Chapter 17

256 14 0
                                    

Tinali ko na ng madalian yung bikini top ko, baka may pumasok na naman. Kinuha ko ng mabilisan yung oversized white v-neck bikini cover up ko at sinuot ito atsaka lumabas na ng kwarto.

Narinig kong sumisigaw si Lucas sa baba. "Leah! Leah!" he continuously shout Leah's name.

"What? Why you so worked up Kuya?" lumapit si Leah kay Lucas. Nakatingin lang ako sa kanila sa may stairs.

"What the heck!? Bakit di mo sinabi sa akin na sa pangalawang huli si Sandra?" medyo kumakalma niyang sabi.

"Huh? What? No I didn't! Si mom yung sinagot ko. Tinatanong niya kung saan ko nilagay yung sunblock. Sabi ko nasa pangalawang huli ng mga pouch ko. Why? What happened?" tanong ni Leah.

"I-I almost-"

"No. Nothing happened! Nagkamali lang siya ng pasok. Yun lang," di ko na sinali yung muntikan akong makitaan.

"Kuya naman! Yun lang pala!" relieved na sabi ni Leah.

Nakabihis na rin siya, naka black bikini siya at may shorts na suot siya. Siguro huhubarin niya iyon mamaya.

"Kids? Why are you so noisy?" lumabas ng kwarto si tito. Napatingin ako sa kanya at nginitian.

"Uh, wala po. Misunderstanding lang po nina Leah," sagot ko.

Tumango siya at bumalik ulit sa kwarto nilang mag-asawa.

May narinig ulit akong bumukas na kwarto, niluwa noon si Ate Jaz. She is wearing a blue one piece bikini. May dala din siyang shades. Di siya mukhang nagbuntis, sexy pa rin siya.

"Tara na Sandra! I'm so excited nandito ka ngayon!" hinila niya ako pababa. Dinamay na rin niya si Leah.

Paglabas namin ay nandoon na si Kiya Lewis may iniihaw, at si tita ay pumasok papuntang kitchen.

"You look great ladies," she complimented us.

Nandoon na din yung fiance ni Leah, may hawak na camera. Siya siguro yung sinabihan ni Leah na mag-picture sa aming tatlo.

Naka-hawaiian shirt siya at nakabukas lahat ng butones nito, samantalang si Kuya Lewis ay nakasara ang mga butones tatlong butones lang ang natirang di nakabukas.

Pumunta si Leah kay Kieffer at niyakap siya, Kieffer gave Leah a peck. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanila.

Samantalang si Ate Jaz ay pinuntahan si Kuya Lewis at hinalikan sa pisnge. Hindi ko alam kung saan ba ako titingin dito sa beach na ito.

Tinignan ko na lang yung tubig, anlinaw nito. Masaral siguro mag-swimming dito.

"Are you gonna swim?" sulpot ni Lucas na nasa likod ko. Naka white v-neck t-shirt siya at beach shorts.

"Yeah, pag tapos na magharutan yung mga mag-jowa," sagot ko pabalik.

Hinubad niya yung shirt niya at nilapag sa upuan. "Sorry nga pala kanina. I swear I saw nothing," sabi niya at tumakbo papunta sa tubig.

Yeah sure! He saw nothing!

Nilapitan na ako ni Leah pagka-sisid ni Lucas sa tubig.

"Pictures? Okay na daw si Kieffer mag-picture. Tawagin ko lang si Ate," umalis siya at inaya na din si Ate Jaz.

Naunang mag-pa-pic si Leah. Madami siyang ginawang poses at pinipicturan lang siya ni Kieffer.

Pagkatapos mag-pa-picture ni Leah ay si Ate Jaz naman ang sumunod. Hindi masyadong madami ang pictures nkya dahil okay na daw siya sa kaunti lamang.

Pagka-ahon ni Lucas ay sinuklay niya yung basa niyang buhok, na nakaagaw ng atensyon ko. He looked very hot! I'm impressed. His abs, oh gosh.

"Sandra? Your turn," sabi ni Leah at kinawayan pa ako sa may mukha.

"Ikaw ha! Yiee!" pang-aasar niya nung nakitang nakatingin ako kay Lucas.

"Ano ka ba? Hindi noh! Ako na ba?" tanong ko.

"Yup!"

Pumunta ako sa shore at pu-mose. Nailang ako dahil pinapanood dumagdag si Lucas sa nanonood sa akin.

Pinakiusapan ko si Kieffer na sa tabi ako kuhanan. Lumuhod ako at kunwaring sinusuklay ang buhok ko. Narinig ko na nag-click ang camera.

Umupo naman ako at binaba ng kaunti sa shoulder ko yung bikini cover up ko, medyo bi-nend ko yung dalawa kong paa at ginalaw-galaw ang ang buhok ko na para bang sinusuklay ito pero gamit lang ang isang kamay.

Ang pangatlong pose ko ay tumayo ako at tumingin sa malayo at hinahawi yung buhok ko sa may tenga.

I did so much more pose, tuwang-tuwa nga si Kieffer dun sa mga pictures ko. Pwede daw akong maging model.

Pagkatapos kong picturan ay lumabas ng pumapalakpak si tita.

"You did so great Sandra iha!" tuwang-tuwa na sabi ni tita.

Tumawa na lang ako ng kaunti. "Uh, hindi naman po," sagot ko.

"Kieffer let's take couple photos! Kuya Lewis! Take pictures of us please!" sigaw ni Leah.

Nag-picturan silang mga couples. Nasa sun lounger lang kami ni Lucas, di nag-uusap. May mga kasambahay din sila dito, umiinom ako nung gawa nilang orange juice.

"How are you? Kumusta yung tatlong taon mong nasa States?" tanong niya bigla nagpuounas ng katawan niya gamit yung towel.

"Well, the first year was horrible. I felt like dying," sagot ko.

"I'm sorry. I put you through hell," sabi niya.

"Nah, I already moved on. Mom is healthy so I'm happy," dagdag ko.

"Could you take some pictures of me? On the water? Or the rocks?" tanong ko at inabot sa kanya yung phone ko.

Ayako na, na awkward kaming dalawa. Maybe we could be friends.

Kinuha niya iyon at lumayo kami ng kaunti sa mga couples at dun sa may mga bato bato na pumunta doon maganda sana mag-picture.

Sumandal ako sa isang malaking bato at nag-pose.

"Maybe we could be friends, don't you think so?" I casually asked.

"Friends? Yeah, sure a great start you know," sagot niya at nag-pi-picture pa rin sa akin.

After taking a dozens of photos inaya ko na lang siyang mag-swimming. Baka bored na siya kaka-picture sa akin.

Hinubad ko yung bikini cover up ko at nilapag sa bato bato.

Sumisid kaming dalawa ni Lucas sa tubig. Pag-ahon ko ay medyo malayo na pala ang narating ko. Kita ko pa rin yung mga bato pero nasa malalim na parte na ako ng tubig. Atsaka hindi na kami kita ng pamilya ni Lucas.

Hindi ko makita si Lucas, baka nasa ilalim pa.

"Ah!" napatili ako ng biglang may humawak sa may paanan ko at yumakap sa bewang ko galing sa likod.

Napatingin ako at tinignan kung sino yung yumakap sa akin.

"This hug is just a friendly hug. I missed you Sandra. Welcome back," bulong sa akin ni Lucas. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

---

Please vote and comment! Thanks for reading!

Cursed Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon