at niyakap siya pabalik.

"Napaka-supportive mo namang girlfriend," komento niya at tinignan yung cake.

"Blow the candles!" I said.

May candles kase yun, maybe he wants to wish something for the company?

"Ano namang i-wi-wish ko?" he asked.

"Anything! Para sa kumpanya?" sabi ko.

He closed his eyes and wished something, then he blew the candles.

"Wohoo! Congratulations!"

"Bukas na ba natin kainin itong cake?" tanong niya.

"Yup, pagod na tayo eh. Atsaka nabusog ako dun sa handa niyo," sabi ko.

"Kailangan iuwi na kita. It's already 9 PM. Baka magalit na si tita," natataranta niyang sabi.

"It's alright. Alam naman ni mom na gagabihin ako," pagpapakalma ko sa kanya.

"Still, I don't want her to think na nilubos lubos ko yung gabi mong pag-uwi. I still respect her as your mom," sabi niya.

Natatawa ako sa inasta niya. Pero tama siya baka mag-alala na nga si mom.

Inuwi niya na ako sa mansion at pagkatapos ay umuwi na rin siya sa condo niya.

---

Please vote and comment! Thanks for reading!

Cursed Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon